Kapamilya fans, nakakuha ng ABS-CBN Christmas Special tickets online

KAPAMILYA FANS, NAKAKUHA NG ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL TICKETS ONLINE

Muling dinagsa ang ABS-CBN Just Love Christmas Special ng Kapamilya fans na todo ang sayang naramdaman dahil sa matitinding performances ng Kapamilya stars matapos silang makakuha ng live show tickets sa Kapamilya Tickets online portal o KTX.

Sa unang pagkakataon, nakakuha ang fans ng tickets sa taunang ABS-CBN Christmas Special sa KTX (Kapamilya Tickets) na isang website kung saan mas madaling makakakuha ng tickets ang publiko para sa ABS-CBN shows at events, pati na tickets sa Kidzania.

Isa sa mga nakapanood ng Christmas Special sa Araneta Coliseum dahil sa KTX si Belinda Bautista na first time nakapanood ng Christmas Special ng live. Ayon kay Belinda na nalaman ang tungkol sa KTX dahil sa TV commercial, naging posible para sa kanya ang mapanood ang inaabangang show na walang abala.

“Mabilis akong nakakuha ng ticket para sa Christmas Special dahil madali akong nabigyan ng pagkakataon ng KTX na mapanood ang show na hindi na pumipila pa,” ani Belinda.

Ang isa pang Kapamilya fan na nagustuhan ang kanyang KTX experience ay si Cecile Espenila na isang tagahanga ng tambalang Joshlia na mula sa Laguna.

Sa halip na lumusong sa trapik papuntang Maynila para makakuha ng tickets, nag-book si Cecile ng tickets para sa kanya at kapwa Joshlia fans gamit ang KTX, kung saan nakatipid siya ng pamasahe at oras.

“Madaling gamitin ang website dahil simple ang instructions. Naka ngiti rin ang mga tao sa counter kung saan kinuha naming ang aming Christmas Special tickets,” paliwanag ni Cecile.

Dala ang kanilang posters at LED letter lights na kumikinang, naging masaya ang Christmas Special experience nina Belinda, Cecile, at iba pang Kapamilya fans na matindi ang hiyawan para sa kanilang paboritong Kapamilya stars.

Samantala, ayon kay Winter Erguiza, ABS-CBN OIC head of customer relationship management, binibigyan ng KTX ang publiko na matupad ang kanilang pangarap na mapanood ang kanilang paboritong ABS-CBN shows at idols ng live sa madaling paraan.

“Todo magmahal at magbigay ng suporta ang solid Kapamilya fans para sa ABS-CBN at kanilang paboritong mga artista. Panahon na bigyan naman natin sila ng mas mabilis at madaling paraan para makapanood ng ABS-CBN live shows at events,” ani Winter.

Ang ABS-CBN na ngayon ay nagtra-transition na maging digital company ang unang TV network na naglunsad ng isang online ticketing portal. Samantala, magagamit ng “Kapamilya, Thank You” customer loyalty program members ang kanilang single sign-on Kapamilya Name para ma-access ang KTX website (ktx.abs-cbn.com).

Comments are closed.