Jessa and Dingdong, all set for their “20/30 Anniversary Concert”

Celebrity couple and certified OPM hitmakers Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado are jointly celebrating decades of music career success with the “20/30 Anniversary Concert” happening on December 8 (Friday) at the Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila.

The Phenomenal Diva commemorates her 20th year in showbiz while The Original Prince of Pop marks his 30th anniversary in the industry.

Joining the couple in their one-night show are guests Xian Lim, Klarisse de Guzman, Lloyd Zaragoza, Daryl Ong, Angeline Quinto, and Ogie Alcasid. Their daughter, up and coming singer Jayda Avanzado, will also surprise the audience with her powerful vocals.

The musical event, produced by Star Events and Resorts World Manila, highlights Jessa and Dingdong’s OPM contribution that have made them a power couple in the industry.

Jessa officially began her music career in 1997 when she released her first ever studio album with the phenomenal eight-time platinum record, largely due to her “Bakit Pa?” hit. She also popularized numerous songs such as “’Di Ba’t Ikaw,” “Ibigay Mo Na” and “Kahit Na Ilang Umaga,” earning her the title “Jukebox Queen of the 90’s.”

Dingdong, on the other hand, ventured into recording ten years earlier with his hit single “Ikaw Lamang” earning him his first gold record. His three-decade career spanned his experience not just as a singer but also as a songwriter, actor, and concert director. Among his biggest hits are the OPM classics “Tatlong Beinte Singko,” “Naghihintay Sa’yo,” “Bakit Labis Kitang Mahal,” and “Basta’t Kasama Kita.”

Tickets to the “20/30 Anniversary Concert” are now available at P6,454.00 (SVIP), P5,378.00 (VIP), P4,088.00 (gold), P2689.00 (silver), and P1,291.00 (bronze). Interested parties may call Ticketworld at 891-9999, log on to ticketworld.com.ph or call SM Tickets at 470-2222 or log on to smtickets.com.

Join Jessa and Dingdong in their much-awaited show on Dec. 8 (Friday). For more details on the “20/30 Anniversary Concert,” visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

 

JESSA AND DINGDONG, HANDA NA PARA SA KANILANG “20/30 ANNIVERSARY CONCERT”

 

Sabay na ipagdiriwang ng celebrity couple at parehong certified OPM hitmakers na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ang kanilang tagumpay sa kani-kanilang karera sa inaabangang “20/30 Anniversary Concert” na magaganap sa Disyembre 8 (Biyernes) sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Ngayong taon ipinagdiriwang ng Phenomenal Diva ang kanyang ika-20 taon sa showbiz habang ang Original Prince of Pop naman ay umabot na sa kanyang ikatlong dekada sa industriya.

Sasamahan ang power couple nina Xian Lim, Klarisse de Guzman, Lloyd Zaragoza, Daryl Ong, Angeline Quinto, at Ogie Alcasid sa kanilang one-night show. Tampok rin dito ang unti-unting nakikilalang singer na si Jayda Avanzado, ang kanilang anak, para sa sorpresang performance kung saan niya ibibida ang magaling na pag-awit.

Ang bonggang musical event na ito ay prinodyus ng Star Events at Resorts World Manila. Magsisilbi itong pagbabalik alaala sa mga naging kontribusyon nina Jessa at Dingdong sa larangan ng OPM.

Opisyal na nagsimula si Jessa sa kanyang karera sa musika noong 1997 nang inilunsad niya ang kauna-unahan niyang album na talaga naman naging matagumpay dahil sa walong beses nitong nasungkit ang platinum record mula na rin sa kasikatan ng kanyang awiting “Bakit Pa?.” Marami pa siyang pinasikat na mga kanta, tulad na lamang ng “’Di Ba’t Ikaw,” “Ibigay Mo Na” at “Kahit Na Ilang Umaga,” at naging kilala na nga siya bilang “Jukebox Queen of the 90’s.”

Nagsimula naman si Dingdong sa showbiz sa taong 1987 at pinasikat agad ang awiting “Ikaw Lamang” kaya’t gold record agad ang una niyang album. Nakilala siya hindi lamang bilang mang-aawit kung pati bilang sikat na songwriter, actor at concert producer sa kanyang 30-taon sa industriya. Ilan pa sa mga pinasikat niyang awiting ang “Tatlong Beinte Singko,” “Naghihintay Sa’yo,” “Bakit Labis Kitang Mahal,” at “Basta’t Kasama Kita.”

Mabibili na ang “20/30 Anniversary Concert” tickets sa halagang P6,454.00 (SVIP), P5,378.00 (VIP), P4,088.00 (gold), P2689.00 (silver), at P1,291.00 (bronze). Maaaring tumawag sa Ticketworld at 891-9999, o bumisita sa ticketworld.com.ph o di kaya naman ay tumawag sa SM Tickets sa 470-2222 o bisitahin ang smtickets.com.

Samahan sina Jessa at Dingdong sa kanilang pinaka-inaabangang show sa Dec. 8 (Biyernes). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “20/30 Anniversary Concert,” bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng StarMusic sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

 

Comments are closed.