“HONESTO” TOPS NATIONWIDE TV RATINGS

Raikko MateoABS-CBN’s newest primetime drama series “Honesto” charmed millions of Filipinos with its story about the importance of honesty as its pilot episode won in the nationwide TV ratings last Monday (October 28).

Based on the data from Kantar Media, “Honesto” garnered 30.5% national TV ratings compared to its rival program in GMA “Genesis” which only scored 10.5%.

Because of its timely theme that revolves around the virtue of honesty and kindness, “Honesto” also conquered social networking sites such as Twitter where one of its cast members Paulo Avelino and the hashtag #HonestoPromisePilot became nationwide trending topics.

Netizens flooded the Twitter timeline with positive tweets such as “@LhieDeJesus: #HonestoPromisePilot It is nice to think that we now have a show like this to watch. It shows the importance of honesty;” “@mybunny88: Excellent storyline, fast-paced and meritorious acting performance. Definitely a hit! Congrats!!! :) #HonestoPromisePilot @mepauloavelino;” and “@JCMWalkersBC: The cast of Honesto is outstanding. It is like comedy filled with many lessons. #HonestoPromisePilot It feels good to tell the truth.”

Meanwhile, primetime TV viewers will surely be glued to the small screens every night now that Felipe (Spanky Manikan) and Fina (Maricar Reyes) have already discovered the true colors of Diego (Paulo), Cleto (Nonie Buencamino), and Hugo (Joel Torre).

Can Diego still make up for the mistakes that he has done to prove his love for Fina or will the greediness of his family still prevail in breaking him and the only woman he has ever loved apart?

Don’t miss the continuation of the inspiring and honest story of “Honesto,” weeknights after “TV Patrol” on ABS-CBN Primetime Bida. For exclusive updates, pictures, and videos, log on to “Honesto’s” official social media accounts Facebook.com/Honesto.TV and Twitter.com/Honesto_TV.

-30-

Bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, trending sa Twitter…
KWENTO NI “HONESTO,” NANGUNA AGAD SA RATINGS!

Nasungkit agad ng pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Honesto” ang puso ng TV viewers dahil sa kwento nitong nagbibigay halaga sa katapatan, base sa pangunguna nito sa national TV ratings at pagiging trending topic agad sa Twitter.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Oktubre 28), pinakatinutukang programa sa buong bansa ang pilot episode ng “Honesto” taglay ang 30.5% national TV ratings o 20 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “Genesis” na mayroon lamang 10.5%.

Dahil sa napapanahong isyu kaugnay ng katapatan at kabutihan, wagi rin naman ang ‘tapat at totoong’ kwento ng “Honesto” sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan pinag-usapan at naging nationwide trending topic pa ang isa sa mga bida nito na si Paulo Avelino at ang hashtag na #HonestoPromisePilot. Bumuhos ang positibong tweets tulad ng “@LhieDeJesus: #HonestoPromisePilot Nakakatuwang isipin na may ganitong palabas. Pinapakita ‘yung importansya ng pagiging honest;” “@mybunny88: Maganda at mabilis ang takbo ng istorya. Napakagaling umarte ng buong cast. Tiyak na magiging patok ito! Congrats! #HonestoPromisePilot @mepauloavelino;” at “@JCMWalkersBC: Ang galing ng cast ng Honesto. Parang comedy na puno ng aral. #HonestoPromisePilot Sarap ng feeling ‘pag nagsasabi ng totoo.”

Samantala, tiyak na lalong mapapakapit ang TV viewers gabi-gabi ngayong natuklasan na nina Felipe (Spanky Manikan) at Fina (Maricar Reyes) ang tunay na kulay nina Diego (Paulo), Cleto (Nonie Buencamino), at Hugo (Joel Torre).

Mababago pa ba ni Diego ang kanyang mga pagkakamali upang mapatunayan ang kanyang pag-ibig para kay Fina o tuluyan na silang paghihiwalayin ng kasakiman at kasinungalingan ng kanyang pamilya?

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng kwentong tapat at totoo, “Honesto,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa Facebook.com/Honesto.TV at Twitter.com/Honesto_TV.

-30-

Comments are closed.