Juday at Coco, nag-bigay pugay kay FPJ sa premiere ng restored “Isusumbong Kita sa Tatay Ko”

Susan Roces at Sen. Grace Poe, buong puso ang pasasalamat…

JUDAY AT COCO, NAGBIGAY-PUGAY KAY FPJ SA PREMIERE NG RESTORED “ISUSUMBONG KITA SA TATAY KO”

Matagumpay ang ginanap na red carpet premiere ng digitally restored and remastered movie na “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” kamakailan sa SM North EDSA bilang bahagi ng month-long celebration ng CineMo sa kaarawan ng nag-iisang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Star-studded ang gabi sa pagdalo ng co-star ng pelikula na si Judy Ann Santos at asawa nitong si Ryan Agoncillo, Primetime King Coco Martin, Yassi Pressman, at pamilya ni FPJ na sina Susan Roces at Sen. Grace Poe.

Talaga namang bongga ang paggunita na ibinibigay ng ABS-CBN kay FPJ dahil hindi lang nila ni-restore sa big screen ang pelikula nito, mapapanood pa sa buong buwan ng Agosto ang kanyang mga pelikula sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus.

“Na-touch ako at ang aming pamilya. Nagpapasalamat kami na ginagawa ito para sa mga pelikula ni FPJ nang makita ng mga kabataan ang mga nagawa niya,” ani Susan.

Ibinahagi naman ni Juday ang masayang alaala niya sa pagganap bilang anak ni Da King.

“Ito na yata ‘yung isa sa mga pinakamasayang pelikulang ginawa ko kasi napaka-professional ng lahat, napakasaya lang namin sa set,” aniya.

“Finally makikita ng mga tao ‘yung works ni FPJ. Kasi talagang legend siya. Isa siyang tao na dapat ma-celebrate ang buhay niya kasi marami siyang nai-inspire talaga,” dagdag pa niya.

Samantala, puno rin ng galak si Sen. Grace dahil may espesyal na puwang din sa kanyang puso ang naturang pelikula.

“Malapit sa aking puso ang pelikulang ito. May mga parte ng pelikula na hango nga raw sa aking buhay, kaya nang naisapelikula ito, at kapag napapanood ko hanggang ngayon, syempre parang dedikasyon na rin ng tatay ko sa akin,” sabi niya.

Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa. Isa lang ang “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko” sa mahigit 120 titulo na nai-restore ng ABS-CBN na ang ilan ay naipalabas na sa international film fests, red carpet premieres sa bansa, sa free-to-air at cable television, pay-per-view at video-on-demand, DVD, at na-download maging sa iTunes.

Mapapanood ang iba pang pelikula ni FPJ tuwing Linggo, 5pm sa “FPJ: Hari ng Aksyon” block sa CineMo.

Ang CineMo ay mapapanood sa ABS-CBN TVplus. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company na nagpakilala ng digital terrestrial television noong 2015 para mas maging maganda ang TV viewing experience ng mga Pilipino. Gamit ang digital signal transmission, nagiging malinaw ang mga palabas sa TV. Bukod sa exclusive channels, nakakasagap din ang TVplus box ng ibang channels na gumagamit na ng digital signal. Wala ring monthly fee ang ABS-CBN TVplus.

 

Juday with her copy of the digitally restored poster of Isusumbong Kita sa Tatay Ko

Dindo Perez, scripwriter; Sen. Grace Poe; and Judy Ann Santos with copies of the digitally restored movie poster

CineMo channel head Mark Awiten with Ms. Judy Ann Santos

 

Susan Roces and Sen. Grace Poe grateful for the support

JUDAY AND COCO CELEBRATE LIFE AND WORKS OF FPJ AT PREMIERE OF RESTORED “ISUSUMBONG KITA SA TATAY KO”

CineMo celebrated the birthday of the King of Philippine Cinema Fernando Poe Jr. via a successful screening of the digitally restored and remastered movie “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” at SM North EDSA.

The event was a star-studded success with attendees including FPJ’s co-star in the movie, Judy Ann Santos, her husband Ryan Agoncillo, Primetime King Coco Martin, Yassi Pressman, Susan Roces, wife of the late legend, and their daughter Sen. Grace Poe.

ABS-CBN truly went all out with celebrating the birthday of FPJ not only by screening the restored version of one of his movies but also airing his other blockbuster films on ABS-CBN TVplus’ CineMo channel for the whole month.

“The whole family and I are very touched and thankful that this is being done for FPJ’s films so that young people may be able to see his works,” said Susan, FPJ’s wife of almost 36 years.

Juday, who played his daughter in the movie, shared her happiness and fond memories of Da King. “This might be one of the best experiences I’ve had while making a movie. Everyone was a pro, and we were all just so happy on set,” she said.

She added, “Finally, people will be able to see the works of FPJ. He truly is a legend. We should celebrate him and his works because he has inspired many.”

Meanwhile, Sen. Grace was very excited to watch the film and expressed how it holds a special place in her heart.

“This movie is close to my heart. There are some parts that were based on my life, so it is also a testament of my father’s love for me,” she said.

Since 2011, ABS-CBN Film Restoration Project has been restoring classic films to help preserve Philippine cinematic history. Together with Central Digital Lab, it has become the first restoration effort to be done within the country. “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” is one of the more than 120 films that ABS-CBN has restored, some of which were already screened internationally via film fests, screened locally via red carpet premieres, aired on free-to-air and cable television, viewed via pay-per-view and video-on-demand, distributed on DVD, and downloadable even on iTunes.

CineMo will continue to air FPJ movies during it’s “FPJ: Hari ng Aksyon” block every Sunday at 5pm.

CineMo is available on ABS-CBN TVplus. ABS-CBN is the first media and entertainment company in the Philippines to make the historic switch from analog to digital terrestrial television in 2015 to transform the TV viewing experience of Filipinos. Using digital signal transmission, ABS-CBN TVplus makes TV viewing dramatically crystal clear. Besides exclusive channels, it can also capture and broadcast channels that transmit in digital and is offered for a one-time payment fee.

Comments are closed.