JM, CHAREE, KAYE, AND JOHN, WIN HEARTS OF FANS VIA MALL SHOW

JM, CHAREE, KAYE, AND JOHN, WIN HEARTS OF FANS VIA MALL SHOW. More than 6,000 people flocked to SM Fairview last Sunday (Aug 5) to watch the mall show of one of ABS-CBN’s most watched afternoon series, “Angelito: Ang Bagong Yugto.” Angelito himself, JM De Guzman, together with co-stars Charee Pineda, Kaye Abad, and John Prats, got the crowd screaming when they sang their own rendition of the song “Pang-Ibig.” JM charmed his fans by giving another song number from his album. Also included in the mall show are the cast of primetime series “Kahit Puso’y Masugatan” and sensual drama series “Precious Hearts Romances presents Pintada.” Continue watching “Angelito: Ang Bagong Yugto” as the story heats up in the coming weeks with Jenny’s return. As their paths cross once more, unanswered questions will be raised. Does Jenny still love Angelito? Will Angelito reveal to Rosalie the night he and Jenny shared in the past? Can Rosalie trust Angelito to be around Jenny who used to love him? How long will Jenny keep the secret that she is pregnant with Angelito’s child? Don’t miss “Angelito: Ang Bagong Yugto,” weekday afternoons, after “It’s Showtime” on ABS-CBN.

 

JM, CHAREE, KAYE, AT JOHN, DINUMOG NG FANS. Humigit-kumulang sa 6,000 katao ang dumagsa sa SMFairview noong Linggo (Aug 5) upang tunghayan ang mall show ng isa sa pinakapinapanood na serye sa hapon, ang “Angelito: Ang Bagong Yugto.” Sa pangunguna ni JM De Guzman, Charee Pineda, Kaye Abad, at John Prats ay dumadundong nga ang venue sa dami ng hiyawan ng kanilang fans. Naghandog ang apat ng kanilang bersyon ng awiting “Pag-Ibig” at hindi pa diyan nagtapos ang sorpresa dahil si JM ay nagpaunlak pa ng isang awitin mula naman sa kanyang album. Kasama rin sa mall show ang cast ng primetime serye na “Kahit Puso’y Masugatan” at pinakamainit na drama sa hapon ngayon, ang “Precious Hearts Romances presents Pintada.” Patuloy silang panoorin tuwing hapon lalo pa’t mas lalong umiinit ang tagpo sa muling pagbabalik ni Jenny (Kaye) sa bansa. Muling magsasala sala ang buhay nina Angelito, Jenny, at Rosalie at kakaharapin ang mga tanong na matagal ng naghihintay ng kasagutan.  May nararamdaman pa ba si Jenny kay Angelito? Aaminin ba ni Angelito ang isang gabing pinagsaluhan nila ni Jenny noon? Magagawa bang magtiwala ni Rosalie sa asawa gayong minsan ng minahal ito ni Jenny? Hanggang kailan itatago ni Jenny ang pagdadalang tao niya sa anak ni Angelito? Huwag bibitaw sa gumagandang kuwento ng ”Angelito: Ang Bagong Yugto,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng ”It’s Showtime” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

 

Comments are closed.