GOIN’ BACK TO SCHOOL WITH GOIN’ BULILIT

School bells will once again ring to mark the beginning of school. Even though the kids will be back in their schools this June, our bulilits will not stop in bringing smiles and laughter to our homes.

In time for the start of a new school year, the “Goin Bulilit” kids will present different spoofs and jokes about how students face their first day of classes. They will also give hilarious tips on how to avoid kidnappings. Plus, Mutya and Chacha will join forces in presenting a chaotic segment called “Mutya-Cha”. The gang will also present a funny sketch called “Away na yan”.

In addition to this long list of laugh-about, this young comic joint will continue the life and adventures of “Arowana”, the GB counterpart of the teen mermaid “Aryana”.

Two weeks ago we have witnessed the talent of the all-boy group “Buwan Direction”, but this time, we will gaze the singing prowess of the all-girl group composed of Mica, Alexa, Angel and Noemie as they sing the theme song of hit teen comedy series “LUV U” entitled Crush.

Packed with all of these hilarious segments, Goin’ Bulilit will surely tickle everyone’s funny bones. Catch this wacky episode this Sunday after TV Patrol Weekend.

-30-

GOIN’ BULILIT MAS MAKWELA SA PAGBALIK ESKWELA

Ngayong Hunyo, balik-eskwela na naman ang lahat ng estudyante kasama na ang Goin’ Bulilit kids. Ngunit kahit na handa na sila sa pagpasok sa kani-kanilang eskwelahan, hindi pa rin sila titigil sa pagbibigay saya sa mga tahanan.

Sa pagsalubong sa bagong school year, magbibigay ang GB kids ng jokes tungkol sa pagpasok sa unang araw ng klase at mga nakakatawang tips kung paano umiwas sa mga kidnappers.

Pasasayahin naman nina Mutya at Chacha ang mga manonood sa kanilang palabas na “Mutya-Cha” samantalang ang kwelang grupo ay magsasama-sama sa segment na “Away na yan”.

Mayroon pang pa-bonus ang kids sa pagpapatuloy ng pakikipagsapalaran ni “Arowana”, ang pangtapat ng GB sa sikat na sirenang si “Aryana”.

Kung noong nakaraang linggo ay naghandog ang all-boy group na “Buwan Direction”, ngayon naman ay maghahandog ang all-girl group na kinabibilangan nina Mica, Alexa, Angel at Noemie ng awiting pinamagatang Crush mula sa teen comedy series na “LUV U”.

Puno na naman ng katatawanan ang episode ng Goin’ Bulilit ngayong linggo, abangan ang kwelang kids sa Goin’ Bulilit tuwing linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

-30-

Comments are closed.