JONA STAGES FIRST MAJOR CONCERT AS KAPAMILYA

jona-queen-of-the-night

Less than a year after being welcomed into her new home ABS-CBN, power belter Jona has already achieved several milestones in her career: recording the theme song of a Kapamilya teleserye (“We Will Survive”), interpreting a song in the Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 competition, and performing alongside the Birit Queens of “ASAP.”

Jona’s blessings just keep on coming. Recently, she formally became a Kapamilya after signing a contract with Star Music and Star Magic. The signing was also attended by Star Music head Roxy Liquigan, Star Music audio content head Jonathan Manalo, her Star Magic handler Love Capulong, and co-manager Arlene Meyer.

At the moment, Jona is busy recording her first album for the label that her fans will soon enjoy.

“I’m very happy. I’m more inspired to do my work here in ABS-CBN. It’s like everything has finally begun,” said Jona about her contract signing.

And for the first time as a Kapamilya, Jona will be staging her first solo concert titled “Queen of the Night: Jona” that will be held on November 25 at the Kia Theater.

Join her as she rocks the stage and perform breathtaking numbers with special guests Jed Madela, Daryl Ong, and Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

“Queen of the Night: Jona” will be under the musical direction of Soc Mina and under the stage direction of Marvin Caldito. The choreography is led by Joe Abuda of dance crew The Addlib.

Tickets can be purchased for P2,970 (VIP), P2,120 (Orchestra A), P1,910 (Orchestra B), P1,060 (Loge), at P640 (Balcony) at Ticketnet outlets. You may also call 911-5555 or visit ticketnet.com.ph.

“Queen of the Night: Jona” is produced by Star Events, Big Eyes Events & Productions, and Creative Media Entertainment, and co-sponsored by PLDT HOME.

 

Opisyal nang Star Music at Star Magic talent…

JONA, MAGPAPASIKLAB SA UNANG SOLO CONCERT BILANG KAPAMILYA

Wala pang isang taon matapos tumuloy sa kanyang bagong tahanan sa ABS-CBN, iba’t ibang tagumpay na ang nakuha ng power belter na si Jona. Kabilang na sa mga ito ang pag-awit ng theme song ng isang Kapamilya teleserye (“We Will Survive”), ang maging interpreter sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016, at ang maging bahagi ng tinaguriang Birit Queens ng “ASAP.”

Maituturing ngang “blessed” si Jona dahil kamakailan ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Music at Star Magic bilang pormal na pagpapakilala sa kanya bilang isang talent. Kasama niya sa pirmahan sina Star Music head na si Roxy Liquigan, Star Music audio content head na si Jonathan Manalo, ang Star Magic handler niyang si Love Capulong, at ang co-manager niyang si Arlene Meyer.

Sa kasalukuyan, busy si Jona sa pagre-record ng kanyang album na malapit nang mapakinggan ng kanyang mga tagahanga.

“I’m very happy. Mas inspired pa ako to do my work here in ABS-CBN. Parang nag-umpisa na po talaga ang lahat,” sabi ni Jona sa kanyang contract signing.

Bilang isang Kapamilya, matutunghayan na rin si Jona sa kanyang unang solo concert na tinaguriang “Queen of the Night: Jona” na gaganapin ngayong Nobyembre 25 sa Kia Theater.

Samahan si Jona para sa isang gabi ng kantahan, saya, at biritan kung saan magpe-perform din ang kanyang special guests na sina Jed Madela, Daryl Ong, at Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Ang “Queen of the Night: Jona” ay sa ilalim ng musical direction ni Soc Mina at stage direction ni Marvin Caldito. Ang choreography naman nito ay sa pangunguna ni Joe Abuda ng dance crew na The Addlib.

Mabibili na ang tickets na nagkakahalagang P2,970 (VIP), P2,120 (Orchestra A), P1,910 (Orchestra B), P1,060 (Loge), at P640 (Balcony) sa Ticketnet outlets. Maaari ring tumawag sa 911-5555 o bumisita sa ticketnet.com.ph.

Ang “Queen of the Night: Jona” ay iprinodus ng Star Events, Big Eyes Events & Productions, at Creative Media Entertainment. Co-sponsored naman ito ng PLDT HOME.

Comments are closed.