KZ TANDINGAN MAKES HEADWAY FOR NEW ALBUM

One of today’s hottest and most versatile singers, Soul Supreme KZ Tandingan, is back in recording and is now launching her highly anticipated second album “Soul Supremacy” under Star Music.

 

This new song compilation follows the success of KZ’s recent milestone – the first digital concert of the gifted artist which was also called “Soul Supremacy” held last April 23.

 

The “ASAP” Soul Sessionista’s new album features 11 songs with three additional tracks as bonus for her fans who have been eagerly waiting for her latest offering.

 

Just like in her debut compilation, the OPM soul singer has ventured into songwriting for this new album. She wrote and composed the song “Halik Na Lang” and also wrote the lyrics for the “Intro Lude” song.

Other songs in this much-awaited album of “The X Factor Philippines” season 1 winner are “Labo” by Jungee Marcelo, “Nag-iisa Na Naman” by Kiko Salazar, “Dapithapon” by Rox Santos and “Imposible” by Gabriel Tagadtad.

 

Also part of this collection are the tracks “Afraid” by KidWolf, “With You” by Shorya Sharma, “Siya’y Darating” by Edwin Marollano, “Sayang” by Arlen Mandangan and “Sa AKing Mga Kamay” by Aristotle Pollisco.

 

The album’s additional tracks include “Sayo” which is the Tagalog version of “With You” written by Jonathan Manalo and the hit song “Mahal Ko o Mahal Ako” with words and music from Edwin Marollano, winner of “Himig Handog PPop Love Songs 2014.”

 

Completing the bonus tracks is the song “Ikaw at Ako Pa Rin,” the “We Love OPM” mentor’s duet with her boyfriend, singer-songwriter TJ Monterde, courtesy of Polyeast Records.

 

Malou Santos and Roxy Liquigan are the executive producers of the “Soul Supremacy” album and Jonathan Manalo serves as the over-all album producer.

 

KZ’s sophomore album is out now in all digital stores worldwide. The album will soon be available at all record bars nationwide for only P250.

For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

-30-

KZ TANDINGAN, HIGIT PANG SUSULONG SA KANYANG BAGONG ALBUM

Isa sa pinakamainit at most versatile singer ngayon, ang Soul Supreme na si KZ Tandingan, ay nagbabalik recording para sa kanyang pinakahihintay na pangalawang album, ang “Soul Supremacy” mula sa Star Music.

 

Sinusundan ng bagong compilation na ito ang tagumpay ng kanyang recent milestone – ang kanyang unang digital concert na may parehong titulo na “Soul Supremacy” na ginanap noong April 23.

 

Mayroong labing-isang bagong awitin sa album na ito at tatlong bonus tracks bilang surpresa sa mga fans na sabik na naghihintay sa latest offering ng “ASAP” Soul Sessionista.

 

Tulad sa kanyang unang album, ang OPM soul singer ay sumulat din ng mga awitin dito. Sinulat nya ang kantang “Intro Lude,” at siya rin ang songwriter ng awitin na “Halik Na Lang” na nilapatan niya rin ng musika.

Ilan pa sa mga awitin dito ng “The X Factor Philippines” season 1 winner ay ang “Labo” mula kay Jungee Marcelo, “Nag-iisa Na Naman” ni Kiko Salazar, “Dapithapon” ni Rox Santos at “Imposible” mula naman kay Gabriel Tagadtad.

 

Ang mga tracks na “Afraid” ni KidWolf, “With You” ni Shorya Sharma, “Siya’y Darating” mula kay Edwin Marollano, “Sayang” ni Arlen Mandangan at “Sa AKing Mga Kamay” ni Aristotle Pollisco ay bahagi rin ng bagong album.

 

Kabilang sa bonus tracks ang kantang “Sayo,” ang Tagalog version ng “With You” na isinulat ni Jonathan Manalo at ang hit song na “Mahal Ko o Mahal Ako” mula naman kay Edwin Marollano na siyang nagwagi sa “Himig Handog PPop Love Songs 2014.”

 

Mapapakinggan din sa album ang bonus track na “Ikaw at Ako Pa Rin” mula sa Polyeast Records. Ito ang duet ni KZ at ng kanyang boyfriend, ang singer-songwriter na si TJ Monterde.

 

Ang “Soul Supremacy” ay iprinodyus nina Malou Santos at Roxy Liquigan kasama si Jonathan Manalo bilang over-all album producer.

 

Ito ay mabibili na sa lahat ng digital stores nationwide. Malapit na rin itong mabili sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P250.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

-30-

Comments are closed.