KARLA AND BAYANI’S COMICAL TANDEM RETURNS IN THE THIRD SEASON OF ABS-CBN TVplus’ “FUNNY KA, PARE KO”

Karla Estrada and Bayani Agbayani’s spunky chemistry returns to bring Filipinos more laughter in the third season of the ABS-CBN TVplus sitcom, “Funny Ka, Pare Ko.”

Bayani, Karla, and Igi Boy in a scene in Funny Ka, Pare Ko season 3

The duo who have been playing husband and wife for two seasons now are reminiscent of the iconic comedy couple, Mang Kosme and Aling Ason, portrayed by Dolphy and Nova Villa in “Home Along Da Riles,” but with a modern twist as they tackle life’s hardships with positivity and a knack for business.

When asked how he feels about being compared to these comedy legends, Bayani said, “It’s hard to come close to the standards of Mang Dolphy in comedy. I think if we have any similarities, it would be being wholesome in doing comedy.”

The third season of the first-ever sitcom on Philippine digital TV debuting this Sunday (Jan. 8) on ABS-CBN TVplus’ CineMo, is set “seven years” after the second season. Carla (Karla) and Bigboy (Bayani) have moved up in life and now spearhead business seminars to help budding entrepreneurs after the success of their eatery.

With their busy lives, Bigboy and Carla still strive to guide their son Jay-Ar (Igi Boy Flores) through adolescence as he tries to conquer challenges in his academics and love life in his last year in high school.

“I have three children who are now in their teens and my wife and I are very hands on in raising them. That’s why I know how to help and guide them about school and personal problems,” Bayani added when asked how he can relate to Bigboy in raising a teenager.
Meanwhile, Igi Boy feels proud as the newest addition to the cast.

According to Igi Boy, “It feels so good to be coming back to my first love, which is comedy. It feels great to be part of a new show because you have a new family. Plus, I’m sure I can learn a lot about comedy and acting because there are so many comedians in the show. ‘Funny Ka, Pare Ko’ will surely make more people happy.”
The TomiHo loveteam of Tommy Esguerra (Tom) and Miho Nishida (Neneng) also return in the new season to add more sweetness in the mix.

Staying true to its core as a comedy show, the third season of “Funny Ka, Pare Ko” still features the Komikeros and their different brands of comedy.

In the new season, the Komikeros lives have taken a turn for the better. Nong-Nong (Nonong Ballinan) owns a general merchandise store; the No Direction trio (Steven, Bangkay, and Sadam) run an electronics shop, while Iskubi Duo (Jules and Fitz) have put up a computer shop.

On the other hand, father-and-son duo Diego and Gedent come back to the Philippines after their overseas stint as entertainers and fall prey to an illegal recruiter, forcing them to live back with the Delyons.

Besides the Komikeros, young married couple and Bigboy’s in-laws Dong-Dong (Jayson Gainza) and Pags (Alora Sasam) are going through a seven-year itch. They face everyday challenges of managing their business, while taking care of their daughter Doris, combined with other marital conflicts such as jealousy and insecurities.

“Funny Ka, Pare Ko” in plain sight may be about laughs and gags, but the show also encourages Filipinos with humble lives to dream big.

“All characters in the show this season are involved in business. In fact, entrepreneurship is a main element in the story because ‘Funny Ka, Pare Ko’ aims to encourage ordinary Filipinos that they can advance their livelihood by starting their own business,” Mark Awiten, head of ABS-CBN TVplus’ CineMo said.

He added, “Any Filipino can dream big and provide a better life for their families with determination and a positive outlook in life. This is what ‘Funny Ka, Pare Ko’ is all about.”

CineMo is the all-day movie channel of ABS-CBN TVplus that airs action, comedy, and blockbuster movies. “Funny Ka, Pare Ko” is CineMo’s originally-produced sitcom.

The third season of “Funny Ka, Pare Ko” premieres this Sunday (Jan. 8) on CineMo (channel 3 of ABS-CBN TVplus). It will air regularly every Sunday at 5pm. ABS-CBN TVplus is available in leading appliance stores in Metro Cebu, Cagayan De Oro, Davao City, Iloilo, Bacolod, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, and Cavite.

For more information, visit tvplus.abs-cbn.com or follow CineMo at Facebook.com/CineMoChannel.

-30-

Eere ngayong Linggo

TAMBALANG KARLA AT BAYANI, MAGBABALIK SA SEASON 3 NG “FUNNY KA, PARE KO” NG ABS-CBN TVplus

Bayani Agbayani as Bigboy in Funny Ka Pare Ko

 

Magbabalik ang nakakatawang tambalan nina Karla Estrada at Bayani Agbayani para magbigay muli ng saya sa mga Pilipino sa pangatlong season ng ABS-CBN TVplus sitcom na “Funny Ka, Pare Ko.”

Mistulang Mang Kosme at Aling Ason, ang iconic comedy couple na dating binigyang buhay nina Dolphy at Nova Villa sa “Home Along Da Riles,” sila Karla at Bayani sa kanilang sitcom. Pero makabago ang atake nila Karla at Bayani dahil positibong pananaw na may talento sa negosyo ang paraan ng kanilang mga karakter para malabanan ang mga hamon sa buhay.

Nung tinanong si Bayani sa paghahambing sa comedy legends, ani niya, “Mahirap pong tapatan o makahawig man lamang si Mang Dolphy sa larangan ng comedy. Siguro po kung may similarities man kami, yun pong pagiging wholesome sa pagpapatawa.”

Magsisimula ngayong Linggo (Jan. 8) sa CineMo ng ABS-CBN TVplus ang third season ng pinakaunang sitcom sa Philippine digital TV at magbubukas ang kwento makalipas ang pitong taon mula sa pangalawang season. Sa bagong kabanta, naka angat na sina Carla (Karla) at Bigboy (Bayani) sa estado nila sa buhay at nangunguna sa business seminars para tulungan ang mga gustong sumabak sa negosyo matapos ang tagumpay nila sa kanilang eatery.

Kahit busy na ang mag-asawa, patuloy pa rin ang pag gabay nila Bigboy at Carla kay Jay-Ar (Igi Boy Flores) na ngayon ay binata na at may mga pinagdadaanan sa kanyang pag-aaral at love life bilang senior student sa high school.

“Ako kasi may mga anak na ring teens, bale tatlo na at hands on kaming mag-asawa sa pagpapalaki sa mga bata. Kaya alam na alam ko kung papaano silang tulungan sa problema sa school at sa personal nilang mga problema,” kwento ni Bayani kung paano siya nakaka-relate kay Bigboy.

Samantala, proud naman si Igi Boy bilang bagong miyembro ng “Funny Ka, Pare Ko” family.

Ayon kay Igi Boy, “Sobrang sarap sa feeling kasi babalik ako sa first love ko, comedy. Ang saya lang kasi may bago kang family and ang daming paghuhugutan ng aral tungkol sa comedy at pag-arte dahil maraming komedyante sa show. Maraming tao ang napapasaya ng ‘Funny Ka, Pare Ko.’”

Magbabalik naman ang TomiHo loveteam nina Tommy Esguerra (Tom) at Miho Nishida (Neneng) ngayong season para magdagdag ng tamis ng pag-ibig sa kwento.

Patuloy din magpapasaya ang Komikeros na handog pa rin ang iba’t ibang patawa nila sa mga manonood ng “Funny Ka, Pare Ko.”

Sa bagong season, umangat sa buhay na ang mga Komikeros. May general merchandise store na si Nong-Nong (Nonong Ballinan); nakapagpatayo naman ng electronics shop ang No Direction trio (Steven, Bangkay, at Sadam), habang computer shop business naman ang pinagkakaabalahan ng Iskubi Duo (Jules at Fitz).

Balik Pinas naman ang mag-amang Diego at Gedent matapos silang makipagsapalaran bilang entertainers abroad, pero magiging biktima sila ng illegal recruiter na magiging sanhi para makitira sila muli kasama ang mga Delyon.

Ang in-laws naman ni Bigboy na sina Dong-Dong (Jayson Gainza) at Pags (Alora Sasam) ay may pinagdadaanan bilang mag-asawa. May mga pagsubok silang hinaharap bawat araw sa pagpapatakbo ng negosyo, habang inaalagaan ang kanilang anak na si Doris. May dagdag pang marital conflicts na susubukin ang katatagan ng kanilang pagsasama tulad ng selos at insecurities.

Sa unang tingin, mukhang puro katatawanan lang ang “Funny Ka, Pare Ko,” pero hinihikayat din ng programa ang mga Pilipino na may payak na pamumuhay na mangarap ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.

“Lahat ng karakter sa show ngayong season ay may negosyo. Importanteng element ang entrepreneurship sa kwento dahil layunin ng ‘Funny Ka, Pare Ko’ na hikayatin ang mga Pilipino na kaya nilang mapa-unlad ang kanilang pamumuhay kapag susubukan nila ang magtayo ng sariling negosyo,” ani Mark Awiten, head ng CineMo ng ABS-CBN TVplus.

Dagdag niya, “kahit sinong Pilipino pwedeng mangarap para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Kailangan lang may baon na determinasyon at pairalin ang positibong pananaw sa buhay –ito ang ‘Funny Ka, Pare Ko’.”

Ang CineMo ang all-day movie channel ng ABS-CBN TVplus na handog ang action, comedy, at blockbuster movies. Originally-produced sitcom ng CineMo ang “Funny Ka, Pare Ko.”

Huwag palampasin ang bagong kabanata ng “Funny Ka, Pare Ko” ngayong Linggo (Jan. 8) sa CineMo (channel 3 ng ABS-CBN TVplus) simula 5PM. Mapapanood ito tuwing Linggo, alas-5 ng hapon. Mabibili ang ABS-CBN TVplus sa leading appliance stores sa Metro Cebu, Cagayan De Oro, Davao City, Iloilo, Bacolod, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, at Cavite.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa tvplus.abs-cbn.com at i-follow ang CineMo sa Facebook.com/CineMoChannel.

Comments are closed.