Kapamilya stars join Gina Lopez in “G Diaries” Season 2

ElNella and MarNigo lead “G Squad”

Nature just gained new allies as ABS-CBN stars led by loveteams Elmo Magalona and Janella Salvador and Maris Racal and Iñigo Pascual join former Department of Environment and Natural Resources secretary Gina Lopez in a younger and more vibrant “G Diaries,” which will debut its second season on ABS-CBN on February 11.

Gina and the Kapamilya stars, who will comprise the program’s “G Squad,” will bring viewers to amazing sights and destinations in the country such as Samar, Lobo in Batangas, Sibuyan Island in Romblon, Iba in Zambales, Kinatarcan Island in Cebu, and even along the iconic Pasig River to encourage community development and reverence for nature as they experience the cultures and lifestyles of the local communities.

Also taking part in the fun and advocacy of the program, which will air every second Sunday of the month, are other members of the “G Squad” like Sue Ramirez, Gretchen Ho, Loisa Andalio, Kristel Fulgar, Antoinette Taus, Young JV, and BoybandPH’s Joao Constancia, Russell Reyes, Niel Murillo, Ford Valencia, and Tristan Ramirez.

Bringing a young and fresh look and feel to the program this season is director Alco Guerrero, known for his work in “Pinoy Big Brother,” “Maalaala Mo Kaya,” “Binibining Pilipinas,” and the digital concerts of OneMusicPH.

“G Diaries,” a project and production of ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., first aired on ABS-CBN on June 2017. For the second season, Gina said the program will be more focused in showing the efforts of local communities to protect and preserve their natural resources amid progress and development.

“We will do it one community at a time. We will show how each community has done it and show that things can be done. We will show the heroism of the community, the government, and businesses, and what can be achieved when people work together from a space of love,” she said.

Gina also welcomes the entry of the G Squad, which she believes will bring the advocacy for the environment closer to people, considering the star power and influence of the artists among the youth and the masses.

“Our great ABS-CBN stars who love our environment and our nation will go around the different parts of the Philippines with me, enjoy themselves, and invite you all to go there. Because if you go there, the locals will be inspired and you will be inspired as well. We will all be inspired together. We will work together in love,” she said.

Don’t miss the return of “G Diaries” ‪on February 11 (Sunday), 10:30 am before “ASAP” on ABS-CBN. The program airs every second Sunday of the month on ABS-CBN and will also be shown on cable television via Lifestyle Network and ANC, the ABS-CBN News Channel.

 

ElNella at MarNigo, kabilang sa “G Squad”

KAPAMILYA STARS, MAKAKASAMA NI GINA LOPEZ SA “G DIARIES” SEASON 2

Nadagdagan ang mga kakampi ng kalikasan sa pagsama ng mga Kapamilya stars tulad nina Elmo Magalona, Janella Salvador, Maris Racal, at Iñigo Pascual kay dating Department of Environment and Natural Resources secretary Gina Lopez sa mas pinagandang “G Diaries,” na ipapalabas na ang ikalawang season sa ABS-CBN sa Pebrero 11.

Sina Gina at ang Kapamilya stars ang magsisilbing “G Squad,” na magbibida sa magagandang lugar sa Pilipinas katulad ng Samar, Lobo sa Batangas, Sibuyan Island sa Romblon, Iba sa Zambales, Kinatarcan Island sa Cebu, at maging sa Ilog Pasig upang himukin ang mga manonood na mahalin ang kalikasan at magtulungan para umunlad ang bawat komunidad.

Makikilahok din sa saya at adbokasiya ng programa, na eere tuwing ikalawang Linggo ng buwan, sina Sue Ramirez, Gretchen Ho, Loisa Andalio, Kristel Fulgar, Antoinette Taus, Young JV, at sina Joao Constancia, Russell Reyes, Niel Murillo, Ford Valencia, at Tristan Ramirez ng BoybandPH.

Mas bata ang magiging dating ng “G Diaries” ngayong season sa tulong ng direktor na si Alco Guerrero, na kilala sa kaniyang mga proyekto tulad ng “Pinoy Big Brother,” “Maalaala Mo Kaya,” “Binibining Pilipinas,” at mga digital concert ng OneMusicPH.

Unang napanood ang “G Diaries,” na isang produksyon at proyekto ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. noong Hunyo 2017. Ayon kay Gina, mas ipapakita nila sa bagong season ang mga ginawa ng mga komunidad upang pangalagaan ang kalikasan sa kabila ng pag-unlad ng kanilang bayan.

“Ibibida natin ang kabayanihan na ipinakita ng komunidad, ng gobyerno, ng mga negosyo at kung ano ang maatim natin kung magtutulungan tayo ng may pagmamahal,” aniya.

Sabik din si Gina sa pagpasok ng G Squad, na tutulong sa paglalapit ng kaniyang adbokasiya para sa kalikasan sa mga kabataan at masa.

“Iikot sa Pilipinas ang mga ABS-CBN stars natin na may pagmamahal sa kalikasan at sa bayan. Mag-eenjoy sila at aayain ang lahat na pumunta rin doon. Kasi sa pagbisita natin sa mga komunidad, nagkakaroon sila ng inspirasyon, at na-iinspire din nila tayo. Sama-sama tayong ma-iinspire at magtutulungan ng may pag-ibig,” paliwanag niya.

Abangan ang pagbabalik ng “G Diaries” kasama si Gina Lopez at ABS-CBN stars sa Pebrero 11 (Linggo) ng 10:30 am bago mag-“ASAP” sa ABS-CBN. Ipapalabas ang programa tuwing ikalawang Linggo ng buwan sa ABS-CBN, at mapapanood din sa cable sa Lifestyle Network at ANC, the ABS-CBN News Channel.

Comments are closed.