ICONIC SCENE IN “THE GREATEST LOVE” SETS SHOW’S ALL-TIME HIGH NATIONWIDE RATING, TRENDS WORLDWIDE

“The Greatest Love” kept viewers at the edge of their seats as it finally aired the iconic scene where Gloria (Sylvia Sanchez) suffers from sudden and profound memory loss that she is unable to recognize her own children, which was already previewed in a teaser that went viral last year.

Under the direction of Mervyn Brondial and Paco Sta. Maria, the scene left a mark on viewers with its unexpected twist and the superb performance of the cast, composed of Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, and Arron Villaflor.

In the episode, Gloria’s children finally found out their mother has Alzheimer’s Disease. It garnered its all-time hight national TV rating of 20.4%, beating “Sa Piling ni Nanay’s” 13.1%, according to data from Kantar Media.

Netizens also did not miss the heart-wrenching scene as the show’s official hashtag #TGLTheDeepImpact trended worldwide, earning thousands of tweets and praises.

“You got my respect ‘The Greatest Love’ cast and staff. I’m glued to my seat,” said @vivienjlx.

@MendelOfficial shared, “Hands down, ‘The Greatest Love’ is the best teleserye out of all teleseryes.”

Twitter user @iKapamilya, meanwhile, praised Joshua Garcia’s acting. “Joshua’s talent is something else. He goes on the same level with Sylvia Sanchez and the other cast.”

@MeshSilog also expressed her praises for Dimples Romana. “@DimplesRomana is the Princess Punzalan of today’s generation. Very effective,” she said.

Meanwhile, Gloria is set to face more changes in her life now that her children know about her condition and race against time to save her from her disease.

Will this mark new beginnings for their family? What challenges will they endure as Gloria’s condition gets worse?

“The Greatest Love” is produced by the GMO unit, the production unit behind programs such as “Be Careful with My Heart,” “Oh My G!,” and “Ningning.”

Don’t miss the extraordinary story of a woman’s unconditional, uncompromising, all-encompassing love for her children in “The Greatest Love” after “Doble Kara” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, likewww.facebook.com/thegreatestlovetv. Catch on the program’s past episodes via iWant TV or via skyondemand.com.phfor Sky subscribers.

Nakamit ang all-time high national TV rating…

PAGSIWALAT NG SAKIT NI SYLVIA SA “THE GREATEST LOVE,” TINUTUKAN NG MANONOOD, TRENDING WORLDWIDE

Isang emosyonal na hapon ang sumalubong sa mga manonood noong Miyerkules (Jan 11) dahil ipinalabas na ang pinakainaabangang eksena sa “The Greatest Love,” kung saan nakalimutan ni Gloria (Sylvia Sanchez) kung sino ang kanyang mga anak, na nag-iwan ng marka sa isipan ng mga tao bago pa man ito umere noong Setyembre.

Sa ilalim ng direksyon nina Mervyn Brondial at Paco Sta. Maria, ang eksena ay una nang ipinatikim sa isang teaser na nag-viral noong nakaraang taon dahil sa kakaibang tema at kahanga-hangang pag-arte ng cast nito na sina Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, at Arron Villaflor.

Talaga namang tinutukan ito ng buong bayan kaya’t nagtala ang nasabing episode ng all-time high na national TV rating nitong 20.4%, higit na mataas kumpara sa “Sa Piling ni Nanay” na nakakuha lamang ng 13.1%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Bukod nga sa nationwide ratings, naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa makapigil-hiningang eksena matapos manguna sa trending topics worldwide ang official hashtag ng palabas na #TGLTheDeepImpact na umani ng libo-libong tweets.

“Nakuha niyo ang respeto ko ‘The Greatest Love’ cast and staff. Hindi ako makaalis sa kinauupuan ko. Hindi maikukumpara ang inyong talento,” sabi ni @vivienjlx.

Sabi naman ni @MendelOfficial, “Ang ‘The Greatest Love’ ang pinakamagandang teleserye sa lahat. Hindi niyo iyan maitatanggi.”

“Kakaiba ang pag-arte ni Joshua! Lume-level sa galing ni Sylvia Sanchez at other cast,” pagbahagi ni @iKapamilya.

“Si @DimpleRomana ang Princess Punzalan ng henerasyon na ito! Sobrang galing,” pagpuri naman ni @MeshSiLog.

Samantala, tuloy-tuloy nga ang mga pagbabagong magaganap sa buhay ni Gloria ngayong alam na ng kanyang mga anak ang kanyang tunay na karamdaman.

Ano pa kayang mga pagsubok ang kanilang haharapin sa paglala ng sakit ni Gloria? Paano pa kaya nila ito maaagapan?

Ang “The Greatest Love” ay pinamumunuan ng GMO unit na siyang naghandog ng mga dekalidad na programang tulad ng “Be Careful with My Heart,” “Oh My G!,” at “Ningning.”

Huwag palampasin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa “The Greatest Love”, tuwing hapon pagkatapos ng “Doble Kara” sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv.

Comments are closed.