JAIRUS GIVES HOPE AND INSPIRATION TO “MMK”VIEWERS THIS SATURDAY

Jairus Aquino will star in MMK this Saturday_01ABS-CBN’s “MMK” will inspire TV viewers to fight for their dreams this Saturday (August 15) as it shares the life story of a student-athlete diagnosed with Tuberculosis of the bone. Despite having difficulty walking, Efren (Jairus) tried to overcome his sickness and continued to pursue his dream of becoming part of his school’s track-and-field program. What challenges did Efren have to face in the biggest race of his life? Where did he get the strength to face his fears and doubts? Joining the upcoming “MMK” episode are Emilio Garcia, Assunta de Rossi, Manuel Chua, John Bermundo, Joaquin Reyes, and Kyle Banzon. The episode is directed by Garry Fernando and written by Mark Duane Angos. “MMK” is led by business unit head Malou Santos. Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday, 8pm, after “The Voice Kids” on ABS-CBN. For more updates, log on to MMK.abs-cbn.com, follow @MMKOfficial on Twitter, and “like” Facebook.com/MMKOfficial. Tweet your thoughts about this Saturday’s episode by using the hashtag #MMKDreamRun. Meanwhile, viewers may also catch up on full episodes and past episodes of “MMK” through ABS-CBNmobile. For more information, please go to www.abscbnmobile.com.

JAIRUS, MAGBIBIGAY PAG-ASA SA VIEWERS NG “MMK.” Tunghayan sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 15) ang pagbabahagi ng life story ng isang student-athlete na sinubok ang tatag at tiwala sa sarili nang magkaroon siya ng malubhang sakit sa buto. Bibida sa upcoming “MMK” episode ang Kapamilya teen star na si Jairus Aquino. Sa kabila ng pagdanas niya ng hirap sa paglalakad, sinikap ni Efren (Jairus) na labanan ang kanyang sakit para maabot ang kanyang pangarap na makasali sa track-and-field program ng kaniyang eskwelahan. Ano nga ba ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Efren upang mapagtagumpayan niya ang pinakamalaking pagsubok ng kanyang buhay? Saan nga ba siya kumuha ng lakas ng loob para harapin ang kanyang mga takot at pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan? Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Emilio Garcia, Assunta de Rossi, Manuel Chua, John Bermundo, Joaquin Reyes, at Kyle Banzon. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando, at panulat ni Mark Duane Angos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKDreamRun. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Comments are closed.