Korean thrillers ipapalabas sa SKY Critics’ Choice Pay-Per-View

May aabangang mga sikat na Korean thrillers ang mga SKYdirect subscribers dahil ipapalabas ang “The Handmaiden” at “The Treacherous” sa SKY Critics’ Choice Pay-Per-View hanggang Pebrero 16.

Sa pelikulang “The Handmaiden,” isang mandurukot si Sook-hee na naatasan ng isang Count Fujiwara na mamasukan bilang ”handmaiden” para kay Uncle Kouzuki, isang mayamang book collector at ang kanyang pamangkin at erederang si Lady Hideko. Ngunit may madilim na layunin si Sook-hee–ang hikayatin si Lady Hideko na talikuran ang kanyang mana. Sa di inaasahang pangyayari, mahuhulog ang loob ni Sook-hee sa kaniyang target na si Lady Hideko.

Ang kuwentong ito ng pagmamahalan at pagtataksil ay unang pinalabas sa 2016 Cannes Film Festival, kung saan ito ay lumaban para sa premyong Palme d’Or, ang pinakamataas na parangal sa patimpalak. Kumita ng mahigit sa $37 milyon ang pelikulang ito mula sa buong mundo.

Samantala, tungkol naman ang “The Treacherous” sa Joseon dynasty ng Korea nung ito’y pinamumunuan ng malupit na emperador Yeonsan. Ipinakita sa pelikula kung paano nagplano ang isang ministro na patibayin ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan pambubugaw ng 10,000 babaeng dinakip mula sa buong Korea sa hari.

Mabibighani siya ng isang misteryosong babae na kusang sumama sa programa, subalit posibleng may iba pang rason ang babae maliban sa pagpapasaya sa emperador.

Isang hit ang “The Treacherous” sa Korea, kung saan naparangalan ang bidang aktres nito sa 36th Blue Dragon Film Awards, isa sa mga pinakasikat na film awards sa bansa.

R-18 ang dalawang pelikula na ipapalabas ng buong-buo at naka-dub sa Filipino sa Channel 46.

Available ito sa prepaid at postpaid subscribers ng SKYdirect sa halagang P99 na may seven-day access.

Maaaring mag-text ang prepaid subscribers ng PPV HANDMAIDEN <BOX ID> sa 23667 gamit ang ABS-CBNmobile, Globe Prepaid, o TM load, habang ang mga postpaid subscribers naman ay puedeng mag-text ng SKY sa 23668.

Tumawag sa 418-0000 o sa SKY office sa lugar para sa dagdag na impormasyon, o bumisita sa www.mysky.com.ph.

 

KOREAN PSYCHOLOGICAL THRILLERS AVAILABLE ON SKY CRITICS’ CHOICE PAY-PER-VIEW

SKYdirect subscribers who are fans of Korean movies have a chance to catch the critically acclaimed and popular Korean erotic psychological thrillers “The Handmaiden” and “The Treacherous,” when they are shown on SKY Critics’ Choice Pay-Per-View until February 16.

“The Handmaiden” from director Park Chan-wook tells the story of Sook-hee, a young woman hired to befriend Hideko, a Japanese heiress, to convince her to give up her inheritance. But Sook-hee ends up falling in love with her target. This story of love and deception premiered at the 2016 Cannes Film Festival where it competed for the Palme d’Or, the festival’s highest award. The movie grossed over $37 million worldwide.

Meanwhile, “The Treacherous” is another period film about the Joseon dynasty during the reign of the mad emperor Yeonsan. The movie shows how one of King Yeonsan’s ministers plotted to strengthen his power over the king by abducting 10,000 women all over Korea to fulfill his majesty’s desires.

He falls in love with a woman who volunteers for the program, but who may have a different reason other than pleasing the king. This was a big hit in Korea and earned its lead actress an award at the 36th Blue Dragon Film Awards, one of the most popular film awards in Korea.

Both movies are R-18 and will air uncut and dubbed in Filipino on Channel 46.

It is available to both prepaid and postpaid subscribers of SKYdirect for P99 with seven-day access.

Prepaid subscribers can text  PPV HANDMAIDEN <BOX ID> to 23667 using ABS-CBNmobile, Globe Prepaid, or TM load, while postpaid subscribers can text SKY to 23668.

Call 418-0000 or the local SKY office in the area for more information, or visit www.mysky.com.ph.

Comments are closed.