MULTI-AWARDED PHILIPPINE ACTRESS JODI STA. MARIA TO FACE LIFE-CHANGING DECISION IN THE STAR CINEMA FILM “DEAR OTHER SELF”

A woman in search of herself is the center of the story of the upcoming Star Cinema film “Dear Other Self”, which stars 2016 International Emmy Award nominee Jodi Sta. Maria and Philippine heartthrobs Joseph Marco, and Xian Lim, screening in key countries worldwide via TFC@theMovies starting May 25.


The film’s director Veronica Velasco shares that she and co-writer Jinky Laurel took inspiration from the former’s teenage daughter. “I noticed that because of the things they read on the internet, they become aware of different places around the world and they want to travel there”, she recalls. “These days, there is a concept of yolo or you only live once where some feel the need to leave everything behind and travel the world.  I was thinking, ‘what if that is the life she chose,’ and thus ‘Dear Other Self’ was born.”

 

“Dear Other Self” tells the story of Becky (Sta. Maria), the breadwinner of the family who faces a life-changing decision in her life one day. One is to start her day right, nail a presentation, and get promoted. The other is to start the day on the wrong side of the bed, flunk the presentation, and get fired.

 

Sta. Maria believes that this situation is something relatable for many people. “I think we all, at one point of our lives, think of things we want to do but couldn’t because of our obligations.  So, I think all of us face that one critical decision in our lives that could change everything”, she explains.

“Dear Other Self” is the first movie where Sta. Maria is teamed up with Marco and Lim. The two Kapamilya actors are grateful to be paired with Sta. Maria, who they describe as someone easy to work with.

 

“Hindi ko naramdaman ‘yong pressure,” Marco says about Sta. Maria. “When you work with Jodi, she makes you feel comfortable. She is very nice. I love working with her”, the actor ends.

 

Marco and Lim will give life to the characters of Chris (Marco) and Henry (Lim). Chris is the guy-next-door who have everything planned out for his life. Meantime, Henry is the happy-go-lucky guy who lives life one day at a time. They will be the men that Becky meets in the two different scenarios in her life.

 

The two leading men can relate to their respective characters — Chris wants everything in his life planned, while Henry follows what his heart desires.

Although Lim believes in following what one’s heart desires, he reminds himself that it is equally important to gauge the consequences of your actions.

 

“Deep inside, responsibilities seem daunting to us.  You decide to do what you want, you decide to live life to the fullest, but you also have to slow down. You also have to think of the consequences because everything has a trade-off.  Life is a trade-off,” he explains.

 

Sta. Maria also encouraged everyone not to give up on their dreams, even if there will be delays. This is something that the Kapamilya actress could relate with it seemed because success came to her after some years.  She admits, she also still dreams of getting a degree in medicine.

 

“I believe if God puts a dream in our hearts, it is with an intent to fulfill it and we just have to wait for the right time,” she says. “Sometimes, it doesn’t happen right away but later in life, it will be realized”, Sta. Maria ends.

 

Also part of the cast are Carla Martinez, Bodjie Pascua, Anna Luna, and Paul Salas.

 

Will Becky do what makes the people around her happy or will she go after her personal happiness? Find out as “Dear Other Self” screens in key countries worldwide via TFC@theMovies on the following dates: UAE, Qatar, Bahrain, Oman, and Papua New Guinea on May 25; U.S., Canada, and Saipan on May 26; London, UK on May 27; Rome and Milan, Italy on May 28; Australia and New Zealand on June 1; Hong Kong on June 11; and coming soon in Brunei, Singapore, and Malaysia.

 

For more updates about the film, visit emea.kapamilya.com, tfc-usa.com/dos, tfc-ca.com/dos or visit the TFC’s Facebook page applicable for your area. Connect with fellow global Kapamilyas, follow @KapamilyaTFC on Twitter and Instagram.

###

 

Jodi’Sta. Maria balik-pelikula kasama sina Joseph Marco at Xian Lim sa “Dear Other Self,” na mapapanood sa key countries worldwide via TFC@theMovies simula May 25

Pelikulang “Dear Other Self” ng Star Cinema, tatalakay sa mga ‘what ifs’ ng buhay

Kakaibang konsepto ang ihahain ng Star Cinema sa pinakabagong offering nito na “Dear Other Self” na mapapanood sa key countries worldwide via TFC@theMovies simula May 25.


Tampok ang nagbabalik-pelikulang si Jodi Sta. Maria, iikot ang kuwento ng Dear Other Self” sa isang babaeng hinahanap ang kaniyang sarili at sa prosesong ito ay mahaharap sa dalawang bersyon ng realidad at dalawang lalakeng maaaring maging bahagi ng desisyon na kaniyang pipiliin na sina Joseph Marco at Xian Lim.

Ibinahagi ng direktor na si Veronica Velasco ang kaniyang dalagang anak ang naging inspirasyon nila ng kaniyang co-writer na si Jinky Laurel para sa pelikula. “Napansin ko sa kaniya at sa mga kaibigan niya, dahil sa internet (ay) basa sila nang basa, alam nilang may iba’t ibang lugar sa mundo (na) gusto nilang puntahan,” pagbabahagi niya. “So mayroong konsepto ngayon na ‘leave everything behind and travel the world.’ So, in-imagine ko na kunwari ito ang buhay na pinili niya or she stayed at home — and so ‘Dear Other Self’ was born.”

 

Bida sa kuwento si Becky (Sta. Maria), isang dalagang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Isang araw, haharap siya sa dalawang desisyong nakabase sa dalawang bersiyon ng realidad. Una ay ang simulan nang tama ang kaniyang araw, matagumpay na magawa ang kaniyang presentation, at ma-promote sa trabaho. Ang isa naman ay magsisimula nang hindi maganda, papalya sa presentation, at matatanggal sa trabaho ngunit makakabiyahe sa lugar na kaniyang ninanais.
Naniniwala si Sta. Maria na maraming tao ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon araw-araw. Paliwanag ng aktres, “I think lahat tayo nagkaro’n ng gano’ng dilemma sa buhay natin — na may gusto tayong gawin pero iniisip natin, paano natin magagawa kung nakatali tayo sa isang obligasyon. So, I think lahat tayo naharap sa isang critical decision sa buhay natin na puwedeng bumago sa buhay ng isang tao.”

Unang beses na makakatambal ni Sta. Maria sa “Dear Other Self” sina Marco at Lim.  Malaki ang pasasalamat ng dalawang Kapamilya actors na nakapareha nila si Sta. Maria, na ayon sa kanila ay madaling katrabaho.

 

“Hindi ko naramdaman ‘yong pressure,” pahayag ni Marco tungkol kay Sta. Maria. “When you work with Jodi, she makes you feel comfortable. She is very nice. I love working with her”, pagtatapos ng actor.

 

Bibigyan-buhay nina Marco at Lim ang mga karakter nina Henry (Lim) at Chris (Marco). Si Henry ay ang tipo ng lalaki na happy-go-lucky at hindi pina-plano ang kaniyang buhay. Samantala, si Chris naman ay ang tipo ng lalaki na pinaplano ang lahat sa kaniyang buhay. Sila ang dalawang lalaki na makikilala ni Becky sa dalawang magkaibang pangyayari sa kaniyang buhay.

 

Parehong nakaka-relate sina Lim at Marco sa kanilang mga karakter – gusto ni Chris na planado na ang kaniyang buhay, habang sinusunod ni Henry kung anong nagpapasaya sa kaniya.

 

Bagama’t naniniwala si Lim na mahalagang sundin kung anong nagpapasaya sa iyo, hindi niya rin kinakalimutan na ang bawat desisyon niya ay may kapalit.

 

Aniya, “sa loob-loob nating lahat, kinakatakutan natin ang responsibilities, e. You decided to do what you want, you decide to live life to the fullest, but you also have to slow down. You also have to think of the consequences dahil lahat naman ‘yan may trade-off. Life is a trade-off.”

 

Hinikayat naman ni Sta. Maria ang lahat na huwag bumitiw sa kanilang mga pangarap, kahit pa hindi ito kaagad na matupad. Ito ay isang bagay na naranasan mismo ng Kapamilya actress, dahil makalipas ang ilang taon, matutupad na niya ang pangarap na makapag-aral ng medicine.

 

“I believe if God puts a dream in our hearts, it is with an intent to fulfill it and we just have to wait for the right time,” saad niya. “Sometimes hindi nangyayari ang pangarap natin ngayon, but later in life, it will be realized”, dagdag pa niya.

 

Kasama rin sa cast sina Carla Martinez, Bodjie Pascua, Anna Luna, at Paul Salas.

Pipiliin kaya ni Becky ang kaniyang mga responsibilidad o ang kaniyang personal na kaligayahan? Alamin iyan sa “Dear Other Self” na mapapanood sa key countries worldwide via TFC@theMovies sa mga sumusunod na petsa: UAE, Qatar, Bahrain, Oman, at Papua New Guinea sa May 25; U.S., Canada, at Saipan sa May 26; London, UK sa May 27; Rome at Milan, Italy sa May 28; Australia at New Zealand sa June 1; Hong Kong sa June 11; at coming soon sa Brunei, Singapore, at Malaysia.

 

Para sa updates tungkol sa pelikula, bisitahin ang emea.kapamilya.com, tfc-usa.com/dos, tfc-ca.com/dos o ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas, i-follow ang @KapamilyaTFC sa Twitter at Instagram.

###

Media Contact:
Joyce Jimenez
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
9F ELJCC EL Drive, Diliman, Quezon City
Global_Corporate_Affairs@abs-cbn.com(EMAIL)
632-415-2272 (LANDLINE)

 

Comments are closed.