INIGO TOPS FIRST BILLBOARD PHILIPPINE CHARTS

 

Multi-talented artist Inigo Pascual leads the first ever Billboard Philippines Top 20 for his single “Dahil Sa’yo,” making him the first OPM artist to hit the number one spot in the BillboardPH Charts.

 

Inigo’s feel-good song is the top pick in BillboardPH’s June 12 chart, composed of twenty of the most popular local tunes across all genres.

 

“I was emotional when I first learned the news. As a kid in the States, I’ve always dreamt of being in the Billboard charts,” shares the young singer.

 

The freshly released chart reflects current favorite hits of Filipinos in listenership and purchases across different platforms. According to Billboard.PH, the songs are ranked by streaming activity figures from Spotify, Apple Music and YouTube as well as download sales data from Apple iTunes. From these sources, Nielsen Music collate and average data to determine the final list of hits and hitmakers.

 

Inigo composed the song “Dahil Sa’yo,” the carrier single of his self-titled debut album released by Star Music. It has become a certified hit among today’s listeners since its October 2016 release.

 

The young singer’s chart-topping single is also included in BillboardPH’s Hot 100, ranking number 21 in the most popular local and international songs of the same period.

Coming on the heels of his chart success is his digital concert for ABS-CBN’s music portal One Music PH (www.onemusic.ph) called “Inigo’s Playground,” which happens on July 2 at 6PM.

 

His fans around the world can get to watch Inigo perform songs he wrote himself, as well as the performances by his special guests Ylona Garcia, Mariz Racal, Kyle Echarri, Moira Dela Torre, and mixes by Kidwolf, the producer of his debut album.

 

Like One Music PH’s previous digital concerts, the show will be available online to fans anyone with an internet connection and a mobile device or desktop computer. Fans can also interact with him and get to watch hi digital concert in all angles with the show’s multi-camera setup.

 

The music portal is only one of the digital initiatives of ABS-CBN, the Philippines’ leading media and entertainment company, which is rapidly transitioning into an agile digital company with the biggest online presence among all media companies, and a growing list of digital properties.

 

To watch the digital concert for free, all fans have to do is create an account on www.onemusic.ph, where they can also get instant access to music playlists, charts, videos, news and features about their favorite artists.

-30-

 

 

Inigo, may One MusicPH digital concert sa Hulyo 2

INIGO, NANGUNA SA UNANG BILLBOARDPH CHARTS

 

Si Inigo Pascual ang unang OPM artist na nakamit ang numero unong spot sa BillboardPH Charts dahil ang kanyang awitin na “Dahil Sa‘yo” ay nanguna sa kauna-unahang Billboard Philippines Top 20.

 

Ang feel-good na kantang ito ang siyang no.1 sa BillboardPH Charts na inilabas noong Hunyo 12 at kinabibilangan ng dalawampu sa pinakasikat na mga awiting Pinoy ngayon.

 

Kwento ni Inigo, naging emotional siya noong nalaman niya ang balita tungkol dito. Sinabi rin niya na noong bata pa siya at naninirahan sa States, pinangarap na niyang maging bahagi ng Billboard charts.

 

Ang BillboardPH Charts ay kinikilala ang mga paboritong awiting lokal base sa listenership at purchases data mula sa iba’t ibang platforms. Ayon sa Billboard.PH, nira-rank ang mga kanta base sa datos na nanggagaling sa streaming activities sa Spotify, Apple Music at Youtube. Kasama din dito ang download sales data mula sa Apple iTunes.  Katulong naman ang Nielsen Music para mabuo ang listahan ng mga nangungunang awitin.

 

Si Inigo ang sumulat ng “Dahil Sa’yo,” ang carrier single ng kanyang self-titled debut album mula sa Star Music. Ito ay naging certified hit mula nang una itong inilabas noong Oktubre 2016.

 

Ang chart-topping single ng binatang singer ay kasama rin sa BillboardPH Hot 100. Ito ay rank 21 sa mga pinaka-popular na local at international songs ayon sa June 12 result.

 

Mula naman sa tagumpay ni Inigo sa BillboardPH Charts, pangungunahan niya ang isang digital concert para sa ABS-CBN music portal na One Music PH (www.onemusic.ph). Pinamagatang “Inigo’s Playground,” ito ay magaganap sa Hulyo 2, 6 ng gabi.

 

Maaaring mapanood ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang bansa ang kaabang-abang na performances ng singer ng kanyang mga isinulat na awitin, at performances ng mga special guests na sina Ylona Garcia, Mariz Racal, Kyle Echarri at Moira Dela Torre. Isa ring dapat abangan ang mixes na inihanda ni Kidwolf, ang producer ng debut album ni Inigo.

 

Tulad ng mga nakaraang digital concerts ng One Music PH, ang show na ito ay maaaring panoorin online. Pwede ring mag-interact ang mga fans sa singer-actor at mapanood ang concert sa iba’t ibang anggulo dahil sa multi-camera setup ng show.

 

Ang music portal ay isa lamang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company sa Pilipinas na kasalukuyang nagsisikap para sa digital transformation nito. Ito ay may dumaraming digital properties at may pinakamalaking online presence sa lahat ng media companies sa bansa.

 

Upang mapanood ang digital concert ng libre, kailangan lamang gumawa ng account sa www.onemusic.ph, kung saan may instant access sa music playlists, charts, videos, news at iba pang features tungkol sa iba’t ibang musical artists.

-30-

Comments are closed.