JOHN, DENIESSE, ROBI, AND MELAI GIVE STARS REAL-LIFE CHALLENGES IN “I DARE YOU SEASON 2”

I Dare You hosts Deniesse, Robi, John, and Melai

ABS-CBN’s realiserye “I Dare You” will lead the journey towards change as it shows celebrities and extraordinary Filipinos teaming up to face real-life challenges in a more daring and inspiring second season, which premieres on Saturday (Oct 12) on ABS-CBN.

Hosted by John Prats, former “Pinoy Big Brother” housemate Deniesse Aguilar, Robi Domingo, and Melai Cantiveros, “I Dare You” will test the spirit, determination, and partnership of the “Celebrity Kakampi” and “Bidang Kapamilya,” who will work together to accomplish tasks.

The Bidang Kapamilya are everyday Filipinos and unsung heroes who bravely confront tough challenges such as firemen, sports coaches, farmers, athletes, soldiers, traffic aides, teachers, and many others.

If Season 1 focused on the series of tasks celebrities had to go through to win a reward for the Bidang Kapamilya, Season 2 will highlight the participants’ life-changing journey to foster positive change for themselves, their families, and their communities.

John shared that in Season 2, he and his co-hosts immerse directly and extensively in the Bidang Kapamilya’s world and get to experience the same challenges the celebrities have to go through.

“What’s good about this season is the immersion. We don’t just do something for a day, like sell something at a wet market, and that’s it. Now I understand other people’s lives better. I didn’t think I would be able to overcome what I did, but something was at stake, so I just did what I had to do. It feels good to be able to help others,” said John.

According to Robi, some celebrities even live and work with the Bidang Kapamilya for long periods, from five days to almost a month.

“‘Some celebrities don’t go home on a daily basis, and if they do, they come back to establish a connection, to relive the life of the Bidang Kapamilya. It’s reality at its finest,” he said.

He added, “In the program, we will show that you don’t have to be an Andres Bonifacio or a Jose Rizal to be a hero. We will showcase people who may be doing simple things but have a big impact on others, who don’t look for extravagance and credit. These stories are worth-sharing and inspiring.”

Hosting newbie Deniesse, meanwhile, is very excited or her first hosting project right after leaving the Big Brother house. She shared that aside from articulating spiels properly, she also learned how to mingle and relate to the Bidang Kapamilya.

“This is a huge opportunity and break for me. I’m very thankful for this because it helped me grow as a host and as a person,” said Deniesse.

Deniesse also noted that while she and her co-hosts have different roles in the realiserye, she will act as the ‘kabarkada’ who will listen to the participants’ grievances and ease their burden.

Join John Prats, Deniesse Aguilar, Robi Domingo, and Melai Cantiveros as they showcase Filipinos who brave through life’s challenges in ABS-CBN’s newest realiserye “I Dare You,” which stars airing Saturday night (Oct 12) after “Maalaala Mo Kaya.” For updates, like facebook.com/IDAREYOUSEASON2 or follow ang @IDareYouS2 on Twitter and @idareyouofficial on Instagram.

 

Celebrities at mga ekstraordinaryong Pilipino, magkasama tungo sa pagbabago

JOHN, DENIESSE, ROBI, AT MELAI, HAHARAPIN ANG MGA HAMON NG TOTOONG BUHAY SA “I DARE YOU SEASON 2”

Magkasamang haharapin ng celebrities at mga extraordinaryong Pilipinong ang mga hamon ng totoong buhay sa kanilang byahe tungo sa pagbabago sa ikalawang season ng realiseryeng “I Dare You” simula ngayong Sabado (Oct 12) sa ABS-CBN.

Kasama sina John Prats, former “Pinoy Big Brother” housemate na si Deniesse Aguilar, Robi Domingo, at Melai Cantiveros, susubukin ng “I Dare You” ang lakas ng loob at tibay ng damayan ng mga magkakasanggang “Celebrity Kakampi” at “Bidang Kapamilya” sa kanilang pamumuhay at pagsuong sa mga pagsubok nang magkasama.

Ang mga Bidang Kapamilya ay mga karaniwang Pilipinong araw-araw na hindi inuurungan ang mga totoong hamon ng buhay, gaya ng mga bumbero, sports coach, magsasaka, atleta, sundalo, traffic aide, guro, at iba pa. Sila ang mga tinaguriang ‘unsung heroes’ na walang sawang kumikilos o kumakayod para makatulong sa iba.

Kung ang Season 1 ay nakatuon sa mga pagsubok na kailangang malampasan ng celebrities upang manalo ng premyo para sa Bidang Kapamilya, nakasentro ang Season 2 sa pagbabagong sabay na haharapin ng dalawa para sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad.

Ibinahagi ni John na bilang hosts, kailangan din nilang malampasan ang ibang pagsubok sa programa na pinagdadaanan ng parehong celebrities at Bidang Kapamilya.

“‘Yun ang maganda ngayong season, may immersion, hindi lang parang gagawin mo siya ng isang araw, na ganito, magbenta ka sa palengke. Mas naiintindihan ko na ang buhay ng iba. Hindi ko akalang kakayanin ko ‘yung mga pinasok ko, pero nung nandun na tapos may mga nakasalalay, ginawa ko. Masarap na nakakatulong ka sa iba,” ani John.

Ayon naman kay Robi, minsa’y umaabot pa sa lima hanggang halos isang buwan na magkasama ang Celebrity Kakampi at Bidang Kapamilya.

“‘Yung ibang celebrity hindi umuuwi, o kung umuuwi man babalik at babalik sila para makabuo ng koneksyon, para isabuhay ang experiences ng Bidang Kapamilya. It’s reality at its finest,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sa show, ipapakita naming hindi mo kailangang maging Andres Bonifacio o Jose Rizal para matawag na bayani. Ibibida namin ang mga taong akala mo simple ang ginagawa pero sobrang laki ng impact sa iba, mga taong hindi naghahanap ng karangyaan at kapalit. Ito ang mga kwentong dapat na ibahagi dahil nakaka-inspire.”

Excited naman si Deniesse sa pinakauna niyang hosting project pagkatapos na lumabas sa Bahay ni Kuya. Bukod daw kasi sa natutunan niya kung paano magbato ng linya, natuto rin siyang makisalamuha at maki-relate sa mga Bidang Kapamilya.

“Malaking opportunity at break talaga ito sa akin. ‘Dun ako nagpapasalamat dahil nag-grow ako as a host and as a person. ” pahayag ni Deniesse.

Ibinahagi rin ni Deniesse na iba-iba ang papel nila bilang hosts sa realiserye ngunit magsisilbi siyang kabarkada o sandalan na nakikinig sa mga hinaing at tagatanggal sa bigat na kanilang nararamdaman.

Samahan sina John Prats, Deniesse Aguilar, Robi Domingo, atMelai Cantiveros sa pagbida sa mga Kapamilyang hindi inuurungan ang mga totoong hamon ng buhay sa “I Dare You Season 2,” simula ngayong Sabado ng gabi (Oct 12), pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya.” Para sa updates tungkol sa programa, i-like lang ang facebook.com/IDAREYOUSEASON2 o i-follow ang @IDareYouS2 sa Twitter at @idareyouofficial sa Instagram.

Comments are closed.