Gloc-9 awe-inspires in poem collection “Akin Lang Naman”

Multi-awarded rapper is now a certified poet

Renowned rapper Gloc-9, or Aristotle “Aries” Pollisco, proves he is a master of words as he transforms his lyrics into inspiring poetry verses in his first book under ABS-CBN Publishing entitled “Akin Lang Naman.”

Well known for his songs such as “Upuan,” “Hari ng Tondo,” “Magda,” and “Sirena” that contain statements on struggle, discrimination, or patriotism, Gloc-9 is one of the most looked-up-to songwriters in the country. As the artist rarely writes the lyrics we hear in final songs formally, this is the first time that his works as a writer and more specifically, as a poet, will be seen through this new poem collective.

National Artist for Literature Dr. Bienvenido Lumbera praised the poetic side of Gloc-9, stating in the book’s foreword that the works were of city-life consciousness, reflecting the rapper’s mass activist advocacy.

Theater director Tuxqs Rutaquio also identified with the songwriter’s work as he indicated in his review. He said, “Gloc-9’s poetry speaks within a community that struggles against atrocities whether it be poverty, corruption, prostitution, or gender discrimination. He understands these inequities and speaks of these with passion and sarcasm, wit and humor, shooting words like bullets from a gun.”

The book comes in two artistic covers—one by artist Mervin Malonzo and the other by the book’s editor, concert photographer Katrina Stuart Santiago.

The newly published writer first shared his print project during the 2017 Philippine Readers and Writers Festival recently held in Raffles Makati.

Gloc-9’s book, “Akin Lang Naman,” is now available in leading newsstands and bookstores nationwide for only P195.

 

 

 

Certified makata na ang multi-awarded rapper…

GLOC-9, HATID ANG MGA SARILING TULA SA LIBRONG “AKIN LANG NAMAN”

 

Papatunayan ng multi-awarded rapper na si Gloc-9 o Aristotle “Aries” Pollisco ang kanyang galing sa pagbuo ng mga awitin bilang isang tunay na makata sa kanyang librong “Akin Lang Naman” na inilunsad kamakailan ng ABS-CBN Publishing.

Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang “Upuan,” “Hari ng Tondo,” “Magda,” at “Sirena,” mga awiting naglalaman ng kuwento tungkol sa paghihirap na nararanasan sa bansa. Dahil dito, siya ay isa sa mga tinitingalang songwriters ngayon. Ngunit bibihira niyang isulat ang mga lirikong naririnig sa kanyang mga kanta, kaya’t sa unang pagkakataon ay makikita sa proyektong ito ang kalidad ng kanyang mga gawa bilang mga tula.

Pinuri ng National Artist for Literature na si Dr. Bienvenido Lumbera ang makatang si Gloc-9 sa foreword ng libro. “Ang rap artist na may hatid sa ating libro ng tula ay makatang ang inaawit ay mga kamalayan ng mga kabataang laking-siyudad na binigyang-tinig at ngayo’s nagtatala ng mga sitwasyon at danas na bunga ng pakikipamuhay ni Aries sa tinatawag ng mga aktibistang masa.”

Ipinahayag din ng theater director na si Tuxqs Rutaquio ang kanyang suporta sa mga likha ni Gloc-9 na nagpapahayag ng mga mahahalang isyu sa bansa tulad ng kahirapan, korupsyon, prostitusyon, at gender discrimination. Anya, nauunawaan ng manunulat ang mga karanasang ito at inihahayag sa mga linyang may init o uyam, o di kaya’y sa paraang nakakatawa, at sa mga salitang mabilis niyang nabubuo.

Maaaring mamili sa dalawang magandang book covers nito – isa mula sa artist na si Mervin Malonzo at isa naman ay gawa ng concert photographer at siyang book editor nito na si Katrina Stuart Santiago.

Unang ibinahagi ng rapper ang kanyang libro sa naganap na 2017 Philippine Readers and Writers Festival sa Raffles Makati kamakailan.

Mabibili na ang librong “Akin Lang Naman” sa mga newsstands at bookstores nationwide sa halagang P195 lamang.

Comments are closed.