JADINE’S “OTWOL” TAKES OFF ON JEEPNEY TV

 

The show that became a hit among Filipino viewers worldwide, “On the Wings of Love” topbilled by James Reid and Nadine Lustre, is set to bring back kilig and excitement as it makes its journey to cable channel Jeepney TV starting June 26.

 

The 2015 ABS-CBN romantic comedy primetime series directed by Antoinette Jadaone and Jojo Saguin consistently obtained high TV ratings all throughout its run. Filipino viewers here and abroad became certified Otwolistas. Its finale scored an all-time high national TV rating of 27.8% according to data from Kantar Media, and garnered almost four million posts on Twitter.

 

Critics, celebrities, and fans alike also commended how the hit show properly captured and depicted OFW issues and made them relatable.

 

Viewers and fans caught up with missed episodes went on marathons which hurled the show into iWant TV’s list of most watched programs.

 

The story is about simple but determined Leah (Nadine) whose dream is to continue her late mother’s “American dream” and lonesome but hardworking Clark (James) who grew up in America after his mother died when he was little. The unlikely two marry in order to legally stay and continue working in the United States.

 

Aside from the JaDine tandem, the show’s cast includes Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nanette Inventor, Albie Casiño, Bianca Manalo, Nico Antonio and Paulo Avenilo.

 

Relive Clark and Leah’s story in “On the Wings of Love,” airing Mondays to Fridays, 6:30PM beginning June 26. Jeepney TV is on SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 and Digital 9.

 

Jeepney TV is the only local variety cable channel that offers the most extensive and well preserved archived programs that bridge generations of Filipino viewers by bringing back good memories and celebrating the best of Pinoy pop culture. For updates, like the Jeepney TV page on Facebook (www.facebook.com/JeepneyTV) or visit www.jeepneytv.ph.

-30-

“OTWOL” NG JADINE, LILIPAD NA SA JEEPNEY TV

 

Ang teleserye na naging hit sa mga Pinoy sa buong mundo, ang “On The Wings of Love” na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre, ay muling magpapakilig dahil ipapalabas na ito sa Jeepney TV cable channel simula June 26.

 

Ang 2015 ABS-CBN kilig serye na mula sa director na sina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin ay naging matagumpay di lamang sa Pilipinas kungdi pati sa mga Filipino communities sa buong mundo. Maraming manonood ang naging certified Otwolista. Patunay dito ang nakuha nitong all-time high national TV rating na 27.8%, base sa datos mula sa Kantar Media, at halos apat na milyong posts sa Twitter sa finale episode nito.

 

Maraming natuwang fans, artista, at pati mga manunuri sa kwento ng teleserye at kung paano nito tinalakay ang mga issues ng buhay OFW kung saan naka-relate ang maraming manonood.

 

Dahil sa tagumpay ng palabas na ito, marami ring viewers na naka-miss ng episode ang nanood sa iWant TV, kaya’t napabilang ang “OTWOL” sa most-watched programs nito.

 

Muling mapapanood ang kwento ni Leah (Nadine) na nangangarap ituloy ang “American dream” ng kanyang namayapang ina, at ni Clark (James) na lumaki sa Amerika mula nang mamatay ang kanyang ina noong bata pa siya. Sila ay magpapakasal para legal na manirahan at makapagtrabaho sa nasabing bansa.

 

Bukod sa JaDine tandem, kasama rin sa palabas na ito sina Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nanette Inventor, Albie Casiño, Bianca Manalo, Nico Antonio at Paulo Avenilo.

 

Samahan muli si Clark at Leah sa masayang kwento ng “On the Wings of Love” na eere Lunes hanggang Biyernes, 6:30PM simula Hunyo 26. Ang Jeepney TV ay mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV) o bisitahin ang www.jeepneytv.ph.

-30

Comments are closed.