KIM ATIENZA EXPLORES PALAWAN’S ‘LITTLE AFRICA’ ON “MATANGLAWIN”

The 9th anniversary countdown of “Matanglawin” reaches its climax with host Kim Atienza ready to take viewers to an exciting adventure to  Busuanga, Palawan’s “Little Africa,” this Sunday (March 26), at 10am. Busuanga is home to more than hundreds of animals that roam in the 3,760-hectare Calauit Safari Park. Aside from the endemic calamian deers, there are animals that would make you feel as if you were in Kenya: from gazelles to bushbucks to zebras and giraffes! Join Kuya Kim as he gets up close and personal with these “giants” standing close to 20 feet tall, and find out how the animals have acclimatized to survive and flourish in the Philippines. “Matanglawin” has been a fun source of information and amusement for Filipino children and the young-at-heart in the past nine years as viewers are able to explore nature and science, discover new tricks and trivia, and experience different cultures and traditions through the adventures of Kuya Kim. “Matanglawin” airs every Sunday, 10am on ABS-CBN and ABS-CBN HD. You can also watch online via iwantv.com.ph and skyondemand.com.ph. For updates on the program, follow @MatanglawinTV on Facebook and Twitter.

-30-

KIM ATIENZA, TUTUKLASIN ANG ‘LITTLE AFRICA’ NG PALAWAN SA “MATANGLAWIN.”  Sa pagtatapos ng countdown sa ika-siyam na anibersaryo ng “Matanglawin,” dadalhin ni Kuya Kim Atienza ang mga manonood sa tinaguriang “Little Africa” ng Pilipinas sa Busuanga, Palawan ngayong Linggo (Marso 26) ng 10am. Saksihan ang natatanging kagandahan ng Calauit Safari Park, kung saan daan-daang hayop ang nakatira.  Bukod pa sa mga calamian deers  na dito lamang makikita sa Pilipinas, may mga hayop din na tila magdadala sayo sa Kenya, tulad ng mga gazelle, bushbucks, zebra at giraffes! Samahan si Kuya Kim sa pagtuklas sa mga higanteng ito na umaabot hanggang 20 feet ang taas at alamin kung paano nakakayanan ng mga ito ang naiibang topograpiya at klima sa Pilipinas.  Siyam na taon nang kasama ng mga batang Pilipino si Kuya Kim sa pag-explore sa mga bagay sa kalikasan at siyensya sa “Matanglawin.” Sari-sari rin ang natututunan nila sa mga trivia na ibinibigay ni Kuya Kim sa kanyang bawat byahe at adventure. Huwag palampasin ang “Matanglawin”ngayong Linggo (Marso 26), 10am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood din online sa iwantv.com.ph at skyondemand.com.ph. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter.

 

-30-

Comments are closed.