Julia, patataubin si Shaina para sa hustisya sa “Asintado”

Bubuuin na ni Ana (Julia Montes) ang buhay niyang winasak ni Samantha (Shaina Magdayao) dahil umpisa na ng kanyang paghihiganti upang iparanas sa karibal ang lahat ng hirap na kanyang tiniis sa Kapamilya afternoon series na “Asintado.”

Matapos matunghayan ang kasal nina Samantha at Gael (Paolo Avelino), mas lalo pang umigting ang galit ni Ana para sa mga taong nang-api sa kanya at pumatay sa kanyang ama, kaya naman mag-isa siyang gagawa ng hakbang upang mapatumba ang kanyang mga kalaban.

Uumpisahan niya ang kanyang paghihiganti kay Samantha na walang takot niyang haharapin at walang pagdadalawang-isip na gamitan ng dahas upang mapigilan ang plano nitong saktan ang kanyang pamilya.

Ngunit hindi padaraig si Samantha dahil sisiguraduhin nitong mapapatay niya si Ana sa tulong ng kanyang mga tauhan at hindi hahayaang maagaw mula sa kanya si Gael.

Magawa nga kaya ni Ana ang plano niya ng paghihiganti? Ano naman kaya ang gagawin ni Samantha upang tuluyan nang mawala sa landa niya si Ana?

Huwag palampasin ang serye na kasado ang pag-ibig at paghihiganti, ang “Asintado” sa Kapamilya Gold tuwing hapon sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-like ang fb.com/dreamscapeph at I-follow ang @dreamscape sa Twitter at Instagram.

Julia fights for justice, seeks revenge against shaina in “Asintado”

Ana (Julia Montes) rises from the ashes and plots her revenge against Samantha (Shaina Magdayao) for attempting to murder her in the Kapamilya afternoon series “Asintado.”

Infuriated after witnessing Samantha and Gael’s (Paulo Avelino) wedding, Ana will take matters into her own hands to seek justice for the death of her father and the near-death experience she suffered in the hands of Samantha.

Alone and with no one to rely on, Ana will threaten to kill Samantha in order to protect her family. However, Samantha has some cunning schemes of her own and will use her influence to hunt down Ana and end her life, preventing her from winning Gael’s heart and once again ruining their lives.

Will justice be served for Ana? What will Samantha do to finally erase Ana in her life?

Don’t miss the series armed with love and revenge, “Asintado,” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, like fb.com/dreamscapeph and follow @dreamscapeph on Twitter and Instagram.

Comments are closed.