FILIPINOS SING A MESSAGE OF HOPE AS ONE IN “KWENTO NG PASKO, VERSION NATIN ITO”

Filipinos all over the world are invited to unite in one voice and spread the message of love and hope with our countrymen. You may participate in the “Kwento ng Pasko, Version Natin Ito” music video, the first user-generated station ID to be produced by ABS-CBN.

Just take a video of yourself or with your family, colleagues, or friends singing the Christmas station ID theme song “Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko” and upload it on pasko.abs-cbn.com on or before December 6.

Every year, Kapamilya viewers around the globe eagerly anticipate ABS-CBN’s Christmas station ID. More than the gathering of its biggest and brightest stars in one video, the station ID has always been able to touch the hearts and inspire many Filipinos and remind them of the true meaning of Christmas.

That is why ABS-CBN opted to create a new version of its colorful and lively “Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko” station ID to pay tribute to the Filipino spirit amidst tough times. Sung by an ensemble of Kapamilya artists, the new version highlights how the Filipino people can manage to smile, get back on track, and rise above various tragedies.

ABS-CBN continues to aid survivors through its Sagip Kapamilya relief operations and the sales of the Tulong shirts. A successful benefit concert was also staged at the Araneta Coliseum recently.

Meanwhile, ABS-CBNmobile helps Yolanda survivors to share their stories and communicate with their loved ones as they rebuild their lives. The public can share prepaid load with them by buying ABS-CBNmobile SIM cards from sari-sari stores and tiangges. Share load by texting Share<space><amount> and send to 2131. Any of the following load amounts can be shared: P10, P20, P50, P100. All load shared will be collected and distributed to the Yolanda survivors.

To know more how to help Yolanda survivors, visit www.abs-cbnnews.com/tulongph. For more information on how to join the “Kwento ng Pasko, Version Natin Ito” music video, just log on to http://pasko.abs-cbn.com.

-30-

Tulong PH shirts at pag-share ng load sa ABS-CBNmobile, makakatulong sa Yolanda survivors

IISANG AWIT AT IISANG TINIG PARA SA PAGBANGON, HANDOG NG MGA PILIPINO SA “KWENTO NG PASKO, VERSION NATIN ITO”

 

Sa iisang awit, sabay-sabay tayong babangon ay sa pinag-isang tinig, sama-sama tayong aahon.

Inaanyayahan ng ABS-CBN ang lahat ng Pilipino saan man sa mundo na makiisa sa kwento ng pagbangon. Maari kayong maging bahagi ng “Kwento ng Pasko, Version Natin Ito” music video, ang pinakaunang user-generated station ID na gagawin ng Kapamilya Network.

I-video lang ang sarili o kasama ang pamilya, ka-opisina, o mga kaibigan habang kinakanta ang Christmas station ID theme song na “Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko.” I-upload ito sa pasko.abs-cbn.com.

Taon taon ay talaga namang inaabangan ng publiko ang station ID ng ABS-CBN. Higit pa sa pagsasama-sama ng pinakamalalaki at pinakamaningning na Kapamilya stars sa isang music video, ang Christmas station ID ay isang paraan para makaantig at maka-inspire ng mga manonood.

Kaya naman gumawa ang ABS-CBN ng bagong bersyon ng “Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko” station ID para bigyang pugay ang tibay ng loob, katatagan, at pagtutulungang ipinapamalas ng mga Pilipino sa panahon ng pangangailangan. Ipinakita rito na kayang kaya bumangon ng mga Pilipino sa anumang sitwasyon nang may ngiti sa mukha at may nag-aalab na pag-asa para sa mas magandang umaga.

Patuloy ang ABS-CBN sa pagtulong sa survivors ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya at pagbebenta ng “Tulong Na Tabang Na Tayo Na” t-shirts. Isang matagumpay na benefit concert din ang idinaos nito kamakailan sa Araneta Coliseum.

Kasangga rin sa pagbangon ng Yolanda survivors ang ABS-CBNmobile. Maaring makatulong ang publiko sa kanila sa pamamagitan ng pag-share ng load sa ABS-CBNmobile SIM cards na mabibili sa mga tindahan at tiangge. I-text lang ang Share<space><amount> at i-send ito sa 2131 para mag-share ng load. Maaaring mag-share ng P10, P20, P50, at P100. Ang lahat ng load na makokolekta ay ibabahagi sa Yolanda survivors.

Sa mga nais tumulong sa survivors ng Yolanda sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya ay bumisita lang sa www.abs-cbnnews.com/tulongph. Para sa karagdagang impormasyon kung paano sasali sa “Kwento ng Pasko, Version Natin Ito” music video, maglog-on na sa http://pasko.abs-cbn.com.

-30-

TAGS: , , ,

Comments are closed.