GUS FINDS JUSTICE FOR YOUNG MURDER VICTIMS IN “SOCO” THIS AUGUST


Gus Abelgas SMN

Broadcast journalist Gus Abelgas continues the search for truth and justice for murder victims, most of whom are minors this August in ABS-CBN’s premier crime investigation program “SOCO.”

This Saturday (August 3), “SOCO” will look into the murder case involving 16-year-old nursing student Keith Ballesteros, who was allegedly killed by his boyfriend inside her boarding house.

On August 10, Gus will revisit the controversial killing of Sangguniang Kabataan chairman Jason Infante, who was stabbed to death by bystanders at a sari-sari store after he asked them how they were doing.

The August 17 episode of “SOCO,” meanwhile, will center on cousins Diana Rose, 15, and Joana Marie, 9 who were both found dead and with their clothes rolled up. They were allegedly killed by neighbor Gilbert, who was said to be in love with Diana Rose.

Gus will then shed light on the murder of 82-year-old Armando Caringal and his relatives Vincent and Celsine. Two suspects tagged in the crime supposedly staged the massacre as they were envious of Armando, who won over P500,000 at the casino.

And on August 31, Gus will investigate the death of five-year-old Andrei Cabuhat, who was severely beaten to death by his very own parents.

Watch “SOCO: Scene of the Crime Operatives” with Gus Abelgas all Saturdays this August, right after “Showbiz Inside Report” on ABS-CBN. For updates on the program, likewww.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. To watch the last three episodes of “Krusada,” visit www.abs-cbnnews.com/soco.

 

GUS, IIMBESTIGAHAN ANG IBA’T IBANG KASONG PAGPASLANG

SA MGA MENOR DE EDAD NGAYONG AGOSTO 

Patuloy ang pakikipaglaban ni Gus Abelgas para sa katotohanan at katarungan ngayong buong buwan ng Agosto sa “SOCO” kung saan sisiyasatin niya ang iba’t ibang kaso ng pagkakapatay sa mga biktimang karaniwan ay menor de edad.

Ngayong Sabado (Agosto 3), unang iimbestigahan ng “SOCO” ang kaso ng 16 taong gulang na nursing student na si Keith Ballesteros na pinatay umano ng kanyang kasintahan sa mismong boarding house niya.

Sa Agosto 10, babalikan ang kontrobersyal na pagkakapatay sa Sangguniang Kabataan chairman na si Jason Infante, na pinagsasaksak ng mga tambay sa tindahan matapos lamang kumustahin ng biktima.

Ang magpinsang sina Diana Rose, 15 anyos, at Joana Marie, 9 anyos naman ang sentro ng episode sa Agosto 17. Suspek sa krimen ang kapitbahay nilang si Gilbert na matagal na umanong kursunada si Diana Rose. Natagpuan tadtad ng saksak ang magpinsan at nakalilis ang damit.

Samantala, inggit naman ang motibo sa kasong susuriin ni Gus sa Agosto 24. Pinatay daw ang 82-anyos na si Armando Caringal matapos itong manalo ng mahigit kalahating milyon sa casino. Pinatay din ng dalawang suspek sa krimen ang pamangking mag-asawa ni Armando na sina Vincent at Cesline.

At sa Agosto 31, itatampok ang kalunus-lunos na sinapit ng 5 taong gulang na si Andrei Cabuhat mula umano sa kanyang mga magulang. Ipinasailalim sa otopsiya ang bangkay ni Andrei at natuklasan sa medico-legal report na namatay ito dahil sa labis na pambubugbog kung kaya’t bumigay na ang katawan nito.

Huwag palampasin ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” buong buwan ng Agosto tuwing Sabado, pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.

TAGS: ,

Comments are closed.