LAV AND CHARO’S INTERNATIONALLY ACCLAIMED FILM “ANG BABAENG HUMAYO” DEBUTS ON CINEMA ONE

After continuing to receive glowing reviews from international critics, “Ang Babaeng Humayo” (“The Woman Who Left”), multi-awarded director Lav Diaz’s 2016 groundbreaking masterpiece and Charo Santos’ comeback film, makes its much-awaited debut on Cinema One’s “Blockbuster Sundays” this Sunday (June 11) at 8PM.

Produced by Cinema One Originals and Sine Olivia Pilipinas, “Ang Babaeng Humayo” is the first Filipino film to win the Golden Lion, the top prize at the prestigious Venice Film Festival, the oldest film fest in the world. It tells the story of Horacia (Charo), a woman seeking revenge after being imprisoned for decades for a crime she did not commit.

The film’s cast also includes John Lloyd Cruz, Michael de Mesa, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, Jean Judith Javier, Kakai Bautista, Mae Paner and Lao Rodriguez.

After its debut in 2016, the film and its lead star have been praised by critics from all over the world and even gained nominations at this year’s Asian Film Awards.

 

Charo Santos-Concio-as Horacia Somorostro

Scout Tafoya of RogerEbert.com, the world’s preeminent destination for movie criticism, praised Diaz’s control in a movie tackling a variety of issues such as prison life, regional crime, transgender identity, corruption, family, religion, poverty, and murder.

“[When] A film this busy can find such focus in its closing moments says that whatever Diaz’s methods of inspiration and creation, he knows exactly what he’s doing,” wrote Tafoya.

Kenji Fujishima of New York-based PasteMagazine.com praised Lav’s work, indicating, “the characters here are so vividly drawn and performed, and the contemplative mood so remarkably sustained. Don’t be daunted by its length: at its best, Diaz’s film has the richness of a great, wide-ranging, deeply immersive novel.”

Film critic Anthony Oliver Scott also attested to this in his critique in The New York Times: “’The Woman Who Left’ is carefully composed and hauntingly beautiful to behold. It is long and slow-moving, but at nearly four hours it feels less like a test of your endurance than an appeal to your appetite for character, incident, and emotion.” He ended his review with “the film makes uncompromising demands on your attention and your empathy. But it is also illuminating and, in its downbeat, deliberate way, exhilarating.”

Charo Santos-Concio in “Ang Babaeng Humayo”

Charo, ABS-CBN’s chief content officer, who returned to acting in the triumphant epic, was also praised for her powerful performance.

Joshua Brunsting of Criterion Cast enthused, “Santos is absolutely brilliant here, taking the film’s great narrative weight upon her shoulders and crafting a human and humane performance.” Moreover, The New York Times review also said that Horacia is “played with exquisite understatement” by Santos.

Charo was recently hailed as Best Actress in the recent Gawad Tanglaw and Gawad Pasado awards for her performance in “Ang Babaeng Humayo.” The Dublin Film Critics Circle Award, on the other hand, recognized Lav as Best Director in the 2017 Dublin International Film Festival for his masterpiece.

Catch “Ang Babaeng Humayo” on Cinema One this Sunday (June 11) at 8pm. Cinema One is available on Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, and Digital 57. Like Cinema One on Facebook at Catch the premiere of the action-comedy film on Cinema One’s Blockbuster Sunday at 8PM. Cinema One is available on Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, and Digital 57. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

-30-

ANG BABAENG HUMAYO” NINA LAV AT CHARO, MAPAPANOOD NA SA CINEMA ONE

 Mapapanood na ang obra ng multi-awarded director na si Lav Diaz na pinagbibidahan ni Charo Santos na “Ang Babaeng Humayo” sa “Blockbuster Sundays” ng Cinema One ngayong Linggo (June 11), 8PM.

Sa ilalim ng produksyon ng Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas, ang “Ang Babaeng Humayo’ ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na nakatanggap ng Golden Lion, ang pinakaprestihiyosong parangal sa Venice Film Festival. Ito ay kwento ng paghihiganti ni Horacio (Charo) matapos niyang mabilanggo nang ilang dekada para sa isang krimeng hindi niya ginawa.

Kasama rin sa pelikulang ito sina John Lloyd Cruz, Michael de Mesa, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, Jean Judith Javier, Kakai Bautista, Mae Paner at Lao Rodriguez.

Matapos itong maipalabas noong 2016, patuloy pa rin itong pinupuri ng international critics at nakatanggap pa ng mga nominasyon sa Asian Film Awards ngayong taon.

Kabilang sa mga nagbigay ng positibong review sa pelikula si Scout Tafoya ng RogerEbert.com na nagbigay-papuri sa inspirasyon, talento, at maging ang kontrol ni Lav sa pelikula sa kabila ng samu’t saring mga isyung tinalakay rito, katulad ng pamumuhay sa loob ng bilangguan, katiwalian, relihiyon, kahirapan, pamamaslang, at transgender identity.

Pinuri din ito ni Kenji Fujishima ng PasteMagazine.com na sinabing malinaw ang pagkakagawa sa mga karakter at pagkakalatag ng tema hanggang sa dulo nito. Ayon pa sa kanya, sagana ito sa kwento at inihalintulad ito sa isang nobelang nakakapukaw ng damdamin.

Sumang-ayon dito si Oliver Scott sa kanyang review sa The New York Times at sinabing metikuloso at mahusay ang pagkakagawa ng “Ang Babaeng Humayo.” Dagdag pa niya, hinahamon ng pelikula ang emosyon ng manonood nito.

Hinangaan din ang performance ni Charo bilang Horacia sa kanyang comeback film. Ayon kay Joshua Brunsting ng Criterion Cast sa kanyang review, nagawang dalhin ni Charo nang buo ang kwento sa pamamagitan ng kanyang makatao at makatotohanang pagganap.

Kinilala rin si Charo ng kanyang mga kababayan matapos siyang tumanggap ng Best Actress award kamakailan mula sa Gawad Tanglaw at Gawad Pasado para sa “Ang Babaeng Humayo.” Hinirang naman si Lav na Best Director sa 2017 Dublin International Film Festival para rin sa nasabing pelikula.

Huwag palampasin ang groundbreaking masterpiece na “Ang Babaeng Humayo” sa Cinema One ngayong Linggo, 8 ng gabi. Ang Cinema One ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, at Digital 57. Sundan ang Cinema One sa Facebook at facebook.com/Cinema1channel para sa full schedule nito.

-30-

Comments are closed.