Ina ni Joshua, suspek sa pagkamatay ni Albert sa “The Good Son”

Mas magiging palaisipan ang bawat gabi ng mga manonood ngayong madidiin ang ina ni Joseph (Joshua Garcia) na si Racquel (Mylene Dizon) sa kaso ng pagkamatay ng kanyang ama sa Kapamilya primetime series na “The Good Son.”

Isang dokumento ang nakuha ni SPO1 Colmenares (Michael Rivero) kung saan nakalahad ang criminal record ni Racquel at nagpapakitang mayroon siyang taong pinagtangkaan ng buhay sa kanilang probinsya. Dahil dito, madidiin siya bilang suspek at uungkatin ang kanyang nakaraan na maaring magpatunay sa kaugnayan niya sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).

Mas sumisikip naman na ang mundong ginagalawan nina Joseph at Enzo (Jerome Ponce) ngayong parte na sila ng iisang basketball team. Lalo ring uminit ang kanilang bangayan matapos pagbintangan ni Enzo si Joseph na sumira sa kanyang kotse, kaya naman mas maraming tao na ang humuhusga sa pagkatao niya.

Dahil sa kaguluhang dala ng pangalawang pamilya ni Victor, hindi namn titigil si Olivia (Eula Valdez) na maalis sila sa kanilang buhay at lalo pang patutunayang sila ang may sala sa krimeng nangyari sa asawa.

Si Racquel na nga ba ang hinahanap na suspek sa pagkamatay ni Victor? Paano malalabanan ni Joseph ang panghuhusga ng iba sa kanyang pagkatao?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

Joshua’s mother, suspect in Albert’s death in “The Good Son”

The guessing game gets even more intense now that the investigation on Victor’s (Albert Martinez) death points to Joseph’s (Joshua Garcia) mother Racquel (Mylene Dizon) in the Kapamilya primetime series “The Good Son.”

SPO1 Colmenares’ (Michael Rivero) search for the truth takes an unexpected turn as he received a document that shows Racquel’s involvement in a murder case back in their province, prompting the possibility that she is the mastermind behind Victor’s death. Despite her dark past being exposed, Racquel will prove her innocence and that she cannot hurt the man she loves.

Meanwhile, Joseph and Enzo’s (Jerome Ponce) worlds are starting to collide now that they are part of the same basketball team. Their rivalry also intensifies after Enzo blamed his half-brother for damaging his sports car, putting Joseph to shame.

With the chaos brought by Victor’s second family, his legal wife Olivia (Eula Valdez) now plots her evil ploys to take them out of their lives and prove that they are the real suspects in his husband’s death.

Did Racquel kill Victor? How can Joseph fight all the judgment cast on him?

Don’t miss the unusual case of love for family in “The Good Son,” weeknights after “La Luna Sangre” in ABS-CBN’s Primetime Bida. For more information, go fb.com/dreamscapeph and follow @DreamscapePH on Twitter and Instagram.

Comments are closed.