KATHNIEL MAGIC CONTINUES IN “CAN’T HELP FALLING IN LOVE,” SET TO SCREEN IN KEY COUNTRIES WORLDWIDE VIA TFC@THEMOVIES

The wait is finally over as one of the Philippines’ premier love teams KathNiel composed of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, returns to the silver screen in Star Cinema’s upcoming romantic movie entitled “Can’t Help Falling In Love” screening in key countries worldwide via TFC@theMovies.


Directed by box office director Mae Cruz-Alviar and with story and screenplay by Carmi Raymundo and Kristine Gabriel, “Can’t Help Falling In Love” is the follow-up film of Bernardo and Padilla after the mammoth success of “Barcelona: A Love Untold” last year.


Can’t Help Falling In Love” is a lighthearted and heartwarming romance that is centered on Gab dela Cuesta (Bernardo) – a high-strung career woman who is engaged with her longtime boyfriend. Gab’s well-planed life gets upside down when she discovers that she is already married with a total stranger in the person of happy-go-lucky trip leader Dos Gonzales (Padilla).


The real conflict begins as Gab and Dos figure out how they ended up as a married couple. In the process, Gab starts breaking her own rules to survive their confusing situation and she finds herself falling for Dos.

 

It should be noted that “Can’t Help Falling In Love” marks the 6th year of Padilla and Bernardo as one of the country’s premier love team. Through the years, the mettle of KathNiel has been solidified by a consistent string of well-received performances both on television and in film; a continuous flow of covers in high profile magazines; a constant stream of product endorsements; and ultimately a steady record of critical and box-office success in the big screen; making Padilla and Bernardo two of the most influential role models amongst young Filipinos.
The entire nation has been a witness to how the love team of Bernardo and Padilla blossomed. Now that their countless fans are deeply invested in their amazing tandem, it is a welcome surprise that KathNiel is entering the next level as they give life to an exciting new material in “Can’t Help Falling In Love” as Dos and Gab, solidifying their successful partnership as artists.

 

Witness how two opposites meet unexpectedly and see how their worlds collide. Will destiny take them to where their hearts should be? Find out if Gab will choose a well-planed life with her longtime partner or if she will take the leap of faith with Dos, who is a perfect stranger in her life.

 

Can’t Help Falling In Love also stars Matteo Guidicelli with an amazing supporting cast headed by Cherry Pie Picache, Lito Pimentel, Lotlot De Leon, Dennis Padilla, and Joross Gamboa, with Janus Del Prado, Kristel Fulgar, Pinky Amador, Johnny Revilla, Hannah Ledesma, Devon Seron, Chienna Filomeno, Earl Ignacio, Nina Dolino, Belle Mariano, and Clarence Delgado.

 

Catch “Can’t Help Falling In Love” in United Arab Emirates (UAE), Qatar, Bahrain and Oman on April 20; US and Canada on April 21; United Kingdom from April 22 to 23; Vienna, Austria on April 22; Rome and Milan, Italy on April 23; Madrid and Barcelona Spain on April 23; Australia on April 27 and New Zealand on May 4; Papua New Guinea on April 27; Saipan on April 28; and Taiwan on May 14 and coming soon in more countries.
  

For the first time in Middle East, “Can’t Help Falling In Love” will also have an advanced screening on April 19, 8 p.m. at Novo Cinema Festival City, in partnership with Gulf Film.

For more updates about the film, visit www.tfc-usa.com; www.tfc-ca.com or emea.kapamilya.com or visit the TFC Facebook page applicable for your area.   Connect with fellow global Kapamilyas, and follow @KapamilyaTFC on Twitter and Instagram.

###

KathNiel balik-pelikula sa “Can’t Help Falling In Love” na mapapanood via TFC@theMovies
On and off-screen chemistry ng isa sa premier loveteams, muling matutunghayan sa rom-com na mapapanood sa North America, Europe, Middle East at iba pang bahagi ng Asia sumula April 19

Matapos ang paghihintay ng kanilang fans,  muling nagbabalik sa big screen ang isa sa premier loveteam ng bansa na KathNiel na binubuo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa nalalapit na romantic movie ng Star Cinema na pinamagatang “Can’t Help Falling In Love” na mapapanood sa key countries worldwide via TFC@theMovies simula April 19.

 

Sa ilalim ng direksyon ng box-office direktor na si Mae Cruz-Alviar at sa panulat nina Carmi Raymundo at Kristine Gabriel, ang “Can’t Help Falling In Love” ay ang sumunod na pelikula nina Padilla at Bernardo matapos ang higanteng tagumpay ng “Barcelona: A Love Untold,” na ipinalabas noong nakaraang taon.

 

Ang “Can’t Help Falling In Love” ay isang lighthearted at heartwarming romance na nakasentro kay Gab dela Cuesta (Bernardo) –– isang high-strung career woman na engaged sa kaniyang longtime na boyfriend. Ang planadong buhay ni Gab ay magugulo nang bigla niyang madiskubre na siya ay kasal na pala sa isang ‘di niya kilalang lalake sa katauhan ng happy-go-lucky trip leader na si Dos Gonzales (Padilla).

 

Magsisimulang maging komplikado ang lahat habang inaalam nina Gab at Dos kung paano sila naging mag-asawa. Pero habang inaalam ito, lalabagin ni Gab ang sarili niyang mga patakaran sa buhay upang malagpasan niya ang nakakalito nilang sitwasyon, at makikita ang sarili na unti-unting mahuhulog ang puso niya kay Dos.

 

Minamarkahan ng “Can’t Help Falling In Love” ang ika anim na taon nina Padilla at Bernardo bilang isa sa premier loveteam sa industriya. Sa paglipas ng panahon, lalong lumakas ang KathNiel dahil sa kanilang walang patid na mga paganap sa telebisyon at pelikula na talaga namang tinangkilik ng lahat, sunod-sunod na covers sa mga profile na magasin, walang katapusang product endorsements, at siyempre pa, isang steady record ng critical at box-office success sa big screen. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit sina Padilla at Bernardo ay dalawa sa pinaka-impluwensyal na role models ng kanilang henerasyon.

 

Saksi ang buong bansa kung paano nagsimula ang love team nina Padilla at Bernardo. Ngayon, malalim na ang pagmamahal sa kanila ng kanilang ‘di mabilang na mga tagahanga, kaya isang magandang sorpresa na papasok na ang KathNiel sa susunod na kabanata ng kanilang career sa pamamagitan ng isang bagong materyal, ang “Can’t Help Falling In Love,” bilang sina Dos at Gab. Lalo patitibayin ng pelikulang ito ang matagumpay nilang tambalan bilang mga alagad ng sining.

 

Tunghayan kung papaanong magkakakilala ang dalawang taong magkaibang magkaiba sa isa’t-isa, at panoorin kung paano magsasalpukan ang kanilang mga mundo. Dadalhin nga ba sila ng tadhana kung saan dapat nandoon ang kanilang mga puso? Alamin kung ang pipiliin ni Gab ay isang buhay na planado kasama ang kaniyang matagal nang kasintahan o kung makikipagsapalaran siya kay Dos, na kakapasok lamang sa kaniyang buhay.

 

Tampok din sa “Can’t Help Falling In Love” si Matteo Guidicelli at ang magagaling na supporting cast na pinangungunahan nina Cherry Pie Picache, Lito Pimentel, Lotlot De Leon, Dennis Padilla, at Joross Gamboa. Kasama rin sina Janus Del Prado, Kristel Fulgar, Pinky Amador, Johnny Revilla, Hannah Ledesma, Devon Seron, Chienna Filomeno, Earl Ignacio, Nina Dolino, Belle Mariano, at Clarence Delgado.
Mapapanood ang “Can’t Help Falling In Love” sa United Arab Emirates (UAE), Qatar, Bahrain at Oman sa April 20; U.S. at Canada sa April 21; United Kingdom mula April 22 hanggang 23; Vienna, Austria sa April 22; Rome at Milan, Italy sa April 23; Madrid at Barcelona Spain sa April 23; Australia sa April 27 at New Zealand sa May 4; Papua New Guinea sa April 27; Saipan sa April 28; Taiwan sa May 14 at coming soon sa iba pang bansa.
Mapabilang sa mga unang makakapanood ng “Can’t Help Falling In Love” sa Middle East sa pamamagitan ng advance screening ng pelikula sa April 19, 8 p.m. sa Novo Cinema Festival City, in partnership with Gulf Film.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pelikula, bisitahin ang tfc-usa.com; www.tfc-ca.com o emea.kapamilya.com

Maaari ring bisitahin ang TFC Facebook page na applicable sa inyong area.
Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas, at i-follow ang @KapamilyaTFC sa Twitter at Instagram.

Comments are closed.