GET TO KNOW THE 12 FINALISTS OF THE MYX VJ SEARCH

 

Competition heats up in the middle of the MYX VJ Search 2012 as the aspirants push hard to attain their dream of becoming one of the main faces of the number one music channel in the Philippines.

Topping this year’s search are 12 finalists who have different personalities but have the same yearning to be chosen as the MYX VJ.

VJ K.A., who juggles herself in being a pre-school teacher, a host, a make-up artist, and a band vocalist, wants to add being a MYX VJ to her long-list of credentials. VJ Karen’s sweet and bright personality can bring a smile to anyone and cited to be her edge in the competition.

The Singaporean-but-Pinoy-by-heart VJ Michelle already had a great adventure when she appeared in Amazing Race Asia Season 4 and now wants to try the MYX VJ scene, a different yet equally-exciting adventure. VJ Paulina, who inherited her wit and charm from her dad Vic Sotto, wants to have a name for herself and prove that she’s not just a champion golfer, but can also be a great VJ.

Being a sister to two band-inclined brothers – Yael of Spongecola and Yan of Pupil – VJ Ysab has a different career path in mind as she takes the spotlight through MYX. VJ Ericka already proved her talent in singing when she – and her sister – released their hit-song “12:51” but she has decided to follow her other passion – hosting.

On the other hand, bachelors are also contending for the spotlight in the competition. Having a tongue-in-cheek humor and a good fashion sense makes the sassy VJ Kevii a stand out among the crowd. Sports lover VJ Mike dreams of becoming a commentator one day, but first, he will try his hosting ability on the MYX stage.

Passionate and fun-loving UP Diliman student and music producer, VJ Mica is trying his luck of becoming the main man in the music scene by becoming a MYX VJ. Adding to this roster is charming Cebuano VJ Marcky who will not just capture everyone’s attention, but also make everyone love him through his jokes and funny lines.

VJ Hadi’s experience, on one hand, will just prove that hard work and patience will be paid off as he had auditioned for MYX VJ search three times before he had made the cut. Being a member of the boyband, 1:43, singing cutie VJ Anjo already has an army of girls screaming for him when he sings but he will now try to make all the people cheer for him when he hosts.

The finalists already underwent 8 arduous tasks that really proved their worth in the course of the competition. More surprising tasks will be featured in the most exciting VJ search in the country. Be sure to follow the MYX VJ Search 2012 finalists by visiting their personal Facebook fan pages and their MYX profiles at www.myxph.com/vjsearch/finalists and be updated on the latest happenings with your favorite MYX VJ aspirant. Featured tasks will be posted at www.myxph.com/vjsearch.

For more details, visit www.myxph.com. Also like our facebook fan page: www.facebook.com/myx.philippines and follow us on twitter: @MYXphilippines and @MYXphdotcom.

-30-

12 FINALISTS NG MYX VJ SEARCH, KILALANIN

Painit na nang painit ang kumpetisyon sa MYX VJ Search 2012 at talagang bigay-todo na ang finalists upang matupad ang kanilang pangarap na maging isa sa mga main VJs sa numero unong music channel sa Pilipinas.

Mula sa daan-daang nagpunta at nag-audition, labindalawang may iba’t ibang personalidad ngunit may isang layunin na maging MYX VJ ang napili.

Isang pre-school teacher, host, make-up artist at band vocalist si VJ K.A., at nais niyang idagdag ang pagiging MYX VJ sa kanyang mga credentials. Ang pagiging sweet at palangiti naman ni VJ Karen ang sinasabing lamang niya sa kumpetisyon. Pagkatapos naman ng masayang adventure ng Singaporean ngunit pusong Pinoy na si VJ Michelle sa Amazing Race Asia Season 4, nais naman niyang subukan ang kakaibang adventure sa MYX VJ search.

Namana naman ni VJ Paulina ang ganda niya sa kanyang amang si Vic Sotto pero nais niyang patunayan na kaya niya ring gumawa ng sariling pangalan at maging isang magaling na MYX VJ. Bilang kapatid ng dalawang sikat na musikero – sina Yael ng Spongecola at Yan ng Pupil – nais naman ni VJ Ysab na mag-iba ng karera at maging magaling na VJ sa MYX. Napatunayan na ni VJ Ericka ang galing sa pag-awit sa kanyang awiting “12:51” ngunit nais niya namang subukan ang isa niya pang hilig – ang paghohost.

Sa kabilang dako naman, iba’t ibang mga binata rin ang nagtutunggalian sa kumpetisyon. Dahil sa kanyang nakakatawa at nakakatuwang personalidad, talagang hindi maikukubli ang pagiging unique ni VJ Kevii. Pangarap naman ng sports lover na si VJ Mike ang maging sports commentator ngunit susubukan muna niya ang abilidad sa paghohost sa MYX. Imbis na magtrabaho sa likod ng kamera bilang isang music producer, susubukan naman ng fun-loving UP Diliman student na si VJ Mica ang maging main man sa music scene at maging MYX VJ.

Makikipagsapalaran din ang charming Cebuano na si VJ Marcky na siguradong mamahalin ng lahat dahil sa kanyang mga nakakatawang hirit at biro. Papatunayan naman ng karanasan ni VJ Hadi na ang pagiging hard working at patient ay nagbubunga ng maganda sapagkat pagkatapos ng tatlong beses na pag-o-audition, sa wakas ay nakapasok na rin siya bilang isang finalist. Si VJ Anjo naman, na miyembro ng boyband na 1:43, ay sanay na sa mga babaeng tumitili sa kanya tuwing siya’y kumakanta ngunit ngayon ay nais niyang makuha ang suporta ng lahat kapag siya’y naghohost.

Sumailalim na sa walong iba’t ibang mahihirap na tasks ang mga finalists. Sinukat ng mga pagsubok na ito ang kanilang galing at talino. Marami pang mga nakakagulat na pagsubok ang ibibida sa pinaka-aabangang VJ search sa bansa. Sundan din ang mga MYX VJ Search 2012 finalist sa kanilang mga Facebook fan pages at MYX profiles sa www.myxph.com/vjsearch/finalists at maging updated sa mga pinakabagong pangyayari sa inyong paboritong MYX VJ aspirant. Ipopost din sa www.myxph.com/vjsearch ang mga featured task.

Para sa ibang detalye, bumisita sa www.myxph.com. I-like din ang Facebook fan page: www.facebook.com/myx.philippines at i-follow sa twitter @MYXphilippines at @MYXphdotcom.

-30-

 

Comments are closed.