Jake, galit pa rin ang pinairal kay Gerald sa Pasko sa “Ikaw Lang ang Iibigin”

Walang makapipigil sa galit ni Carlos (Jake Cuenca) kahit pa ang selebrasyon ng Pasko dahil patuloy pa rin ang paghihiganti niya sa kanyang kapatid na si Gabriel (Gerald Anderson) upang mapabagsak ito sa “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Sa bagong plano ni Carlos para sirain si Gabriel, ibinintang niya sa kapatid ang pagnanakaw ng mga dyamanteng pagmamay-ari ng isang sindikato.

Siniguro rin nina Carlos at Rigor (Daniel Fernando) na magtatagumpay ang kanilang mga balak matapos itanim ng huli ang mga mamahaling bato sa loob ng kotse ni Gabriel at makipag-ugnayan sa mga bandido.

Dahil dito, magugulo ang kanilang selebrasyon ng kapaskuhan dahil buong puwersang susugod sa tahanan ni Gabriel ang sindikato na maglalagay sa buhay ng kanyang pamilya sa peligro.

Samantala, sa kabila ng katuparan ng mga plano, patuloy pa ring nagdurusa si Carlos matapos maudlot ang pagbubuntis ni Isabel (Coleen Garcia). Magiging dahilan naman ito upang mas maging determinado siyang mabawi ang lahat mula sa kapatid at muling makuha ang tiwala ng ama.

Paano nga ba makakatakas mula sa kapahamakan si Gabriel? Magtagumpay kaya si Carlos sa kanyang mga plano?

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang “Ikaw Lang ang Iibigin,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Jake plots revengae against Gerald on Christmas Day in “Ikaw Lang ang Iibigin”

Even Christmas cannot stop Carlos (Jake Cuenca) from getting his revenge on Gabriel (Gerald Anderson) as he continues with his plans of taking his brother down in “Ikaw Lang ang Iibigin.”

In his continuous effort to destroy his brother’s life, Carlos frames up Gabriel in the stealing of a bag of diamonds worth millions of pesos from a notorious syndicate.

How will Gabriel escape from danger? Will Carlos succeed with his plans?

Don’t miss the series that shows how people can fight for their love and their dreams, “Ikaw Lang ang Iibigin,” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).

Comments are closed.