KAPAMILYAS FLOCK TO DZMM’S GRAND KAPAMILYA DAY

DZMM GRAND KAPAMILYA ANNIVERSARY DAY

Over 2,000 people flocked to DZMM’s Grand Kapamilya Day held at the San Andres Sports Complex in Malate, Manila last Sunday (July 31), where they were able to avail of free medical and legal consultations, learned from lectures on business, farming, disaster preparedness, and health, and bonded with the anchors and reporters from ABS-CBN’s flagship AM radio station.

Leading the festivities was ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes, who said the event was the perfect way for the station to celebrate its 30th anniversary.

“We wanted to have a celebration that’s going to be about not us, but about the people who have stayed with us for the last 30 years. We thought it best to celebrate by holding a public service event for the people that includes free services like free medicines, check-ups, legal counseling,” Reyes said.

The occasion also marked the blessing of DZMM TeleRadyo’s brand new OB van, which Reyes said will aid the DZMM team in their live coverage.

Each DZMM program, including the Current Affairs programs that air on the station, had special offerings for the people, some of which were lining up even the night before. “Mission Possible” gave out wheelchairs, “My Puhunan” handed out negosyo starter packs, while other programs also provided giveaways. There was Stargazer of “Pinoy Vibes” giving out aura readings, and Dr. Lulu Marquez of “Private Night’s” offering tips to couples for their intimate moments, while “Usapang De Campanilla” assisted Kapamilyas in need of legal help.

“Salamat Dok” and “Magandang Gabi Doc” also offered additional medical services like Ultrasound, ECG, Blood Sugar Testing, Prostate screening, and Hepatitis testing, apart from the free medical and dental check-ups, and free medicines from DZMM TLC and its partner organizations. The event also had a Sunday Market selling of vegetables from the program “Sa Kabukiran” of Ka Doroy Broadcaster of the Year awardee Louie Tabing and from Quezon farmers who are supported by the ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.

There were also lectures in the “Red Alert” booth on emergency preparedness while ABS-CBN TVplus and the ABS-CBN Store also offered affordable packages to the people. In keeping up with health and fitness, the morning was kicked off by a Zumba session with Dyan Castillejo of “Sports U” and Ahwel Paz. The children, meanwhile, enjoyed the storytelling and free food from DZMM-TLC and several sponsors.

Two mothers, meanwhile, emerged as the day’s biggest winners after winning the coveted food carts worth P25,000 each, courtesy of  Dr. Carl Balita of “Radyo Negosyo.” Both promised to use the prize to help their respective families. Meanwhile, attendees who missed out on the prizes still enjoyed a great day thanks to the various services being offered by the booths.

Lahat naman ng booths maganda, andoon yung purpose of enjoyment and service na gusto nila ibigay,” said Avelina Clarin, who was able to get a free diamond peel from the “Ma-Beauty Po Naman” program booth of Cory Quirino.

Don’t miss out on the other events of DZMM as it celebrates its 30th year of giving public service apart from hard-hitting news and commentaries on air for the whole year which was preceded by the launch of the DZMM 30th anniversary logo, a new Station ID featuring Piolo Pascual, and a special segment called Kwento ng Tatlong Dekada that reminisces on some of DZMM’s reports on the biggest issues, scandals, tragedies, and victories in Philippine history. For more information, follow their Facebook page (https://www.facebook.com/dzmmteleradyo) or Twitter (@DZMMTeleRadyo).

-30-

 

DZMM, may bagong OB van

MGA KAPAMILYA, DINUMOG ANG GRAND KAPAMILYA DAY NG DZMM

Dinumog ang Grand Kapamilya Day ng DZMM  ng higit sa dalawang libong Kapamilya noong nakaraang Linggo (Hulyo 31) kung saan nabigyan sila ng libreng medical at legal consultation, natuto sa mga lecture patungkol sa pagnenegosyo, pagbubukid, paghanda sa mga sakuna, at kalusugan, bukod pa sa pakiki-bonding kasama ang mga batikang anchor at reporter ng flagship AM radio station ng ABS-CBN.

Nanguna sa selebrasyon, na ginanap sa San Andres Sports Complex ng Malate, Manila, ang head ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs na si Ging Reyes, na sinabing ang naturang public service event ang perpektong paraan para ipagdiwang ng istasyon ang ika-30 na taon nito.

We wanted to have a celebration that’s going to be about not us, but about the people who have stayed with us for the last 30 years. We thought it best to celebrate by holding a public service event for the people that includes free services like free medicines, check-ups, legal counseling,” sabi ni Reyes.

Minarkahan din ng naturang okasyon ang blessing ng bagong OB van na gagamitin ng DZMM TeleRadyo sa kanilang live coverage.

Kani-kaniyang pakulo ang bawat programa ng DZMM at ang mga Current Affairs shows na umeere sa DZMM. Namahagi ng wheelchair ang “Mission Possible,” namigay ng negosyo starter pack ang “My Puhunan,”  naghatid ng libreng aura reading si Stargazer ng “Pinoy Vibes,” nagpayo sa mga mag-asawa si Dr. Lulu Marquez ng “Private Nights,” habang ang “Usapang De Campanilla” ay tumulong sa mga Kapamilyang may problemang legal. Magkatuwang din ang DZMM, “Salamat Dok,” at “Magandang Gabi Doc” sa paghatid ng iba-ibang medical services, kabilang ang check-up, libreng gamot at bunot ng ngipin, ECG, Blood Sugar Testing, Prostate screening, at Hepatitis testing.

Nagkaroon din ng lingguhang palengke sa tulong ng programang “Sa Kabukiran” ni Ka Doroy Broadcaster of the Year awardee na si Louie Tabing kaakibat ang mga magsasaka ng Quezon na suportado naman ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.

Mayroon ding mga lecture mula sa “Red Alert” booth patungkol sa emergency preparedness habang nagbigay din ng magandang diskwento ang ABS-CBN TVplus at ABS-CBN Store. Bilang panimula, nagpa-Zumba session din si Dyan Castillejo ng “Sports U” at DZMM anchor na si Ahwel Paz. Ang mga kabataan naman ay nag-enjoy sa storytelling at libreng pakain mula sa DZMM-TLC at mga sponsor.

Dalawang ilaw ng tahanan naman ang nag-uwi ng pinaka-aasam ng lahat na food carts mula kay Dr. Carl Balita ng “Radyo Negosyo.” Nangako ang dalawa na pagbubutihin nila at papalaguin ang natanggap na premyong umaabot sa halagang P25,000 bawat isa para matulungan at maitaguyod ang kani-kanilang mga pamilya. Hindi naman umuwi ng luhaan ang iba pang nakalahok sa Grand Kapamilya Day dahil maraming serbisyo ang kanilang mga naranasan sa bawat booth ng mga programa.

“Lahat naman ng booths maganda, andun yung purpose of enjoyment and service na gusto nila ibigay,” sabi ni ginang Avelina Clarin, na nakatanggap ng libreng diamond peel mula sa “Ma-Beauty Po Naman” booth.

Huwag palampasin ang iba pang kaganapan na handog ng DZMM sa pagdiriwang nito ng ika-30 taon sa ere ng pagbibigay ng public service bukod sa mga balita at umaatikabong komentaryo sa buong taon na pinangunahan ng paglulunsad ng bagong DZMM 30th anniversary logo, bagong station ID kasama si Kapamilya star Piolo Pascual, at ang special segments nitong Kwento ng Tatlong Dekada kung saan binabalikan ang mga pinakamalalaking storya, isyu, skandalo, at trahedyang na-cover ng DZMM. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang kanilang Facebook page (https://www.facebook.com/dzmmteleradyo) o Twitter (@DZMMTeleRadyo).

-30-

Comments are closed.