JODI, IAN BRING KILIG TO SUPPORTERS IN FANS DAY

jodi-sta-maria-and-ian-veneracion-with-fans-2

It was a day full of fun and festivities for the supporters of Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion as the Kapamilya stars delivered a huge dose of kilig and surprises in their fans day held at Glorietta 2 Activity Center brought by Jeepney TV and Cinema One in partnership with Ayala Malls.

Hosted by MOR 101.9’s DJ Jhai Ho, the event thrilled fans as they got to see Jodi and Ian up close and sent their love through their deafening cheers and screams that filled the whole activity center. The popular tandem also did not disappoint with performances that brought kilig, which sent fans into a frenzy.

The tandem of Jodi and Ian first blossomed in the hit Kapamilya series “Pangako Sa’Yo” where they played lovers Amor Powers and Eduardo Buenavista. The former’s outstanding portrayal in the series also recently got a nod in the 2016 International Emmy Award where she is nominated as Best Actress.

Aside from television, Jodi and Ian’s chemistry was brought to the big screen as they starred in Star Cinema movie “All You Need is Pag-Ibig,” which will be shown in Cinema One on October 21.

Fans will also be able to see more of Jeepney TV’s Icon of the Month as she returns to television in the rerun of the phenomenal hit series “Be Careful with My Heart,” which premiered last October 17.

Meanwhile, music also took center stage at the Fans’ Day with “The Voice Kids Season 3” finalist Justin Alva impressing the crowd with his vocal prowess. Teen star Andrea Brillantes, meanwhile, captured the hearts of viewers with her charming performance.

As the show ended, Jodi and Ian sent their words of gratitude to their fans for their overwhelming love and support.

Reminisce the good times and watch the most-loved programs in Jeepney TV on SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 and Digital 9. For more information, like Jeepney TV on Facebook (facebook.com/JeepneyTV).

Hindi magkamayaw ang mga tagasuporta nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion matapos nilang magpakilig at magbigay saya sa itinanghal na fans day kamakailan sa Glorietta 2 Activity Center na inihandog ng Jeepney TV at Cinema One sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls.

Sa pangunguna ng MOR 101.9 DJ na si DJ Jhai Ho, isang masayang pagtitipon ng JodIan supporters ang naganap kung saan nagkaroon ang fans ng pagkakataong makita ng personal at makisaya kasama ang kanilang iniidolong Kapamilya stars. Hindi rin naman sila binigo nina Jodi at Ian na nagdala ng matinding kilig at ilang sorpresa na nagpadagundong sa buong activity center.

Unang nagsama sina Jodi at Ian sa hit Kapamilya serye na “Pangako Sa’Yo” kung saan ginampanan nila ang mga karakter nina Amor Powers at Eduardo Buenavista. Dahil naman sa kanyang mahusay na pagganap sa serye, nakatanggap ng nominasyon kamakailan si Jodi mula sa 2016 International Emmy Awards bilang Best Actress.

Nagtambal na rin ang dalawa sa pelikula sa pinagbidahan nilang Star Cinema movies na “The Achy Breaky Hearts” at “All You Need is Pag-Ibig,” na ipapalabas naman sa Cinema One ngayong October 21.

Ngayong buwan ay mapapanood din si Jodi, na siya ring Icon of the Month ng Jeepney TV, sa pagbabalik telebisyon ng hit Kapamilya serye na “Be Careful with My Heart” simula October 17.

Samantala, bukod sa kilig, napuno rin ng musika ang fans day sa paghandog ng “The Voice Kids Season 3” finalist na si Justin Alva ng ilang awitin na nagpabilib sa mga manonood. Dumalo rin sa kasiyahan ang teen star na si Andrea Brillantes na pinukaw ang lahat sa kanyang performance.

Sa pagtatapos ng programa, lubos na nagpasalamat sina Jodi at Ian para sa mainit na pagtanggap at pagmamahal ng mga manonood.

Balikan ang mga masasayang tagpo ng mga pinkapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV).

Comments are closed.