Kapamilya stars support Bantay Bata 163 fundraising show with Rocky Gathercole

“A Love to Last” stars Ian Veneracion and Bea Alonzo were featured in the finale of a fashion show of Rocky Gathercole’s works during the Bantay Bata 163 20th anniversary fundraising dinner

The stars came down to show their support for ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI) – Bantay Bata 163 as it celebrated its 20th year of caring for and protecting children in a fundraising dinner last August 12, featuring the works of international fashion designer Rocky Gathercole.

Kapamilya stars Martin Nievera, Bea Alonzo, Ian Veneracion, Sharon Cuneta, and Darren Espanto, together with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra and Maestro Gerard Salonga, lent their talents in the event, which paid tribute to Bantay Bata children and the social workers, volunteers, and donors who helped them in the past two decades.

In his speech, ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III emphasized ABS-CBN’s commitment to safeguard the welfare of children. “For 20 years, Bantay Bata 163 was able to successfully touch the hearts of a deeply sympathetic, compassionate, and caring race through the creativity, technology, and reach of media. It is an honor that ABS-CBN was able to rally its worldwide audience to support the cause and as a result, Bantay Bata has directly benefitted over a million Filipino children,” he said.

One of the people who partnered with Bantay Bata 163 is Rocky, himself a victim of abuse in his younger years. His life story was even featured in the drama anthology “MMK,” where he was portrayed by actor Arjo Atayde.

Once again, Rocky was able to share his journey from living in the streets of Manila to designing for international celebrities like Lady Gaga, Katy Perry, and Beyonce during the dinner’s fashion show, which showcased his avant-garde pieces that were inspired by his experiences in life.

Meanwhile, Bantay Bata 163 also reiterated its fight against rampant online sexual exploitation of children in the program. To address the cases of cyber bullying and child pornography in the country, the organization aims to seek partners who will help upgrade the 163 hotline and will increase its online presence to ensure the safety of children.

According to UNICEF, eight out of every ten Filipino children and adolescents are in danger of being sexually abused online, making the Philippines one of hotspots for online child sexual abuse. In 2016, the Philippines also ranked the “first global source of child pornography” and the “epicentre of the live-stream sexual abuse trade.” Through the fundraising dinner, Bantay Bata hopes to continue protecting and saving more children from child abuse as it has done so in the past two decades.

To date, Bantay Bata 163 has assisted close to 65,000 children in their medical needs, rescued close to 2,000 abused children and provided legal assistance to many of them, granted scholarships to more than 52,000 children and served more than a million children and their parents in community outreach programs.

The Bantay Bata 20th Anniversary Dinner was presented by Metro Society and Lifestyle Channel, in cooperation with Pass-It-Forward and Quezon City Government, to raise money and awareness about Bantay Bata 163’s new projects including the rehabilitation of Children’s Village, where rescued kids live

as they undergo healing and reformation. Through the fundraising dinner, Bantay Bata hopes to continue protecting and saving more children from child abuse as it has done so in the past two decades.

Bantay Bata 163 is one of the three flagship programs of the ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. that caters to the Filipino children. For more information, go to  https://www.passitforward.com/bb163 to know more.

-30-

 

Bantay Bata 163, lalabanan ang pang-aabuso sa mga bata sa internet

KAPAMILYA STARS SUMUPORTA SA FUNDRAISING SHOW NG BANTAY BATA 163

KASAMA SI ROCKY GATHERCOLE

 

Nagpakita ng suporta sina Martin Nievera, Bea Alonzo, Ian Veneracion, Sharon Cuneta, at Darren Espanto sa selebrasyon ng ika-20 taon ng pag-protekta at pag-aaruga sa kabataan ng Bantay Bata 163, sa isang fundraising show tampok ang mga likha ng pamosong fashion designer na si Rocky Gathercole noong Agosto 12.

Kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at Maestro Gerard Salonga, nagbahagi ng kinang at talento ang Kapamilya stars sa programa, na nagbigay pugay sa katatagan ng mga bata sa Bantay Bata 163 at sa dedikasyong ipinakita ng mga social worker, volunteer, at donor na tumulong sa pag-sagip at pangangalaga sa kanila.

Ayon kay ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III, magpapatuloy ang ABS-CBN sa pagbabantay sa kalagayan ng mga kabataan sa tulong na rin ng mga tao at organisasyong may mabubuting loob at hangarin para sa mga bata.

“Sa loob ng 20 taon, nagtagumpay ang Bantay Bata 163 sa paghimok sa isang bayang may malasakit sa kapwa gamit ang pagiging malikhain, teknolohiya, at lawak ng media. Isang karangalan para sa ABS-CBN ang pagbuklurin ang manonood nito sa buong mundo para sumuporta sa mga programa ng “Bantay Bata 163” na nagresulta sa pagkakatulong natin sa mahigit isang milyong kabataang Pilipino,” aniya.

Isa sa mga nahimok ng “Banta Bata 163” na lumaban para sa mga bata si Rocky, na nakaranas din ng pang-aabuso noong bata pa siya. Naibahagi na niya ito sa “MMK,” kung saan gumanap sa kanya ang aktor na si Arjo Atayde.

Gamit ang kanyang mga dinisenyong damit, muling pinakita ni Rocky sa pamamagitan ng isang fashion show ang kanyang naging buhay mula sa pagtira sa kalsada ng Maynila hanggang maging fashion designer.

Samantala, pinaigting naman ng “Bantay Bata 163” ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata sa sekswal na paraan sa internet. Para matugunan ito, naghahanap ng mga makakatulong ang programa para mapalakas pa ang 163 hotline nito at mas maging malawak ang abot nito online.

Ayon sa UNICEF, walo sa sampong batang Pilipino ang may posibilidad na maabuso sa internet. Samantala, malapit na sa 65,000 bata ang natulungan ng “Bantay Bata 163” sa pagpapagamot, kulang-kulang na 2,000 bata ang naisalba mula sa pang-aabuso at binigyan ng tulong na legal, mahigit 52,000 naman ang nabigyan ng scholarship, habang milyon naman ang tinatayang nag-benepisyo sa mga naisagaw nitong outreach programs sa nakaraang 20 taon.

Pinangunahan ng Metro Society at Lifestyle Channel, sa tulong ng Pass-It-Forward at Quezon City Government, ang Bantay Bata 163 20th Anniversary Dinner para makalikom ng pondo para sa mga bagong proyekto ng “Bantay Bata 163” tulad ng pagsasaayos ng Children’s Village, kung saan tumitira ang mga naisalbang bata. Layunin nilang makatulong pa sa mas maraming bata sa darating pang mga taon at dekada.

Isa ang “Bantay Bata 163” sa tatlong pangunahing programa ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. Para sa mas maraming impormasyon kung paano makakatulong, pumunta sa https://www.passitforward.com/bb163.

-30-

 

 

Comments are closed.