LEA AND SARAH USE MITOY AND JOHN LLOYD TO RECRUIT YOUNG ARTISTS IN “THE VOICE KIDS”

The Voice Kids blind auditions

The three coaches of “The Voice Kids” never seem to run out of creative ways to woo young artists to join their respective teams, and the competition among them heats up even further this weekend (June 14-15) as coach Lea Salonga summons Season 1 grand winner Mitoy on stage to convince a kid to be part of Team Lea.

Not one to be upstaged, coach Sarah Geronimo brings up the name of her “bebe” John Lloyd Cruz and promises the said young artist that she will get her to meet the actor if the aspiring artist chooses her as coach. For which gimmick will the kid fall?

Coach Bamboo, meanwhile, also brings his “A” game to recruit outstanding artists and build a formidable Kamp Kawayan.

Watch out for impressive young artists in the continuation of the Blind Auditions, including a boy performer who is a son of a former singer, a kid who dreams of becoming the country’s Prince of Jazz, a die-hard KathNiel fan, and a young artist who lies down to practice and improve his singing skills.

As it continues to find the best voices of young Filipino artists, “The Voice Kids,” the most watched program in the country last May, also continues its winning streak in the TV ratings game this month, according to data from Kantar Media. Last Saturday (June 7), more viewers tuned in to the program when it hit a national TV rating of 34.4% versus “GMA’s Blockbusters ‘Shrek The Third’” (15.8%). The vocal competition also reached its all-time high national TV rating of 37.6% last Sunday (June 8) or 22 points higher than that of “Kapuso Mo Jessica Soho” (15.1%).

The fourth week of the Blind Auditions signals the anticipation for the next stage of the competition as the coaches build up their respective teams composed of 18 artists. Watch out for the heart-stopping Battle Rounds that will kick off in two weeks and will determine each team’s best young artists.

Don’t miss “The Voice Kids” on Saturdays, 6:45 PM and Sundays, 7:30 PM on ABS-CBN’s Yes Weekend. For updates on the program, visitthevoice.abs-cbn.com, like www.facebook.com/thevoiceabscbn, or follow @thevoiceabscbn on Twitter and @abscbnthevoice on Instagram.

 

“The Voice Kids,” pumalo sa all-time high national TV rating nitong 37.6% 

LEA AT SARAH, GAGAMITIN SINA MITOY AT JOHN LLOYD PARA MAG-RECRUIT NG YOUNG ARTISTS

Tila hindi nauubusan ng sari-saring gimik ang coaches ng “The Voice Kids” para ‘ligawan’ ang young artists na sumali sa kani-kanilang team, at tiyak na mas iinit pa ang labanan sa pagitan ng tatlo ngayong weekend (Hunyo 14-15) dahil ipapatawag ni coach Lea Salonga ang Season 1 grand winner na si Mitoy sa mismong stage para kumbinsihin ang isang bata na umanib sa Team Lea.

Hindi naman magpapakabog diyan si coach Sarah Geronimo dahil gagamitin niyang panangga ang kanyang “bebe” na si John Lloyd Cruz at nangako sa nasabing young artist na ipapakilala niya ito sa aktor kapag siya ang pinili nitong coach. Kaninong gimik ang mas bebenta sa young artist?

Ano-anong pakulo naman kaya ang gagamitin ni coach Bamboo para makumbinsi ang ibang artists na maging bahagi ng Kamp Kawayan?

Tiyak na kaabang-abang din ang Blind Auditions at kwento ng buhay at pangarap ng isang boy performer na anak ng isang dating singer, isang artist na nangangarap na maging Prince of Jazz ng Pilipinas, isang die-hard KathNiel fan, at isang batang nagpapraktis na kumanta habang nakahiga.

Sa patuloy na paghahanap ng best voices ng mga Pinoy bulilit, tuloy-tuloy din ang pamamayagpag ng “The Voice Kids” ngayong buwan matapos itong tanghaling pinaka-sinubaybayang programa sa bansa noong Mayo, ayon sa datos ng Kantar Media. Noong nakaraang Sabado (Hunyo 7), mas dumami pa ang tumutok sa “The Voice Kids” sa nakuha nitong national TV rating na 34.4% laban sa “GMA’s Blockbusters ‘Shrek The Third’” ng GMA (15.8%). Nakamit naman ng nangungunang vocal competition ang all-time high national TV rating nitong 37.6% noong Linggo (Hunyo 8), o higit sa 22 na puntos na lamang sa kalabang programa nitong “Kapuso Mo Jessica Soho” (15.1%).

Pagkatapos ng ikaapat na set ng Blind Auditions ngayong linggo, nalalapit na ring mabuo ang bawat team na may 18 na young artists. Dalawang linggo na lang ay sisipa na ang kakaibang Battle Rounds na siyang pagkukunan ng pinakamagagaling sa bawat team.

Huwag palampasin ang “The Voice Kids” tuwing Sabado, 6:45 PM at Linggo, 7:30 PM sa Yes Weekend ng ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.

Comments are closed.