Laughter and inspiration from Ogie Diaz’ book, “Pak! Humor”

Ogie Diaz’ “Pak! Humor” book

His comic flair has made him popular in both movies and TV, and now his no-nonsense quotes are also making waves on social media. Comedian, showbiz radio anchor and talent manager Ogie Diaz is all set to make readers laugh this time with his funny remarks in his first book under ABS-CBN Publishing Inc. entitled “Pak! Humor.”

Based from the book’s subtitle, “Life Is Short. ‘Wag Kang Nega,” the new author has penned a book to share positive feels to his readers. He said, “the book is all about good vibes” highlighted with the numerous jokes included in the collection as well as inspiring tales about his life.

Readers will laugh out loud with his short, witty anecdotes lifted from his experiences while doing errands, his musings and daily encounters as a talent manager, and his stories as a gay father to five girls.

Aside from his funny narratives, Ogie’s book will also serve as an inspiration to many who are struggling to achieve their dreams. He shared how he started a career as an entertainment writer, how he faced insecurities as a stand-up comedian, and how he faced various life roadblocks.

He talked about handling Liza Soberano as a talent, sharing his advice to the Kapamilya actress when she was just starting out in her career. “Liza, use the rejections you experienced when you act. One day, we’ll have our chance,” he wrote in “Papa Ogie says,” one of the portions of the book with his meaningful quotes.

He also wrote an ode to her mother who raised him along with his seven siblings, and shared snippets of his life with his father, a taxi driver who died after getting robbed.

The book aims to raise funds for cancer patients and survivors of the Philppine Foundation for Breast Cancer Inc. Part of the book sales proceeds will be used to help the beneficiaries of said foundation.

Be amused with Ogie’s “Pak! Humor,” exclusively available in all National Book Store outlets nationwide for only P185.

KATATAWANAN AT INSPIRASYON MULA SA LIBRO NI OGIE DIAZ NA “PAK! HUMOR”

Nakilala siya bilang komedyante sa telebisyon at pelikula at kasalukuyan ay sumisikat din sa social media dahil sa kanyang mga no-nonsense quotes. Ngayon ibabahagi naman ng komedyante, showbiz radio anchor at talent manager na si Ogie Diaz ang ilan sa kanyang mga nakakatawang hirit sa kauna-unahan niyang libro mula sa ABS-CBN Publishing Inc., ang “Pak! Humor.”

Ayon sa subtitle nito, “Life Is Short. ‘Wag Kang Nega,” sinulat ng bagong author ang libro para magdala ng positibong energy para sa mga mambabasa. “Puro good vibes lang ang mababasa nyo sa librong ito,” na makukuha anya sa mga jokes at kwentong ibinahagi niya mula sa kanyang personal na buhay.

Siguradong hahalakhak ang mga mambabasa sa mga hirit niya base na rin sa araw-araw niyang karanasan, mga napagtanto bilang talent manager, at mga kwento niya bilang gay dad sa limang anak na babae.

Bukod sa mga nakakatuwang istorya, magsisilbing inspirasyon ang libro sa mga naghihirap abutin ang kanilang mga pangarap. Ibinahagi niya ang pagsisimula bilang entertainment writer, bilang stand-up comedian, at ilan pang mga pagsubok sa buhay.

Isinulat din niya ang ilan sa mga kwento tungkol sa pagsisimula ng kanyang talent, ang Kapamilya actress na si Liza Soberano. Tampok sa “Papa Ogie says” portion ng libro ang kanyang payo dito na “Liza, gamitin mong hugot sa pag-arte ang mga rejections na natanggap mo. Balang araw, makakabawi rin tayo.”

Nagbahagi rin ang komedyante ng kwento tungkol sa kanyang ina na pinalaki siya at ang kanyang pitong kapatid, pati na rin ang masakit na karanasan ng kanilang pamilya nang holdapin at patayin ang taxi driver na ama habang pumapasada ito.

Layunin ng bagong proyektong ito ang makalikom ng pondo para sa mga cancer patients at survivors sa ilalim ng Philppine Foundation for Breast Cancer Inc. Ang ilang bahagi ng book sales ay ilalaan para makatulong sa mga nasabing benepisyaryo.

Matuwa at matawa sa “Pak! Humor” ni Ogie, available na sa National Book Store outlets nationwide sa halagang P185.

 

Comments are closed.