Janella at Heaven magtutulungang mailigtas ang ina sa “Wansapanataym”

Umpisa na ng pagsasanib-puwersa ng kambal na sina Daisy (Heaven Peralejo) at Jasmin (Janella Salvador) upang mailigtas ang kanilang ina mula sa sumpa ngayong nakatakda nang ipagtapat ng huli na sila ay magkapatid sa huling dalawang linggo ng “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers.”

Matapos nga ang tangkang pagnanakaw ni Daisy sa flora majika ng kakambal, hindi na mapipigilan pa ni Jasmin na itago ang katotohanan at aaminin nang silang dalawa ay magkapatid. Magiging dahilan naman ito para lubos na lumambot ang puso ni Daisy at hindi magdadalawang-isip na tulungan si Jasmin sa misyon nitong mapakawalan ang ina mula sa sumpa.

Ngunit para magawa ito, kailangan munang magkaroon ng busilak na puso ni Daisy at muling mapaputi ang flora majika, kaya naman magkasamang gagawa ng kabutihan sa kapwa ang dalawa na lalong magpapatibay sa kanilang samahan at magpapakita sa unti-unting pagbabago ni Daisy.

Sa kabila ng kanilang pagtutulungan, biglang manghihimasok ang tiyahin ni Daisy na si Florita (Rufa Mae Quinto) at ipaparamdam sa pamangkin ang kamasalang dinadala nito sa kanilang buhay. Lubos naman itong makakaapekto kay Daisy at magiging sanhi ng pagkakaroon nito ng inggit at poot sa puso para sa kakambal dahil sa matiwasay na buhay na mayroon ito, na nagbabadyang sumira sa kanilang misyon.

Matapos pa kaya nina Jasmin at Daisy ang misyon? Magkaroon pa kaya sila ng oras na mailigtas ang kanilang ina?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Jasmin’s Flower Power” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

Janella, Heaven unite to save their mother from being cursed in “Wansapanataym”

Hope arises for Jasmin (Janella Salvador) in saving her mother from being cursed as she finally tells Daisy (Heaven Peralejo) that they are twin sisters in the last two weeks of “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers.”

After Daisy’s attempt to steal her twin’s flora majika, Jasmin finally decides to confront Daisy and admit that they are sisters. This also forces her to reveal that their mother’s life is in great danger and that she needs to be released from a magical flower chamber, which can only be done once the flora majika turns into white.

Determined to accomplish their mission, Jasmin will join Daisy in doing good deeds to other people and help her obtain a pure and genuine heart, in hopes of turning the magical pendant into its original color.

But their plans of saving their mother is on the verge of getting destroyed as Florita (Rufa Mae Quinto) instills into Daisy’s mind how unlucky they are to have her in their life, causing her to grow hatred and jealousy against Jasmin, who lives a happy life with her adoptive family.

Will Daisy and Jasmin still finish their mission? Will they still have time to rescue their mother?

Catch the magical stories filled with valuable lessons in “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers” this Sunday on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For more information, go to ‪fb.com/dreamscapeph and follow @dreamscapeph on Twitter and Instagram.

Comments are closed.