KIM AND XIAN SET TO MAKE SPARKS FLY ON GRAND FANS DAY THIS SUNDAY

XIAN LIM AND KIM CHIU

 

Kapamilya royalty Kim Chiu and Xian Lim are ready to thrill their legion of fans for their grand fans day this Sunday (August 23) at SM San Mateo to celebrate the cable TV premieres of their top-rating teleserye, “Ina, Kapatid, Anak” and “Past Tense” on Jeepney TV and Cinema One.

Popularly known together as KimXi, one of the hottest love teams of this generation, Kim and Xian will spread the love and entertain their loyal fans beginning at 4PM. KimXi’s reunion is in line with the cable TV premieres of “Ina, Kapatid, Anak” on Jeepney TV ang the airing of their Star Cinema movie, “Past Tense” on Cinema One this September 27.

In 2012, “Ina, Kapatid, Anak,” which also stars Maja Salvador and Enchong Dee was one of the top-rating teleseryes in ABS-CBN’s primetime bida block. “Ina, Kapatid, Anak” airs on Jeepney TV every Monday to Friday, 7PM.

Meanwhile, “Past Tense” is the romantic comedy film of Kim and Xian last year which also stars comedy queen Ai Ai delas Alas.

Jeepney TV is the home of timeless TV shows close to the hearts of the Filipino TV audience,encompassing various TV eras and genres, making it one of its kind in the cable sphere. It belongs to the family of cable channels under Creative Programs, Inc. (CPI), a subsidiary of ABS-CBN.

For more details, visit the official Facebook pages of Jeepney TV (facebook.com/Jeepney TV) and Cinema One (facebook.com/Cinema1channel). Jeepney TV is available on SkyCable Channel 9 and Destiny Cable Analog 41 and Digital 9. Meanwhile, Cinema One is available in SkyCable Channel 56 and Destiny Cable Analog 37 and Digital 57.

-30-

KIM AT XIAN, MAGPAPAKILIG SA MADLANG PIPOL SA GRAND FANS DAY

Isang engrandeng grand fans day ang handog ng Jeepney TV at Cinema One tampok ang tambalang KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim para sa cable TV premieres ng kanilang top-rating telserye na “Ina, Kapatid, Anak” at “Past Tense”  ngayong Linggo (Agosto 23) sa SM San Mateo.

Magpapakilig muli ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim, na isa pa rin sa mga hottest love teams ng bagong henerasyon simula alas-4 ng hapon sa kanilang mga fans para sa pasabog na cable TV premieres ng “Ina, Kapatid, Anak” sa Jeepney TV at ang pag-ere ng kanilang Star Cinema film na “Past Tense” sa Cinema One sa Setyembre 27.

Matatandaang ang “Ina, Kapatid, Anak” ang isa sa mga tinutukang teleserye noong 2012. Maliban kina Kim Chiu at Xian Lim, bida rin dito sina Maja Salvador at Enchong Dee. Ang “Ina, Kapatid, Anak” ay umeere sa Jeepney TV tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7PM.

Samantala, ang “Past Tense” naman na pinagbidahan nina Kim at Xian noong nakaraang taon ay isang romantic-comedy movie kasama ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas.

Ang Jeepney TV ang tahanan ng timeless TV shows na malapit sa mga puso ng mga Pilipino. Layunin nito na magbigay sa cable TV viewers ng kakaibang TV viewing experience sa pamamagitan ng pag-ere ng classic TV shows mula sa iba’t ibang TV eras. Isa ang Jeepney TV sa cable channels ng Creative Programs, Inc. (CPI), isang subsidiary ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, pumunta sa official Facebook pages ng Jeepney TV (facebook.com/Jeepney TV) at ng Cinema One (facebook.com/Cinema1channel). Ang Jeepney TV ay napapanood sa SkyCable Channel 9 at Destiny Cable Analog 41 and Digital 9. Samantala, sa SkyCable Channel 56 at Destiny Cable Analog 37 at Digital 57 napapanood ang Cinema One.

-30-

 

 

 

 

Comments are closed.