JOSEPH MARCO AND SUE RAMIREZ TEAM UP IN “MMK’S” ROMANTIC EPISODE THIS SATURDAY

Joseph Marco and Sue Ramirez will topbill 'MMK's' episode this Saturday_01ABS-CBN’s “Maalaala Mo Kaya” will share a touching story about making sacrifices for love this Saturday (September 5) in an episode starring Kapamilya stars Joseph Marco and Sue Ramirez. In the story, Joseph will portray the role of Rolland, a young man who is ready to do everything for his girlfriend Mary (Sue). When Mary’s uncle threatened to ruin their relationship by not paying for her tuition and sending her back to the province, Rolland sacrificed most of his earnings just to be able to finance Mary’s last year in college. However, Rolland and Mary’s relationship began to turn sour when she decided to leave Rolland to work abroad. How did Rolland face all the pain in his heart when Mary broke his heart after all the sacrifices he did for her? Will he give Mary and their love a second chance when she returns for him? Joining the upcoming “MMK” episode are Lito Pimentel, Isay Alvarez, Shy Carlos Minco Fabregas, Axel Torres, Liezel Garcia, Bugor Drilon, and Elisse Joson. The episode is directed by Jerry Lopez Sineneng and written by Joan Habana. “MMK” is led by business unit head Malou Santos. Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday, 8pm, after “The Voice Kids” on ABS-CBN. For more updates, log on to MMK.abs-cbn.com, follow @MMKOfficial on Twitter, and “like” Facebook.com/MMKOfficial. Tweet your thoughts about this Saturday’s episode by using the hashtag #MMKSelflessLove. Meanwhile, viewers may also catch up on full episodes and past episodes of “MMK” through ABS-CBNmobile. For more information, please go to www.abscbnmobile.com.

JOSEPH MARCO AT SUE RAMIREZ, MAGTATAMBAL SA NAKAKIKILIG NA KWENTO SA “MMK.” Kwento ng wagas na pag-ibig ang ibabahagi ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 5) tampok ang Kapamilya stars na sina Joseph Marco at Sue Ramirez. Gagampanan ni Joseph ang karakter ni Rolland, isang binatang lumaki sa hirap na handang gawin ang lahat para sa iniibig na si Mary (Sue). Sa pagtangka ng tiyuhin ni Mary na patigilin ito sa pag-aaral at paghiwalayin ang magkasintahan, nagsumikap si Rolland na magtrabaho para matustusan ang huling taon ng pag-aaral ni Mary sa kolehiyo. Ngunit biglang naging mapait ang minsang matamis na pagtitinginan ng dalawa nang nagdesisyon si Mary na umalis papuntang ibang bansa para magtrabaho. Paano nga ba haharapin ni Rolland ang sakit na idinulot ni Mary sa kanyang puso sa kabila ng lahat ng sakripisyo na ginawa niya para dito? Mahahanap ba niya sa kanyang puso na bigyan si Mary ng ikalawang pagkakataon sa oras na bumalik ito muli sa kanyang buhay? Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Lito Pimentel, Isay Alvarez, Shy Carlos Minco Fabregas, Axel Torres, Liezel Garcia, Bugor Drilon, at Elisse Joson. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKSelflessLove. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Comments are closed.