Jeff Canoy shares the Marawi story of hope on “Red Alert”

 

War officially ended in Marawi last October 23 but residents there continue to fight to rebuild their homes and lives.

Join Kapamilya anchor Jeff Canoy this Wednesday (November 29) on “Red Alert” as he goes back to the war-torn city to check on the victims and hear their stories of hope.

Jeff meets Saipoding Mariga, who sought for his wife, Geraldine in the heat of battle. In his dangerous search, he came across his sister Anissa, who shared how she fled from the line of fire to get help for Geraldine, who suffered a miscarriage. His story is one of those that Jeff will share on “Red Alert” to help viewers see how it is like to be in the middle of a war.

The “Red Alert” anchor joined other journalists who braved Marawi to tell the stories of people affected by the armed conflict. Apart from the usual reports, he shared what he and photojournalist Val Cuenca saw in Marawi in a feature on ABS-CBN News Online, where readers could feel the fear and struggle of Filipinos hiding or escaping from the terrorists.

Jeff also did a documentary with fellow journo Chiara Zambrano,  “’Di Ka Pasisiil,” where they captured the courage and heroism of Filipinos in Marawi.

Gain knowledge and courage in the face of danger as we relive the stories of Marawi with Jeff Canoy on “Red Alert” this Wednesday (November 29) at 9:30pm on DZMM TeleRadyo, and after “Bandila” on ABS-CBN and ABS-CBN HD. Watch online  via iwant.com.ph or skyondemand.com.ph. For updates, follow the program on Facebook at www.facebook.com/RedAlertABSCBN or on Twitter: @ABSCBNRedAlert.

 

 

KWENTO NG PAGBANGON NG MARAWI SA “RED ALERT”

Opisyal nang inanunsyo noong Oktubre 23 ang pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi ngunit hindi pa natatapos ang laban ng mga residente nito na unti-unting binubuo muli ang kanilang mga bahay at buhay.

Samahan ang Kapamilya anchor na si Jeff Canoy ngayong Miyerkules (Nobyembre 29) sa “Red Alert” sa kanyang pagbabalik sa Marawi para ibahagi ang kwento ng mga biktima ng digmaan at ang kanilang pagbangon.

Makakapanayam ni Jeff si Saipoding Mariga na sinuong ang mismong pusod ng digmaaan para mailigtas ang kanyang asawang si Geraldine. Sa paghahanap sa asawa ay nakita niya ang kapatid na si Anissa, na hinarap ang panganib para makatakas sa gitna ng bakbakan upang makahanap ng tulong kay Geraldine, na nakunan sa pagbubuntis. Isa ang kanyang kwento sa mga ibabahagi ni Jeff upang malaman ng mga manonood ang buhay sa panahon ng pagkikipaglaban.

Isa si Jeff sa mga mamamahayag na buong tapang na nag-ulat mula sa Marawi noong kasagsagan ng bakbakan upang ipakita ang kalagayan ng mga kababayan natin doon. Sa ABS-CBN News Online nabasa ang kanyang obrang “Buhay Pa Kami,” kasama ni Val Cuenca kung saan nadama ng mambabasa ang takot at kaba ng mga Pilipinong nagtatago at tumatakas mula sa mga terorista.

Sa dokumentaryong “’Di Ka Pasisiil” naman, nakasama ni Jeff ang kapwa ABS-CBN journalist na si Chiara Zambrano sa pagpapakita ng tapang at kabayanihan ng mga Pilipino sa Marawi.

Dahil ligtas ang may alam kapag nalagay sa peligro, panoorin ang mga kwentong Marawi ni Jeff Canoy sa “Red Alert,” 9:30pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD ngayong Miyerkules (Nobyembre 29). Manood online sa iwant.com.ph or skyondemand.com.ph. Para sa updates, sundan ang programa sa www.facebook.com/RedAlertABSCBN o sa Twitter: @ABSCBNRedAlert.

 

 

Comments are closed.