Jona, ready to conquer Solaire in “Prima Jona” concert

Prima Jona

Jona, ABS-CBN Philharmonic Orchestra join forces for a one-of-a-kind show

 

Jona Viray, one of today’s most in-demand Kapamilya singers, is set to belt out beautiful music live on a one night, full orchestra concert dubbed “Prima Jona,” together with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra, happening at the Theatre at Solaire on November 18 (Saturday).

The Star Music artist, now on her 12th year in the business, teams up with the excellent group of musicians under the baton of Maestro Gerard Salonga for an incredible show that is set to highlight her uniquely soulful yet powerful voice with a wide-ranging set list perfect for the young diva.

Joining the Birit Queen is one of her idols and music inspiration, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, as her special guest for a vocal showdown like no other.

Jona’s major concert caps off her numerous yearlong successes, which began when she introduced her self-titled album under Star Music in February, followed by the sold-out Birit Queens concert in MOA Arena and world tour in Dubai and USA.

Three of her songs made it to BillboardPH Top 20 when it released its first ever charts in June, including “Maghihintay Ako,” “Pusong Ligaw,” and “You. Both “Maghihintay Ako” and “Pusong Ligaw” have peaked at no. 3 and have remained in the charts for 22 weeks now.

Her songs are likewise big hits on YouTube, with her “Pusong Ligaw” video now with 17 million views, “Maghihintay Ako” with 8 million views, and “You” lyric video with almost 7 million views.

She also bagged the Song Of The Year win for “Maghihintay Ako” in the MOR Pinoy Music Awards last August and also became the Best Female Recording Artist in the Alta Media Icon Awards held on October 6. She was also hailed as “Most Influential Performer,” together with Birit Queens Morissette, Klarisse de Guzman and Angeline Quinto, in the 7th EdukCircle Awards.

Jona is currently part of Himig Handog 2017 as one of the song interpreters for the songwriting competition. Her song “Sampu” is an entry composition by Raizo Chabeldin and Biv De Vera.

Her sold-out “Queen of the Night” concert, held in November last year in KIA Theater, paved the way for the singer to have another major show this year, in a grander stage at Solaire this time, for bigger performances complemented by the full orchestra.

Concert tickets are now available and priced at P5,000 (SSVIP), P4,500 (SVIP), P3,500 (VIP), P2,500 (patron), P1,500 (balcony A) and P1,000 (balcony B). Call Ticket World for reservations at 891-9999 or log on to ticketworld.com.ph.

“Prima Jona” will be held on Nov. 18 (Saturday) at 8pm, presented by Star Events and Creative Media Management. For more details, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

Jona, ABS-CBN Philharmonic Orchestra, magsasama!

JONA, MAGPAPAKITANG-GILAS SA SOLAIRE PARA SA “PRIMA JONA” CONCERT

 

Handa nang magdala ng magandang musika ang isa sa pinaka-in-demand na mang-aawit ngayon, ang Kapamilya singer na si Jona Viray, para sa kanyang pinaka-inaabangang full orchestra concert, ang “Prima Jona” kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, na magaganap sa Theatre at Solaire sa darating na Nobyembre 18 (Sabado).

Makakasama ng Star Music artist na ngayon ay nasa ika-12 taon na sa showbiz ang magaling na grupo ng musicians sa pangunguna ni Maestro Gerard Salonga para sa isang natatanging show na magbibida sa kakaiba, soulfoul at powerful voice ng dalaga at magpapatunay ng kanyang kakaibang talento sa pag-awit.

Kasama ng Birit Queen ang isa sa kanyang mga idolo at inspirasyon sa musika, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, bilang special guest para sa isang ka-abang-abang na showdown.

Ang major concert ni Jona ang bubuo sa kanyang hindi mabilang na tagumpay ngayong taon. Nagsimula ito sa paglunsad niya ng self-titled album mula sa Star Music noong Pebrero at nasundan naman ng sold-out Birit Queens concert sa MOA Arena at world tour sa Dubai at USA.

Tatlo sa kanyang mga kanta ay naging bahagi ng kauna-unahang BillboardPH Top 20 at kasama dito ang “Maghihintay Ako,” “Pusong Ligaw,” at “You.” Nakamit naman ng parehong “Maghihintay Ako” at “Pusong Ligaw” ang no. 3 rank dito at naging bahagi na rin ng charts sa loob ng 22 linggo hanggang sa kasalukuyan.

Big hits din sa YouTube ang mga nasabing awitin. Meron nang 17 million views ang “Pusong Ligaw” video ni Jona, 8 million views ang “Maghihintay Ako” at 7 million views naman ang “You” lyric video.

Nasungkit din ni Jona ngayong taon ang Song Of The Year award para sa “Maghihintay Ako” mula sa MOR Pinoy Music Awards noong Agosto at siya ay itinanghal bilang Best Female Recording Artist sa Alta Media Icon Awards noon lamang Oct. 6. Kinilala rin siya bilang “Most Influential Performer” kasama ang mga Birit Queens na sina Morissette, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto sa 7th EdukCircle Awards.

Bahagi ang singer sa Himig Handog 2017 bilang isa sa mga intepreters ng songwriting competition. Siya ang umawit ng kantang “Sampu” mula sa mga composer nito na si Raizo Chabeldin at Biv De Vera.

Nagbigay ng daan kay Jona ang kanyang sold-out “Queen of the Night” concert na ginanap noong Nobyembre ng nakaraang taon sa KIA Theater para magkaroon siya ng mas pinalaki at mas pinabonggang concert sa Solaire ngayon na may kasama pang full orchestra.

Available na ang concert tickets sa halagang P5,000 (SSVIP), P4,500 (SVIP), P3,500 (VIP), P2,500 (patron), P1,500 (balcony A) at P1,000 (balcony B). Maaaring tumawag sa Ticket World sa 891-9999 o bisitahin ang ticketworld.com.ph.

Mapapanood na ang “Prima Jona” sa Nob. 18 (Sabado), 8pm, handog ng Star Events at Creative Media Management. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

 

Prima Jona

Comments are closed.