GIMME5 MOVES UP FOR MUCH-AWAITED “SOPHOMORE” ALBUM

After many sold-out and jampacked tours for their hit debut album, ABS-CBN’s energetic teen boyband Gimme5, featuring Nash Aguas, Joaquin Reyes, Grae Fernandez, Brace Arquiza and John Bermundo, finally returns to the music scene with the launch of their much-awaited second album under Star Music entitled “Sophomore.”

 

Fans of the five heartthrobs will surely be revved up as the new album features five original songs including compositions from Gimme5 members such as “First Love” by Nash and “Hindi Ko Alam” by Joaquin.

 

The album’s carrier single, “Walang Dahilan,” is composed by Jay Sule and this feel-good song highlights the boyband’s teen vibe as it talks about the first stages of having a crush.

 

Other exciting tracks, “Napapangiti” composed by Rox Santos and “Hanggang Tingin Na Lang” composed by Miles Blue Sy, are also set to swoon and inspire the youth in upping their “ligaw” game.

 

Malou Santos and Roxy Liquigan are the executive producers of this album, Jonathan Manalo as the supervising producer, and DJ and songwriter RB Kidwolf serves as the over-all album producer.

 

“Sophomore” follows the success of Gimme5’s first self-titled album which gained waves in the local music industry with hit songs “Pag Kasama Ka,” “Hatid Sundo,” and “Aking Prinsesa.” The album also received a gold award from the Philippine Association of the Record Industry (PARI).

 

The album is now available on all digital stores worldwide and record bars nationwide for only P199. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/starmusicph. Watch the latest music videos at Star Music’s YouTube channel @ABS-CBN Star Music.

-30-

GIMME5, AANGAT SA PINAKAHIHINTAY NA “SOPHOMORE” ALBUM

 

Matapos ang maraming sold-out tours para sa kanilang matagumpay na debut album, nagbabalik sa music scene ang teen boyband ng ABS-CBN na Gimme5, na binubuo nina  Nash Aguas, Joaquin Reyes, Grae Fernandez, Brace Arquiza at John Bermundo, sa paglulunsad ng kanilang pinaka-inaabangang pangalawang album mula sa Star Music na may titulong “Sophomore.”

 

Siguradong kagigiliwan ng fans ang kanilang panibagong album na tampok ang limang orihinal na kanta, kasama ang mga komposisyon ng dalawang miyembro nito, ang “First Love” na isinulat ni Nash at ang “Hindi Ko Alam” na mula naman kay Joaquin.

 

Ang carrier single ng album na “Walang Dahilan” ay isinulat ni Jay Sule at ramdam sa feel-good song na ito ang teen vibe ng boyband kung saan kuwento ang mga unang hakbang ng kabataan sa kanilang paghanga sa napupusuan.

 

Tiyak na magsisilbing inspirasyon sa puso ng mga kabataan ang iba pang kaabang-abang na tracks na mapapakinggan dito sa album tulad na lamang sa awiting “Napapangiti” na isinulat ni Rox Santos at “Hanggang Tingin Na Lang”  na isinulat naman ni Miles Blue Sy.

 

Sina Malou Santos at Roxy Liquigan ang executive producers ng bagong album kasama si Jonathan Manalo bilang supervising producer habang ang DJ at songwriter na si RB Kidwolf ang nagsisilbing over-all album producer.

 

Kasunod ang “Sophomore” sa matagumpay nilang unang self-titled album na nakilala sa local music industry kasama ang hit songs na “Pag Kasama Ka,” “Hatid Sundo,” at “Aking Prinsesa.” Nakatanggap din ang album ng gintong parangal mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI).

 

Ang “Sophomore” album ng Gimme5 ay mabibili na sa digital stores at record bars sa halagang P199 lamang. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph. Panoorin ang mga bagong music videos sa YouTube channel @ABS-CBN Star Music.

-30-

 

Gimme 5 with over-all album producer RB Kidwolf.

Gimme5 with supervising album producer Jonathan Manalo.

Comments are closed.