Gerald, bistado na ang mga plano ni Jake sa “Ikaw Lang ang Iibigin”

Nag-uumpisa nang umikot ang kapalaran ni Gabriel (Gerald Anderson) ngayong nabisto niya na ang ugnayan ng ama nitong si Rigor (Daniel Fernando) at ni Carlos (Jake Cuenca) sa nangungunang serye sa umaga na “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Matapos makulong nang mapagbintangang suspek sa pagkamatay ng inang si Victoria (Ayen Munji-Laurel), nakalaya na si Gabriel at napawalang-bisa na rin ang isinampang kaso ni Carlos laban sa kanya nang mapatunayang wala siyang kinalaman sa kaso ng ina.

Pero sabay naman sa paghahanap ng katotohan sa pagkamatay ni Victoria, hindi inaasahang mahuhuli ni Gabriel sina Carlos at Rigor at ang mga plano nilang lalo siyang idiin sa kaso ng ina. Ngunit hindi naman padaraig si Gabriel at sisiguraduhing magbabayad sila sa lahat ng kanilang kasinungalingan at kasalanan.

Handa na nga ba si Gabriel sa mas matitinding panganib na parating sa kanyang buhay? Paano niya mapoprotektahan si Bianca? Manalo naman kaya si Carlo sa kanilang laban?

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng “Ikaw Lang ang Iibigin” sa morning block ayon sa datos mula Kantar Media. Nito ngang Martes (Sep 5), nagkamit ang serye na 14.9% o higit doble kumpara sa “Trops” na nakakuha lamang ng 6.8%. Kinasasabikan din ng netizens ang palabas sa pagiging trending topic nito at paglikom ng libo-libong tweets tuwing umaga.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang “Ikaw Lang ang Iibigin,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

GERALD DISCOVERS JAKE’S PLANS OF DESTROYING HIM IN “IKAW LANG ANG IIBIGIN”

Fate is starting to favor Gabriel (Gerald Anderson) now that he knows about his father Rigor (Daniel Fernando) and Carlos (Jake Cuenca) conniving against him to destroy his life in the leading morning series “Ikaw Lang ang Iibigin.”

After getting behind bars for the death of his mother Victoria (Ayen Munji-Laurel), Gabriel scored a victory against Rigor and Carlos when he won the murder case filed by Carlos, successfully proving his innocence.

However, while investigating his mother’s death, Gabriel caught Carlos and Rigor putting together a plot to pin him as the mastermind behind the crime. This pushes Gabriel to devise his own plans to make his enemies pay for their crime and lies.

Is Gabriel ready for more challenges that he has yet to face? How will he protect Bianca’s life from danger? Will Carlos win his battle against his archrival?

Meanwhile, “Ikaw Lang ang Iibigin” continues to top the morning block, according to data from Kantar Media. It scored a national TV rating of 14.9% last Tuesday (Sept 5) or more than double that of “Trops” with only 6.8%. The series is also a hit among netizens and a consistent trending topic online, garnering thousands of tweets daily.

Don’t miss the series that shows how people can fight for their love and their dreams, “Ikaw Lang ang Iibigin,” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).

Comments are closed.