FILIPINOS GET BEST OF BOTH WORLDS IN ABS-CBN’S NBA FINALS COVERAGE ON ABS-CBN AND S+A ON FREE TV AND SKYCable

Filipino basketball fans are enjoying a massive treat from ABS-CBN, the country’s leading media and entertainment company, which has been bringing the NBA Finals series LIVE on free TV and on SKYcable since Game 1 between the Golden State Warriors and defending champion Cleveland Cavaliers last June 2.

The Warriors cruised to a Game 1 victory with a 113-91 thrashing of the Cavs, behind Kevin Durant’s 38 points and 2016 MVP Stephen Curry’s six three-pointers while Lebron James’ double-double of 28 points and 15 rebounds could not make up for his team’s 20 turnovers.

The second game was quite the same story yesterday (Manila Time) as the Warriors were able to crush the Cavaliers after the halftime break, 132-113, with Durant turning in 33 points, 13 rebounds, six assists, and five blocks while Curry had a triple double. James also tallied his 8th palyoff triple double in a losing effort.

Golden State is now two games away from hoisting their second NBA championship trophy in three years, and an unprecedented perfect postseason record.

Filipino NBA fans caught the action with Filipino commentary on ABS-CBN ch.2 on free TV and on ABS-CBN HD on SKYcable ch. 167, courtesy of ABS-CBN Sports’ Boom Gonzalez and TJ Manotoc, who are covering the Finals in the US.

Meanwhile, NBA fans who prefer to watch the game with the original english commentary tuned to the game on S+A ch. 23 on free TV and on S+A SKYcable ch. 17 and S+A HD SKYcable ch. 166.

Viewers will continue to experience the best of both worlds as ABS-CBN’s NBA Finals coverage go on with Game 3 scheduled on Thursday (June 8) at 9am on ABS-CBN, ABS-CBN HD, S+A, and S+A HD.

Those outside Metro Manila can also enjoy the games live and in the language of their choice. For Sky subscribers in Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, Baguio, General Santos, and Dumaguete, NBA Finals will be LIVE in Filipino on ABS-CBN ch. 2 and ABS-CBN HD ch. 700, and in English on S+A ch. 8 and S+A HD ch. 701. Sky Direct subscribers can catch the games on ABS-CBN HD ch. 2, S+A ch. 8, and S+A HD ch. 24.

Can James, the NBA’s all-time playoff scoring leader, and Kyrie Irving, the cover boy of the new NBA2K game, defend their home turf as the series swings to Cleveland for Game 3 on Thursday (June 8) at 9am? Game 4 will be on June 10 at 8:30am. If necessary, Game 5 will be on June 13 at 9am, Game 6 on June 16 at 9am, and Game 7 on June 19 at 8am. Replays are available on S+A, ABS-CBN’s free TV sports channel, on the same day at 8pm.

For more information and stories on the NBA, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com  and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

-30-

 

Warriors, wagi sa Game 2 laban sa Cavaliers

ABS-CBN, DADALHIN ANG NBA FINALS SA ABS-CBN AT S+A SA FREE TV AT SKYcable

 

Lalong napapasarap ang panonood ng Pinoy basketball fans dahil ipinapalabas ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company sa bansa, ang buong NBA Finals ng LIVE sa free TV at SKYcable na nagsimula pa noong June 2 sa pagbubukas ng Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at defending champion na Cleveland Cavaliers.

Kumalas ang Warriors sa Cavaliers sa second half upang maipanalo ang Game 1 sa iskor na 113-91 noong Biyernes. Nanguna sa Dubs si Kevin Durant na may 38 na puntos at 2016 MVP Stephen Curry na nagpakawala ng anim na tres, samantalang hindi naging sapat ang double-double ni Lebron James na 28 points at 15 rebounds para makabawi sa 20 turnovers ng Cavs.

Sa ikalawang game, halos pareho lang din ang nangyari kahapon (Manila time) nang umalagwa ang Warriors pagkatapos ng halftime at tambakan ang Cavaliers, 132-113, para sa kanilang 2-0 lead sa serye. Nagtala si Durant ng 33 na puntos habang nagbuslo naman si Stephen Curry ng isang triple-double. Bumida naman sa Cleveland si LeBron James na nagtala rin ng kanyang ikawalong triple-double sa playoffs.

Dalawang panalo na lang at mai-uuwi na ng Warriors ang kampeonato sa NBA, pati na rin ang malinis na 16-0 record sa Playoffs na hindi pa nagagawa nino man.

Patuloy na mapapanood ng Pinoy NBA fans ang aksyon nang may Tagalog na komentaryo sa ABS-CBN ch.2 sa free TV at ABS-CBN HD sa SKYcable ch.167, sa tulong nina Boom Gonzalez at TJ Manotoc na nasa Amerika para sa Finals. Ang mga NBA fans naman na mas pinapaboran ang orihinal na komentaryo sa Ingles ay nanood sa S+A ch.23 sa free TV at sa cable sa S+A SKYcable ch. 17 at S+A HD SKYcable ch. 166.

Patuloy na makakapili ang mga manonood kung saan nila panonooring ng live ang mga laro sa pagpapatuloy ng NBA Finals ng ABS-CBN sa darating na Game 3 sa Huwebes (June 8) ng 9am sa ABS-CBN, ABS-CBN HD, S+A, and S+A HD.

Hindi rin mahuhuli ang mga Sky subscribers sa Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, Baguio, General Santos, at Dumaguete, na live din makakapanood ng NBA Finals sa Tagalog sa ABS-CBN ch. 2 at ABS-CBN HD ch. 700, at sa wikang Ingles naman sa S+A ch.23 at S+A HD ch.701.  Mapapanood naman ng Sky Direct subscribers ang mga laro sa ABS-CBN HD ch. 2, S+A ch. 8, at S+A HD ch. 24.

Alamin kung kakayanin ni James, ang all-time playoff scoring leader ng NBA, at ni Kyrie Irving, ang cover boy ng bagong NBA2K game, na ma-depensa ang kanilang home court at makabawi sa Warriors sa darating na Huwebes (June 8) ng 9am. Abangan ang Game 4 sa June 10 ng 8:30am. Kung kakailanganin, mapapanood ang Game 5 sa June 13 ng 9am, Game 6 sa June 16 ng 9am, at Game 7 sa June 19 ng 8am. May replay ding ipapalabas sa S+A, ang free TV sports channel ng ABS-CBN, sa parehong araw ng mga laro sa ganap na 8pm.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports). Makisali sa usapan gamit ang hashtags na #NBAsaABSCBN at #NBASabaDOS.

-30-

Comments are closed.