“HONESTO” UPHOLDS HONESTY ON PRIMETIME TV

HONESTOABS-CBN inspires Filipinos to lead a life of honesty and sincerity via its newest and timely drama series “Honesto” that will premiere this Monday (October 28).

“Honesto” revolves around the story of a young boy named Honesto (Raikko Mateo), the son of Diego (Paulo Avelino), and Fina (Maricar Reyes). Just like the extraordinary trait of his mother’s family, Honesto grew up having an allergy that causes his nose to swell whenever he tells a lie.

How will the truth separate and reunite the families and hearts that were broken because of many lies? Will purity and kindness be enough to erase all the selfishness in the world?

It is topbilled by award-winning and seasoned actors such as Paulo, Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, Joseph Marco, and introducing ABS-CBN’s newest Kapamilya child star Raikko.

Completing the powerhouse cast are Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, Janna Agoncillo, with the special participation of Maricar and Spanky Manikan.

“Honesto” is under the direction of Jerry Lopez Sineneng and Darnel Joy Villaflor. It is the newest masterpiece of Dreamscape, the group that created hit inspirational drama series such as “May Bukas Pa” and “100 Days to Heaven,” the phenomenal teleserye “Walang Hanggan,” and the superhero series “Juan dela Cruz” which is already nearing its finale.

The campaign for honesty has taken off on social media with people taking their self-portrait photos while posing like Honesto and posting them on the Facebook fan page Facebook.com/Honesto.TV. Viewers can support the call by participating in the ongoing campaign.

Don’t miss the premiere of the inspiring and honest story of “Honesto” on Monday, after “TV Patrol” on ABS-CBN Primetime Bida.

For exclusive updates, pictures, and videos, log on to “Honesto’s” official social media accounts http://facebook.com/Honesto.TV and www.twitter.com/Honesto_TV.

-30-

Napapanahong teleserye ng ABS-CBN, eere na sa Lunes…
HALAGA NG KATAPATAN, IBIBIDA NI “HONESTO” SA PRIMETIME TV

Gabi-gabi nang ipapaaalala sa buong sambayanan ang kahalagahan ng katapatan sa pamamagitan ng teleseryeng napapanahon, ang “Honesto,” na magsisimula na sa ABS-CBN ngayong Lunes (Oktubre 28).

Ang “Honesto” ay iikot sa istorya ng batang si Honesto (Raikko Mateo), ang bunga ng pagmamahalan nina Diego (Paulo Avelino) at Fina (Maricar Reyes). Dahil sa kakaibang katangian na taglay ng pamilya ng kanyang ina, namana ni Honesto ang pamumula ng kanyang ilong sa tuwing siya ay nagsisinungaling.

Paano paghihiwalayin at pagtatagpuin ng katotohanan ang mga pamilya at pusong nasaktan dahil sa kasinungalingan? Mabubura ba ng kabutihan at busilak na kalooban ang lahat ng kasakiman sa mundo?

Pagbibidahan ito ng award-winning and seasoned actors tulad nina Paulo, Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ipinakikilala rin ang pinakabagong Kapamilya child star na si Raikko.

Kukumpleto sa powerhouse cast nito sina Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, at Janna Agoncillo. Kasama rin sina Maricar at Spanky Manikan para sa kanilang natatanging pagganap.

Ang “Honesto” ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor. Ito ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape, ang grupong lumikha ng matagumpay na inspirational drama series na “May Bukas Pa” at “100 Days To Heaven,” phenomenal teleseryeng “Walang Hanggan,” at ng malapit nang magtapos na “Juan dela Cruz.”

Nagsimula na kamakailan sa social media ang panawagan para sa katapatan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato ng iba’t ibang personalidad na naka-pose katulad ni Honesto at pag-post nito sa Facebook fan page ng programa sa Facebook.com/Honesto.TV. Ang mga manonood na nais sumuporta sa panawagan ni Honesto ay maaring makisama sa nasabing kampanya.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng kwentong tapat at totoo, “Honesto” ngayong Lunes na pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa http://facebook.com/Honesto.TV at www.twitter.com/Honesto_TV.

-30-

Comments are closed.