LANI MISALUCHA SINGS DZMM’S 2014 CHRISTMAS STATION ID THEME SONG

Lani Misalucha --- DZMM 2014 Christmas station ID

DZMM shows gratitude to inspiring Filipinos and pays tribute to their compassion for each other in its newest Christmas station ID that features Asia’s Nightingale Lani Misalucha. It will be launched on Monday (November 24).

“It’s always a great privilege for me to be singing a song for a radio station like DZMM. The greatness of an individual starts from being grateful. In line with the message of the song, for me, whether good or bad things come your way, you should always be grateful,” said Lani.

Knowing that gratitude is the best gift one can give during the holiday season, DZMM personalities are shown in the station ID thanking people who inspire them. These anchors include Noli De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Anthony Taberna, Bernadette Sembrano, Winnie Cordero, Ariel Ureta, Amy Perez, Atom Araullo, Jun ‘Dr. Love’ Banaag, Cory Quirino, Nina Corpuz, May Valle-Ceniza, Fr. Nono Alfonso, Fr. Ben San Luis, Ricky Rosales, Marisciel Yao, Neil Badion, Dra. Luisa Puyat, Ilsa Reyes, Fatima Soriano, Sr. Bubbles Bandojo, Gretchen Fullido, Ahwel Paz, Ambet Nabus, MJ Felipe, DJ Chacha, Norma Marco, Radyo Patrol Reporters, DZMM Traffic Angels, and Stargazer.

They share their stories of appreciation and say thank you to unsung heroes and ordinary people who serve others, such as the volunteer doctors and nurses for “DZMM Teaching, Learning, Caring,” teachers, housemaids, soldiers and police officers, farmers, overseas Filipino workers, chefs and waiters, traffic enforcers, drivers, and Filipino athletes.

DZMM also treats its listeners and viewers via its “Radyo sa Beinte Otso” promo that will give away transistor radios. Join the promo by either tuning in to DZMM or being on the lookout for DZMM Traffic Angels in Metro Manila.

Mega Manila’s number one AM radio station also gives an early Christmas present to 75 kids from Antipolo Indigenous Tribe and San Jose Del Monte, Bulacan by bringing them to Enchanted Kingdom for a whole day of fun, surprises, and presents.

Three hundred fifty pregnant women from San Pablo City, Laguna and nearby towns, meanwhile, benefited from DZMM’s Buntis Congress that was conducted last month with partners Department of Health, National Nutrition Council, Midwives Foundation of the Philippines, and Population Commission.

DZMM’s Christmas station ID theme song was written by Lloyd Oliver Corpuz and composed by Raizo Chabeldin. It was created by ABS-CBN Creative Communications Management headed by Robert Labayen, Christina Barbin, and Miriam Anaten-Ramos.  The station ID was directed by Paolo Ramos and Peewee Gonzales. It was done under the supervision of ABS-CBN Integrated News head Ging Reyes and DZMM station manager Marah Faner-Capuyan, with copywriter-producers Shally Tablada and Steph Angeles. Other members are technical production head Jaime Porca, technical assistant Darwin Duenas, the post production team composed of Dennie Amarille, Con Ignacio, Oliver Paler, Gewel Bautista, and  Karlo Victoriano, and sound engineer Paolo Ordono.

For the latest news and commentary, tune in to DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, the number one AM radio station in Mega Manila, DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), or via online livestreaming ondzmm.com.ph. For updates, follow @DZMMTeleradyo on Twitter or like www.facebook.com/DZMMTeleRadyo.

Lani Misalucha --- DZMM 2014 Christmas station ID 2

LANI MISALUCHA, TAMPOK SA CHRISTMAS STATION ID NG PASASALAMAT NG DZMM

Nagbibigay-pugay at pasasalamat ang DZMM sa pagmamalasakit ng mga Pilipino sa isa’t isa sa pamamagitan ng pinakabago nitong Christmas station ID tampok ang nag-iisang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na ilulunsad na sa Lunes (Nobyembre 24).

“Isang malaking karangalan talaga ang kumanta ng isang jingle para sa isang radio station gaya ng DZMM. Ang pagiging mabuti ng isang tao ay nagsisimula sa pagtanaw ng utang na loob. Sa mensahe ng kanta, para sa akin, kahit maganda o masama man ang mga bagay na dumating sa iyo, dapat maging grateful ka pa rin,” ani Lani.

Sa nasabing station ID, matutunghayan ang mga personalidad ng DZMM at ang kanilang iba’t ibang kwento ng pasasalamat para sa mga taong nagbibigay sa kanila ng inspirasyon. Kabilang na sa anchors na ito sina Noli De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Anthony Taberna, Bernadette Sembrano, Winnie Cordero, Ariel Ureta, Amy Perez, Atom Araullo, Jun ‘Dr. Love’ Banaag, Cory Quirino, Nina Corpuz, May Valle-Ceniza, Fr. Nono Alfonso, Fr. Ben San Luis, Ricky Rosales, Marisciel Yao, Neil Badion, Dra. Luisa Puyat, Ilsa Reyes, Fatima Soriano, Sr. Bubbles Bandojo, Gretchen Fullido, Ahwel Paz, Ambet Nabus, MJ Felipe, DJ Chacha, Norma Marco, Radyo Patrol Reporters, DZMM Traffic Angels, at Stargazer.

Ilan lamang sa mga ordinaryong Pilipino na binigyan ng regalo ng pasasalamat sa station ID ay mga tao walang sawa ring naghahatid ng serbisyo sa publiko, kabilang na ang mga volunteer na doktor at nurse sa “DZMM Teaching, Learning, Caring,” mga guro, kasambahay, sundalo at pulis, magsasaka, overseas Filipino worker, chef at waiter, traffic enforcer, tsuper, at atletang Pinoy.

Sa pamamagitan naman ng promo na “Radyo sa Beinte Otso,” tuloy-tuloy rin ang pagpapasaya ng DZMM para sa mga tagapakinig at manonood nito sa papalapit na Kapaskuhan. Manatiling nakatutok sa DZMM para makakuha ng premyong transistor radio na maaring mapanalunan sa pamamagitan ng pagtetext habang nakikinig o pag-abang sa DZMM Traffic Angels sa kanilang pagroronda sa buong Metro Manila.

Maagang pamasko din ang ihahandog ng DZMM para sa 75 na bata mula sa Antipolo Indigenous Tribe at San Jose Del Monte, Bulacan na dadalhin nito sa Enchanted Kingdom para sa isang araw na puno ng kasiyahan. May ihahandang regalo sa kanila ang DZMM kabilang na ang meet and greet sa mga mascot ng Enchanted Kingdom at salu-salo.

Noong nakaraang buwan, nabigyan naman ng kaalaman ukol sa pagbubuntis ang 350 na nagdadalang taong kababaihan sa San Pablo City, Laguna at kalapit na mga lugar sa DZMM Buntis Congress na isinagawa sa tulong ng mga partner ng himpilan na Department of Health, National Nutrition Council, Midwives Foundation of the Philippines, at Population Commission.

Ang Christmas station ID theme song ng DZMM ay sinulat ni Lloyd Oliver Corpuz at nilapatan ng musika ni Raizo Chabeldin. Nilikha ito ng ABS-CBN Creative Communications Management sa pangunguna nina Robert Labayen, Christina Barbin, at Miriam Anaten-Ramos. Ito ay sa direksyon nina Paolo Ramos at Peewee Gonzales. Ginawa ito sa ilalim ng pangangasiwa ng ABS-CBN Integrated News head na si Ging Reyes at DZMM station manager na si Marah Faner-Capuyan, kasama ang copywriter-producers na sina Shally Tablada at Steph Angeles. Kabilang din ang technical production head na si Jaime Porca, technical assistant na si Darwin Duenas, ang post production team nina Dennie Amarille, Con Ignacio, Oliver Paler, Gewel Bautista, at  Karlo Victoriano, at sound engineer na si Paolo Ordono.

Para sa pinakasariwang balita at komentaryo, manatiling nakatututok sa nag-iisang numero unong istasyon sa Mega Manila, ang DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, at sa DZMM Teleradyo (SkyCable Channel 26) o online livestreaming sa dzmm.com.ph.  Para sa updates, sundan ang @DZMMTeleradyo sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/DZMMTeleradyo.

Lani Misalucha --- DZMM 2014 Christmas station ID 3

Comments are closed.