“Funny Ka, Pare Ko” finale sa Boracay

“FUNNY KA, PARE KO” FINALE SA BORACAY

Isang malaking Boracay beach get-away ang tampok sa finale ng Gawad Tanglaw award winning comedy series na “Funny Ka, Pare Ko” ngayong Linggo sa CineMo.

Para sa finale ng ika-apat nitong season nagtungo sa paraisong ito ang mga Delyon at Komikero. Dito rin magpipirmahan ng kontrata sina Bigboy at Mr. Sing para maibenta sa Visayas ang “Bigboy’s Best Bottled Adobo.”

Malaking tulong ang maidudulot nag pagdala ng “Bigboy’s Best Bottled Adobo” sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa negosyo ng pamilya Delyon at sa mga taong nagtatrabaho at natutulungan nito. Kaya pursigido talaga sina Bigboy (Bayani Agbayani) at Karla (Karla Estrada) na makipag-kontrata kay Mr. Sing.

Ngunit hindi lahat matutuwa sa posibilidad na ito. Matapos ayaing mag-island hopping sila Bigboy, Dong-Dong (Jayson Gainza), at mga Komikero ay sisirain nina Victor (Jobert Austria) ang bangkang sinasakyan nila para hindi umabot si Bigboy sa meeting.

Unang sitcom ng CineMo ang “Funny Ka, Pare Ko.” Nanalo ito ng Best Comedy Program sa 15th Gawad Tanglaw for Media Arts habang nanalo naman si ‘Bigboy,’ Bayani Agbayani, ng Best TV Actor in a Comedy Program mula sa 25th KBP Golden Dove Awards.

Matutupad pa kaya ang pangarap nilang mapalago pa ang Delyon’s restaurant at ang kanilang best bottled adobo? Alamin sa season finale ng “Funny Ka, Pare Ko,” 5 PM, ngayong Linggo.

Mapapanood ang CineMo sa ABS-CBN TVplus. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company na nagpakilala ng digital terrestrial television noong 2015 para mas maging maganda ang TV viewing experience ng mga Pilipino. Gamit ang digital signal transmission, nagiging malinaw ang mga palabas sa TV. Bukod sa exclusive channels, nakakasagap din ang TVplus box ng ibang channels na gumagamit na ng digital signal. Wala ring monthly fee ang ABS-CBN TVplus.

 

 

“FUNNY KA, PARE KO” FINALE HEADS TO BORACAY

A huge finale awaits fans of award-wining sitcom “Funny Ka, Pare Ko” as it heads off to the paradise island of Boracay this Sunday with Bigboy and family about to embark on a new chapter in their lives as entrepreneurs.

The finale will see Bigboy and Mr. Sing about to sign a contract to distribute “Bigboy’s Best Bottled Adobo” in Visayas, a big step for Bigboy (Bayani Agbayani), Karla (Karla Estrada), their family business, and the people who depend on it.

However, not everyone is excited for this big opportunity. Victor (Jobert Austria) invites Bigboy, Dong-Dong (Jayson Gainza) and the Komikeros to go island hopping but is actually out to sabotage the deal by making sure Bigboy doesn’t make it to the contract signing.

“Funny Ka, Pare Ko,” is CineMo’s first sitcom and has won Best Comedy Program at the 15th Gawad Tanglaw for Media Arts while its lead cast member Bayani Agbayani has won Best TV Actor in a Comedy Program at the 25th KBP Golden Dove Awards.

Find out on Sunday if the gang makes it back on time and if they’ll be able to achieve their dream of making Delyon’s restaurant and its bottled adobo a success. Watch “Funny Ka, Pare Ko” at 5 PM, only on CineMo.

CineMo is available on ABS-CBN TVplus. ABS-CBN is the first media and entertainment company in the Philippines to make the historic switch from analog to digital terrestrial television in 2015 to transform the TV viewing experience of Filipinos. Using digital signal transmission, ABS-CBN TVplus makes TV viewing dramatically crystal clear. Besides exclusive channels, it can also capture and broadcast channels that transmit in digital and is offered for a one-time payment fee.

 

Comments are closed.