“IT’S SHOWTIME” LAUNCHES “TAWAG NG TANGHALAN” VERSION FOR KIDS

“It’s Showtime” continues to give Filipinos a chance to shine and show their talent in “Tawag ng Tanghalan Kids,” following the recently concluded “Tawag ng Tanghalan” grand finals that hit an all-time high nationwide rating for the noontime show.

The kiddie version of the singing competition began Monday (March 13) and named John Clyd Talili of Mindanao its first daily winner and defending champion.

“Tawag ng Tanghalan Kids” will no longer use the ‘gong’ to put a stop to a contender’s performance. Also, a defending champion can only win for a maximum of five consecutive days and will be required to turn over the golden microphone to a new champion.

The whole nation, meanwhile, witnessed “Tawag ng Tanghalan” grand champion and farmer Noven Belleza reach his dreams last Saturday (March 11) as the competition’s final showdown hit a record nationwide rating for “It’s Showtime.”

The country’s number one noontime show drew more viewers compared to its rival program, registering an all-time high national TV rating of 33.6%, or almost thrice as high as “Eat Bulaga’s” 11.7%, according to data from Kantar Media.

Netizens also cheered for their favorite contenders and tuned in to the grand finals via livestreaming, which attracted overs 40,000 viewers – one of the highest numbers recorded by the ABS-CBN website.

The hashtag #TnTAngHulingTapatan also became the top trending topic on Twitter worldwide and in the Philippines, while tweets about the grand finalists and the show’s performances occupied 16 out of the 20 local trending topics on the micro-blogging site.

Don’t miss “Tawag ng Tanghalan Kids” on “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more information, follow “Tawag ng Tanghalan” on Facebook (facebook.com/TawagNgTanghalan), Twitter (@TNTABSCBN), and Instagram (@TawagNgTanghalan). Be updated with the latest happenings on “It’s Showtime” by also following the show on Facebook and Twitter (@ItsShowtimena).

 

 “Tawag ng Tanghalan” grand finals, pumalo sa all-time high rating na 33.6%

MGA BULILIT, NAGSIMULA NANG MAGPASIKLABAN SA “TAWAG NG TANGHALAN KIDS”

Mga bulilit naman ang nagsimulang bumida sa “Tawag ng Tanghalan Kids” sa “It’s Showtime” simula ngayong linggo, matapos magtala ang kakatapos lang na “Tawag ng Tanghalan” grand finals ng all-time high na nationwide rating para sa programa.

Sa bulilit version ng paborito at orihinal na kantahan ng bayan, itinanghal na unang daily winner at defending champion si John Clyd Talili ng Mindanao noong Lunes (Marso 13).

Matinding bosesan pa rin ang mapapanood araw-araw pero sa “TNT Kids,” ngunit wala nang gong na pipigil sa contenders sa pag-awit. Isa pang kaibahan dito ay kapag nagwagi na ng limang beses ang isang defending champion, kailangan na niyang ipasa ang golden mikropono at maghahanap muli kinabukasan ng panibagong defending champion ang kumpetisyon.

Tinutukan nga ng buong sambayanan ang pagtupad ng pangarap ng “Tawag ng Tanghalan” grand champion at magsasakang si Noven Belleza noong Sabado (Marso 11) kaya naman nanguna sa nationwide ratings ang huling tapatan ng kumpetisyon.

Humakot ang number one noontime show ng mas maraming manonood at pumalo sa all-time high na national TV rating nitong 33.6%, o halos triple sa natamo ng “Eat Bulaga,” na nakakuha lang ng 11.7%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sinubaybayan maging ng netizens ang laban ng kani-kanilang pambato sa livestreaming na nagkaroon ng humigit-kumulang 40,000 viewers – isa sa mga pinakamataas na naitala sa media website ng ABS-CBN.

Mainit ding pinag-usapan sa online world ang grand finalists at performances dahil nanguna ang hashtag na #TnTAngHulingTapatan sa listahan ng trending topics sa Twitter sa Pilipinas at sa buong mundo. Bukod pa riyan, nakuha rin ng “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” ang 16 sa 20 na local trending topics sa naturang micro-blogging site.

Huwag palampasin ang “Tawag ng Tanghalan Kids” sa “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang “Tawag ng Tanghalan” sa Facebook (facebook.com/TawagNgTanghalan), Twitter (@TNTABSCBN), at Instagram (@TawagNgTanghalan). Maging updated din sa good vibes na dala ng “It’s Showtime”. I-follow lamang ang programa sa Facebook at Twitter (@ItsShowtimena).

Comments are closed.