“KID KULAFU” MAKES ITS MARK ON CINEMA ONE THIS SUNDAY

The young Manny Pacquiao’s inspiring story

After Manny Pacquiao’s heartbreaking loss to Australian boxer Jeff Horn in the “Battle of Brisbane” last weekend, it’s time to relive the Pinoy champ’s struggles before all the fame, the main events and championships, and be inspired with his humble beginnings in the premiere of his biographical sports drama “Kid Kulafu” on Cinema One this Sunday (July 9).

“Kid Kulafu” traces the eight-division world champion’s early years—back when he was known with a moniker alluding to a local liquor brand.

Buboy Villar portrays young Emmanuel “Manny” Pacquiao, living a hand-to-mouth existence trying to survive from one day to the next. When he discovers his natural talent for boxing, he embarks on a brutal and intense journey that takes him from the amateur circuits in the mountain provinces to the slums of the big city. He must risk everything to become a champion – for himself, his family, and his country.

The film’s cast also include veteran stars Cesar Montano and Alessandra De Rossi, 2012 Cinema One Originals Best Actor Awardee Alex Medina, and 2017 Gawad Urian Best Actor nominee Khalil Ramos. It was produced and released by Star Cinema and Ten17 Productions, and directed by Paul Soriano.

Cinema One is the leading cable channel in the Philippines. Its programming includes a line-up of mainstream and independent local and foreign films, film related programming, and original content for television.

Get to know one of the world’s greatest boxers in “Kid Kulafu” on Cinema One’s “Blockbuster Sundays” this Sunday (July 9) at 8PM. Cinema One is available on SkyCable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

-30-

Untold story ni Manny Pacquiao, magbibigay inspirasyon

KID KULAFU,” MAGMAMARKA SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

 

Pagkatapos ng hindi inaasahang pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Jeff Horn sa “Battle of Brisbane” nitong nakaraang linggo, muling buhayin ang kwento ng pagsisikap ng nag-iisang Pinoy champ bago pa man siya maging isang sikat na boksingero sa biographical sports drama na “Kid Kulafu” sa kauna-unahang pag-ere nito sa Cinema One ngayong Linggo (Hulyo 9).

Tampok sa “Kid Kulafu” ang paglalakbay ng eight-division world champion noong mas kilala pa ito sa pangalang nagmula sa isang local liquor brand.

Abangan si Buboy Villar bilang Emmanuel “Manny” Pacquiao, ang simpleng batang nagsusumikap upang mabuhay at matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya kada araw. Ngunit nang matuklasan ang kanyang natural na talento sa pagbo-boksing, makikipagsapalaran ito mula sa kanyang tahimik na buhay-probinsya tungo sa Maynila. Para sa kanyang pangarap, haharapin niya ang lahat para sa sarili, pamilya, at bansa.

Kabilang rin sa pelikulang ito ang mga magagaling na aktor na sina Cesar Montano at Alessandra de Rossi, ang 2012 Cinema Originals Best Actor Awardee na si Alex Medina, at 2017 Gawad Urian Best Actor nominee na si Khalil Ramos.

Ang “Kid Kulafu” ay ipinrodus ng Star Cinema at ng Ten17 Productions at sumailalim sa direksyon ni Paul Soriano.

Ang Cinema One ang nangungunang cable channel sa bansa. Kasama sa programming nito ang mainstream at independent local at  foreign films, film related programming, at orihinal na content para sa telebisyon.

Kilalanin ang isa sa mga pinakamagaling na boksingero sa “Kid Kulafu” sa “Blockbuster Sundays” ng Cinema One ngayong Linggo (Hulyo 9), 8 ng gabi.  Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

-30-

Comments are closed.