Jamie marks 30 years in the industry with major concert

Jaime Rivera is celebrating her 30th year in the music industry with a major concert dubbed “Hey It’s Me, Jamie! 30 Years The Concert” on September 8 (Friday), 8PM at the Music Museum.

 

This Star Events production will feature a wide genre of music from the former Miss Saigon actress as unlike other artists who have remained in the same musical category, her three decades in the business is marked by her diverse song contributions: from love ballads, songs about children and the family, to huge inspirational hits.

 

“It’s a constant reinvention of yourself. Those are reinventions realizing that these are talents given by God. The glory goes back to Him. With the blessings and love of God, I’m still here after 30 years,” revealed Jamie, citing her choice to continue spreading her music to different genres.

 

Joining the Inspirational Diva in her highly anticipated show are longtime friends in the industry — Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason Zamora, and Joshua Zamora — as well as some of today’s hottest young singers — Jona, Klarisse, Bailey May, and Janella Salvador. Paolo Valenciano will direct the show with musical direction under Bond Samson.

 

The singer-songwriter is behind memorable inspirational songs such as “Tanging Yaman,” “Tell The World of His Love,” “Hiram Sa Diyos,” “Jubilee Song,” and most recently, the theme song for Pope Francis’ visit to the Philippines in 2015, “We Are All God’s Children.” She is also known for classic love songs like “I’ve Fallen For You,” “Pangarap Ka Na Lang Ba,” and “Hey It’s Me.”

 

Tickets to the OPM icon’s “Hey It’s Me, Jamie!” concert are priced at P3,500 (VIP), P2,500 (orchestra), and P1,000 (balcony). For more inquiries, contact Ticketworld at 8919999 or Music Museum at 7216726. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, or @starmusicph on Twitter and Instagram.

-30-

IKA-30 TAONG ANIBERSARYO NI JAMIE, IPAGDIRIWANG SA ISANG MAJOR CONCERT

 

Magdiriwang si Jamie Rivera ng kanyang ika-30 taon sa showbiz sa pamamagitan ng isang bonggang show, ang “Hey It’s Me, Jamie! 30 Years The Concert” na magaganap sa Music Museum sa darating na Setyembre 8 (Biyernes), 8PM.

 

Tampok sa Star Events production na ito ang iba’t ibang musika ng dating Miss Saigon actress na hindi tulad ng karamihan sa mga mang-aawit na nananatili sa isang genre, ang tatlong dekada niya sa showbiz ay markado ng iba-ibang klase ng awitin: love songs, awitin para sa anak at pamilya, at bigating inspirational hits.

 

Ayon sa singer-songwriter, mas gusto niyang iba’t ibang klase ng genre ng musika ang ginagawa niya. “Mahalaga ang constant reinvention sa ating sarili, lalo na para magamit ang talents na ibinigay ng Diyos. Ibinabalik ko rin sa Kanya ito dahil sa blessings at pagmamahal na galing sa Kanya, nandito pa rin ako pagkatapos ng 30 taon.”

 

Sasamahan ang Inspirational Diva ng ilan sa kanyang mga kaibigan sa industriya tulad nina Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason Zamora, at Joshua Zamora sa pinaka-inaabangang show. Kasama rin dito ang ilan sa mga sikat na young singers ngayon na sina Jona, Klarisse, Bailey May, at Janella Salvador.

 

Si Paolo Valenciano ang siyang magdi-direct ng show kasama si Bond Samson para sa musical direction.

 

Marami nang awitin ang pinasikat ni Jamie. Ilan dito ang tumatak na inspirational songs tulad ng “Tanging Yaman,” “Tell The World of His Love,” “Hiram Sa Diyos,” “Jubilee Song,” at ang theme song para sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015, ang “We Are All God’s Children.” Bukod dito, pinasikat rin niya ang mga awiting “I’ve Fallen For You,” “Pangarap Ka Na Lang Ba,” at “Hey It’s Me.”

 

Mabibili na ang tickets sa “Hey It’s Me, Jamie!” concert sa halagang P3,500.00 (VIP), P2,500.00 (orchestra), at P1,000.00 (balcony). Ang mga interesadong manood ay maaaring tumawag sa Ticketworld sa numerong 891-9999 at sa Music Museum sa 721-6726. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.

-30-

 

Comments are closed.