KUYA KIM AND TEDDY LEARN HOW TO BE A GENIUS IN “MATANGLAWIN”

Ever wondered how you can follow the footsteps of Albert Einstein, Leonardo da Vinci, or Pablo Picasso?

Kim Atienza and guest host Teddy Corpuz, who will play as aspiring genius Dr. Frank Einstein, join the ranks of genius kids and talented animals to know the secrets behind their brain power this Sunday (June 3) in “Matanglawin.” He will introduce you to Bagwis, an aspin that will amaze you with its math skills, alongside other talented animals like a cockatoo that can bike.

Kim takes a peek inside the Mind Museum and checks out a giant brain to know how it works and maybe get a few clues on how people can use it to its full potential. Is it true that sleeping on books will help you memorize? Will listening to classical music make people smarter?

“Matanglawin” is part of ABS-CBN “Bida Best Kid” campaign launched recently that aims to empower children by encouraging them to become who they want to be and the best that they can be. It doesn’t only entertain and educate its young viewers with its values-oriented, child-friendly programs, but supports their dreams and aspirations as well.

Don’t miss another exciting episode of multi-awarded educational program, “Matanglawin,” this Sunday (June 3), 9:15 AM, on ABS-CBN.

-30-

KUYA KIM AT TEDDY, MAGPAPAKA-GENIUS SA “MATANGLAWIN”

Paano nga ba maging isang henyo tulad nina Alberty Einstein, Leonardo Da Vinci, o Pablo Picasso?

Susubukang magpakahenyo ni Kuya Kim at Teddy Corpuz bilang si Dr. Frank Einstein ngayong Linggo (June 3) sa kanilang pagtuklas sa kakayahan ng utak ng tao sa “Matanglawin.”

Papasukin ni Kuya Kim ang isang higanteng utak sa Mind Museum at alamin kung paano ito gumagana. Totoo bang nakakatulong sa pag-memorya ang paglagay ng libro sa ilalim ng unan kapag natutulog?  Pamptalino ba ang mani? Tatalino ba ang mga sanggol na pinakinig ng classical music?

Habang mapangahas na tumutuklas ng kaalaman si Kuya Kim, susubukan naman ni Teddy ang kanyang husay dahil hahamunin niya sa geography at flag-recognition contest ang anim na taong gulang na si Antoine Lagrisa na may IQ na 131.

Samantala, makikilala rin ngayong Linggo si Bagwis, isang aspin na may angking kakayahan sa math at nariyan din ang iba pang talentadong hayop tulad ng isang cockatoo na marunong magbike.

Ang “Matanglawin” ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na “Bida Best Kid” na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga pogramang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging “da best” sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Sumama na sa adventure ni Kuya Kim at Teddy sa “Matanglawin” ngayong Linggo (June 3), 9:15 AM sa ABS-CBN.

-30-

Comments are closed.