“HONESTO” STANDS UP FOR TRUTH UNTIL THE END

HonestoABS-CBN’s number one primetime drama series “Honesto” continues to inspire TV viewers to lead a life of honesty in its last weeks, as the teleserye topbilled by Paulo Avelino, Raikko Mateo, and Cristine Reyes reached its newest all-time high TV rating.

Based on the data from Kantar Media last Monday (February 24), “Honesto” scored its newest all-time high national TV rating of 35.6%, or more than double its rival program, GMA’s “Adarna,” which only got 17.1%. The show conquered social networking sites such as Twitter, where the hashtag #HonestosLastFifteenNights became one of the worldwide trending topics.

Since it started airing in October 2013, “Honesto” has won the hearts of Filipinos with its realistic and timely story on honesty, sincerity, and kindness.

Aside from its inspiring and heartfelt story, “Honesto” has also showcased ABS-CBN’s newest child wonder Raikko who has made a mark on the hearts of viewers, as well as the love team of “Honesto’s” lead characters Diego and Marie, portrayed by Paulo and Cristine, respectively.

How far will Diego, Marie, and Honesto (Raikko) go to stand up for the truth? Will they be able to erase the anger and selfishness in Hugo’s (Joel Torre) heart and finally fix their broken family?

“Honesto’s” powerhouse cast also includes Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Melissa Ricks, and Joseph Marco. It is directed by Jerry Lopez Sineneng, Darnel Joy Villaflor and Tots Sanchez Mariscal, and produced by Dreamscape Entertainment Television.

Don’t miss the much-awaited finale of “Honesto” on March 14 (Friday) on ABS-CBN Primetime Bida. For exclusive updates, pictures, and videos, log on to “Honesto’s” official social media accounts Facebook.com/Honesto.TV and Twitter.com/Honesto_TV.

-30-

Bagong all-time high TV rating, nakamit ng no.1 primetime teleserye ng ABS-CBN!
“HONESTO,” PANANAIGIN ANG KATOTOHANAN HANGGANG SA HULI

Tinutukan ng TV viewers at netizens ang mga huling laban para sa katotohanan at katapatan ng nangungunang primetime drama series ng ABS-CBN na “Honesto.”

Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Pebrero 24) kung kailan nakuha ng number one primetime teleserye ng ABS-CBN ang pinakabago nitong all-time high national TV rating na 35.6%, o mahigit doble sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “Adarna” (17.1%). Wagi rin ang “Honesto” sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan pinag-usapan at naging worldwide trending topic ang hashtag na #HonestosLastFifteenNights.

Simula nang umere ito noong Oktubre 2013, gabi-gabi nang tinutukan ng buong sambayanan ang kwento ng “Honesto” dahil sa makatotohanan nitong paglalahad ng kahalagahan ng katapatan at kabutihan sa kapwa-tao.

Bukod sa ‘tapat at totoong’ kwento ng teleseryeng napapanahon, tumatak din sa puso ng mga manonood ang pinakabagong child wonder ng ABS-CBN na si Raikko Mateo na gumaganap bilang si Honesto at ang tambalang Diego at Marie na ginagampanan naman nina Paulo Avelino at Cristine Reyes.

Hanggang saan kayang ipaglalaban nina Diego, Marie, at Honesto ang katotohanan? Kaya pa ba nilang buuin ang kanilang pamilya na pinaghiwalay at winasak ng napakaraming kasinungalingan? Sa huli, magsisisi ba si Hugo Layer (Joel Torre) sa kanyang mga kasalanan?

Bukod kina Raikko, Paulo, Cristine, at Joel, bahagi rin ng powerhouse cast ng “Honesto” sina Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Darnel Joy Villaflor, at Tots Sanchez Mariscal, at produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang pinakaaabangang pagtatapos ng “Honesto” sa Marso 14 (Biyernes) sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga ekslusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.

-30-

Comments are closed.