“Finally Found Someone” airs on Cinema One

Finally Found Someone on Cinema One

AshLloyd’s hit romcom to bring “kilig” this Sunday night

“Finally Found Someone,” one of 2017’s biggest blockbuster films starring Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz, is once again airing on Cinema One as the cable channel’s new year blowout this Sunday (Jan. 28) at 8 pm.

The romcom flick is AshLLoyd’s fourth team up after the also highly successful trilogy – “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” and “It Takes A Man and A Woman.” It grossed over P300 million in sales last year.

In this film, Aprilyn (Sarah) is left by his groom on the day of their wedding. Her devastating breakdown becomes viral online. She meets Raffy (John Lloyd), an unromantic PR man hired by the father of her former fiancé, who will help her move on.

As Raffy works to achieve his mission with Aprilyn, he begins to question if he still has courage to want someone special in his life. Will Aprilyn and Raffy be brave enough to take a chance in love?

The funny yet touching movie, graded B by the Cinema Evaluation Board, is directed by Theodore Boborol. It also stars Christian Bables, Joey Marquez, Yayo Aguila, Dennis Padilla, Tetchie Agbayani, Alwyn Uytingco, Alexa Ilacad, and more.

Picture love in the most unexpected circumstance in “Finally Found Someone” this Sunday (Jan. 28), 8 pm on Cinema One. Cinema One is available on SKYcable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

AshLloyd, kilig ang hatid ngayong Linggo ng gabi

“FINALLY FOUND SOMEONE,” MAPAPANOOD SA CINEMA ONE

Ipapalabas muli sa Cinema One ngayong Linggo (Jan. 28) ang “Finally Found Someone” na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz at itinuturing na isa sa mga pinaka-matagumpay na pelikula noong 2017, bilang handog ng nasabing cable channel ngayong bagong taon.

Ang “Finally Found Someone” ay ang ika-apat na pelikulang pinagsamahan nina Sarah at John Lloyd, pagkatapos ng kanilang matagumpay na trilogy – ang “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” at “It Takes A Man and A Woman.” Ito ay kumita ng mahigit P300 million noong nakaraang taon.

Naka-sentro ang kwento nito kay Aprilyn (Sarah) na iniwan ng kanyang mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal. Hindi inaasahang nag-trending online ang kanyang madamdaming paglulupasay sa pag-asang babalikan siya ng kanyang mahal. Makikilala niya si Raffy (John Lloyd), ang walang interes sa pag-ibig na PR man na inutusan ng ama ng dating niyang fiance upang tulungan siyang makalimot.

Habang nagsisikap si Raffy sa kanyang misyon para kay Aprilyn, nagsimula din siyang tanungin ang sarili kung may tapang pa ba siyang papasukin ang isang babae sa kanyang buhay. Magkakaroon kaya ng pag-asa sa pagitan nilang dalawa upang sumubok muli sa pag-ibig?

Ang nakakatuwa ngunit may kurot sa pusong pelikula ay binigyan ng grade B ng Cinema Evaluation Board. Ito ay idinirek ni Theodore Boborol. Kasama rin dito sina Christian Bables, Joey Marquez, Yayo Aguila, Dennis Padilla, Tetchie Agbayani, Alwyn Uytingco, Alexa Ilacad, at iba pa.

Abangan ang nakakakilig na kwento ng “Finally Found Someone” ngayong Linggo (Jan. 28), 8 pm, sa Blockbuster Sunday ng Cinema One. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

Comments are closed.