K BROSAS’ HILARIOUS “K-SABIHAN”, NOW A BOOK

K Brosas’ witty remarks, popularized in It’s Showtime’s Tawag ng Tanghalan portion, are now compiled in softbound copies as ABS-CBN Publishing launches the book “K-Sabihan, Ang Alamat ng Teh at Iba Pang Kasagutan.”

Readers will get to see more of K Brosas’ proverbial accounts and funny anecdotes on love and life. In the book, she candidly shared stories from her past and wrote how readers can still be happy despite being single.

“A lot of millennials will find this read relatable,” shared K. “Those in unlabeled relationships, those whose feelings are unreciprocated—a lot of those examples, so I’m sure that a lot of the young ones will be affected.”

It has been K Brosas’ dream to become an author one day. She even mentioned getting rejected once by a local publisher but that did not stop her from writing a masterpiece that will surely make people throw their head back in a full throated guffaw.

“Only a few knew that I have a blog. It has long been my dream to write a book and share interesting stories in the level of J.K. Rowling and E.L. James,” she said in jest.

She included excerpts from her blog in the book, particularly questions from her followers that she amusingly answered.

“K-Sabihan, Ang Alamat ng Teh at Iba Pang Kasagutan” is the latest addition in ABS-CBN Publishing’s line of bestselling consumer books. K Brosas joins an elite roster of authors which includes Sen. Miriam Defensor Santiago, Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Senyora Santibañez, and Ramon Bautista.

She held a mini-concert and a meet-and-greet session at the grand book launch held last March 5 at Robinsons Place Manila.

Her good friends Jaya, Erik Santos, Kyla, Pokwang, Pooh, Thor, and Benj Manalo joined her in this milestone and serenaded the guests with fun performances. Even Jex de Castro, the Ultimate Resbaker from It’s Showtime’s “Tawag Ng Tanghalan” contacted her personally to volunteer a performance.

Priced at P175, “K-Sabihan, Ang Alamat ng Teh at Iba Pang Kasagutan” is exclusively available in all National Book Store outlets nationwide.

-30-

MGA NAKAKATAWANG “K-SABIHAN” NI K-BROSAS, ISA NANG LIBRO

Isa nang cerified book ang mga nakakatawang hirit ni K Brosas sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime dahil inilabas na ng ABS-CBN Publishing ang “K-Sabihan, Ang Alamat ng Teh at Iba Pang Kasagutan.”
Ngayon, nailathala na ang kanyang mga “K-Sabihan” at nakakatuwang kwento sa buhay sa kanyang unang libro. Dito ibinahagi niya ang ilang detalye sa kanyang makulay na nakaraan at nagbigay siya ng tips kung paano magiging masaya kahit pa single.

“Maraming millennials ang makaka-relate dito,” ibinahagi ni K. “Yung mga walang labels, yung mga M.U.—mag-isang umibig—maraming ganyan na eksena, so I’m sure yung mga kabataan maraming magiging apektado.”

Matagal nang pangarap ni K Brosas na sumulat ng libro. Nabanggit pa niya na nakatanggap na siya ng rejection dati mula sa ibang publisher ngunit hindi dito natapos ang kanyang kagustuhan na sumulat ng masterpiece na talaga namang makakapagbigay saya sa mga babasa nito.

Anya, “konti lang ang nakakaalam nito pero matagal na akong may blog. At pangarap ko talagang magkalibro na kakabog sa mga libro nina J.K. Rowling at E.L. James!!! Ganern.”

Kumuha siya ng ilang bahagi ng kanyang blog at isinama sa libro tulad na lamang ng mga tanong galing sa kanyang followers na magalak niyang binigyan ng kasagutan.

Ang “K-Sabihan, Ang Alamat ng Teh at Iba Pang Kasagutan” ang pinaka-latest na karagdagan sa mga bestselling consumer books ng ABS-CBN Publishing. Kasama na ngayon si K Brosas sa listahan ng kilalang book authors na sina Sen. Miriam Defensor Santiago, Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Senyora Santibañez, at Ramon Bautista.

Ginanap noong Linggo (March 5) sa Robinsons Place Manila ang bonggang book launch ni K  kung saan nagkaroon siya ng mini-concert at meet-and-greet session sa kanyang mga fans.

Dumalo ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan tulad nina Jaya, Erik Santos, Kyla, Pokwang, Pooh, Thor at Benj Manalo at nagpasaya rin sa audience sa pamamagitan ng ilang awitin. Pati na rin ang Ultimate Resbaker mula sa “Tawag Ng Tangahalan” na si Jex de Castro ay lumapit kay K mismo upang boluntaryong makibahagi sa event.

Ang “K-Sabihan, Ang Alamat ng Teh at Iba Pang Kasagutan” ay mabibili sa lahat ng National Bookstore outlets sa halagang P175.

-30-

Comments are closed.